Chapter 18

789 14 2
                                    

Ilang Linggo na ang lumipas ng tila bumubuti na ang lagay ni alexa..Natanggal na ang tubo sa bibig nito at hinihintay nalang ang pag gising nito. Samantalang na discharge  na rin ng hospital si Jasmine at kasalukuyan ng nagbabantay sa anak nito kahit na nakasaklay pa ang kanang kamay nito.
Hindi alam ni franco ang mararamdaman niya ng sandaling iyon, naroon ang galit at awa sa puso niya ng makita ang kalagayan ni jasmine.

Kasalukuyan silang nasa labas ng ICU noon ng lapitan si Franco ng dating asawa.

"Im sorry sa nangyari.. kasalanan ko kung bakit nangyari kay alexa ito!"maiyak-iyak na wika ni jazmine.

"Nandiyan na iyan jasmine ..nangyari na ang nangyari...huli na para magsisi tayo..ang mahalaga nalang ngayon ay ang mai-survive ni alexa iyan!" ani franco.

"Alam kong matapang na bata si alexa ..tulad  mo alam kong kakayanin niyang lagpasan ang lahat ng pagsubok at kapag nangyari yun hahayaan ko na siyang makalapit sa inyo dahil alam ko na mahal na mahal niya kayo ni martha" ani jasmine.

"salamat kung ganun..."ani Franco.

Sinubukang maging civil nila franco at jasmine para kay alexa..isinantabi nila ang gulo sa pagitan nila para sa bata. Naging suportado naman si martha sa asawa..natutuwa siya dahil nararamdaman niyang unti-unti ng natututong magpatawad ito sa nangyari.

Ilang araw pa ang lumipas ng magising si alexa..tuwang tuwa sina franco ng magmulat ito ng mata na nasa tabi sila nito..

"Daddy...mommyah..." mahinang wika ni alexa.

"baby salamat naman at gising kana! kamusta na pakiramdam mo ok ka na ba?" ani franco.

"Im ok daddy and im happy because your here with mommyah!" ani alexa.

"ofcourse baby hinintay kaya namin nila daddy mo ang pag gising mo,para pag mulat ng mata mo nandito kami na nagmamahal sayo di ba!?" ani martha.

"Thank you mommyah!! nasan po si mommy jasmine is she okay?" tanong ni alexa.

"yes baby lumabas lang sila ni daddy khael mo to buy your favorite food..sigurado ako pagbalik nun matutuwa iyon at gising kana!" ani franco.

"hindi na po kayo nag aaway ni mommy at daddy khael?" inosenteng wika ni alexa.

"Hindi na baby...dahil sayo narealized namin na mas mahalaga yung kaligayahan mo kesa kung na kanino ka..basta gusto ko lang sabihin sayo na kahit na kila mommy jasmine mo ikaw huwag mong kakalimutan na mahal ka namin ni mommyah pati narin ni baby clarence ha!" ani franco.

" sino po iyon?" nagtatakang tanong ni alexa.

"your baby brother...anak namin ni mommyah!" masayang wika ni franco.

"really? may baby brother na po ako?" ani alexa.

"yes baby..and soon makikilala mo na siya kaya magpagaling kana para makita mo na siya!" ani franco.

bahagyang gumuhit ang lungkot sa mukha ni alexa ng sandaling iyon.

"why baby hindi ka ba happy na makita si baby clarence?" ani martha.

"happy po..pero baka hindi niyo na po ako love kasi may bagong baby na kayo! sabi ni mommy hindi naman daw po ako totoong anak ni daddy franco." ani alexa.

"Hindi yun mangyayari anak..kasi pareho ko kayong mahal ni baby clarence..kasi pareho ko kayong baby" ani franco.

"promise po?" ani alexa.

"syempre naman..." nakangiting wika ni franco at hinalikan sa noo ang bata.

Tulad ng sinabi ni franco matapos mailabas ng hospital ang bata ay ipinakilala nila kay alexa ang anak nila ni martha. Hinatid ito ni jasmine at khael sa mansion upang maka-bonding ang kinalakihang magulang nito.

"Paano franco,martha kayo na muna bahala kay alexa aalis na kami..susunduin nalang namin siya mamayang hapon" ani jasmine.

"Salamat at pinahiram mo sa amin si alexa," ani franco.

"alam kong magiging masaya si alexa kapag nakilala niya baby brother niya! salamat at kahit na nalaman niyo na bunga ng pagkakasala ko si alexa tinanggap mo parin siya." ani jasmine.

"wala naman kasalanan ang bata,at totoo ang pagmamahal ko sa kanya kahit na hindi ko siya tunay na anak." ani franco.

"salamat..." ani jasmine bago tuluyang umalis.

Masayang masaya si alexa ng makita si clarence..nagpe-presinta ito na magpadede sa bote at punasan ang laway nito.
Nakangiti naman ang mag asawang franco habang pinapanuod ang magkapatid habang aligaga si alexa sa paglalaro ng kapatid.

"akala ko hindi ko na makikitang maglaro ang magkapatid!" siryosong wika ni franco.

"sabi ko naman sayo di ba malakas na bata si alexa kaya nakayanan niya ang lahat..tingnan mo nga oh parang walang nangyari.." ani martha.

"Alam mo kahit na naging mahirap yung sitawasyon natin..nagpapasalamat rin ako dahil bukod sa nalagpasan ni alexa..naliwanagan din ang utak ko na hindi sa papel nakikita o sa dugo ang batayan ng pagmamahal sa isang tao..kundi dun sa handa mong ibigay kung saan siya mapapabuti at magiging masaya." dramatikong wika ni franco.

"kaya nga ba sobrang proud ako sayo babe..kasi bukod sa gwapo na napakamapagmahal pang ama at asawa. at kung may ipagpapasalamat man ako iyon ay ang naging substitute wife mo ako noon at naging legal wife mo ako ngayon.." ani martha.

"talaga??? proud ka sa akin?"pilyong wika ni franco...

tumango naman si martha sa pagsang ayon dito.

"hmm sige nga...wala ba akong reward? baka gusto mong dagdagan na natin iyan" sabay nguso sa magkapatid.

"ano??? babe ang liit pa ni baby clarence..." ani martha.

"ok lang...tutulungan naman kitang mag alaga eh!" ani franco.

"hmmmppp kahit na!" ani martha.

"hindi mo naman yata ako mahal!" ani franco.

"kaarte mo...mabuti pa mag picture nalang tayo ng mga anak natin!" natatawang wika ni martha.

Napakamot naman ng ulo si franco at sumunod narin sa asawa.

Mabilis na lumipas ang panahon naging maayos ang buhay nila martha at franco...masaya narin silang namumuhay kasama sina alexa at clarence..
samantalang kasalukuyan na din nasa bakasyon ang bagong kasal na sina jasmine at khael..pansamantalang iniwan nito sa kanila si alexa..Masaya na sila sa sitwasyon ngayon baganan naging magulo noon ay nagkaroon ng paghilom sa kanilang mga puso at nanaig ang pagpapatawad dahil sa pagmamahal nila sa bata.
Kasalukuyan narin ipinagbubuntis ni martha ang pangalawa nilang anak ni franco..Wala ng mahihiling pa ang dalawa kundi ang magpatuloy na maging masaya ang papalaki na nilang pamilya.

******THE END*******

The Substitute Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon