CHAPTER VI- WELCOME PARTY

1 0 0
                                    


Binigsak ko ang katawan sa kama at sinubukang matulog kaso sa tuwing pipikit ako ay nakikita ko ang letcheng pagmumukha ni shokoy. Hayst!
"Anak iha, kain na!", sigaw ni mama sa ibaba.
"Sige po!"
Lumabas na ako ng kwarta at naglakad patungo sa hapag.
"Mano po ako ma , pa. Inay si Jagan po nasaan?"
"Na kina Sky, may gagawin daw na activity"
"Eh baka, babae na ang inaatupag nyan inay"
Isang malakas na batok ang naramdaman ko galing sa taong nasa likuran ko. Si Jagan lang pala habang nakangisi pa, bwesit!
"Dali ka dito, bilis!" Sigaw ko sa kanya habang sya ay mabilis na pumunta sa kwarto nya.
"Nay! Tay!", sumbong ko kina mama at papa.
"HAHAHA!" tinawanan lang ako. Halah ang bad niyo pooooo!
"Babae ka jan, baka mapatay mo ako ng wala sa oras eh!", dinig kong sigaw ni Jagan mula sa itaas.
"Dalian mo dyaan Jagan at kumain ka na ditto", sabi ni inay dito.
"Opo nay"
BLAHBLAHBLAH nagpatuloy na lang ako sa pagkain at nang matapos ay hinugasan ko na ang mga pinggan.
~Don't stay awake for too long
Don't -
Tiningnan ko ang phone ko kung anong meron. Ay oo nga pala, inalarm ko pala to kagabi para sana ay hindi ako malate sa welcome party. Tsk! Pinatay ko ang alarm at ipinagpatuloy ang paghuhugas.

After a few minutes ay natapos na din ako. Bumalik ako sa kwarto at tiningnan ang mga pinambili namin ni Alfaea. Binuksan ko ang mga ito at mapait na ngumiti.
"Sayang di kita maga-"
Napatigil ako sa pagsasalita ng may nakita akong isa pang bag maliban sa mga pinagsisidlan ng nabili namin. Dahan dahan ko itong binuksan at naglalaman ng?
Make up kit? At perfumes? Aanhin ko yan? Tse!
Ibabalik ko na sana ang laman nito ng may nahulog na isang nakatiklop na papel? Binuksan ko at binasa ang nakasulat sa papel
'Alam kong maganda ka na at mabango. Akam ko din na hindi ka mahilig sa mga ganito'
Alam mo naman pala eh. Ba't ka pa nagpadala nito tsk! Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa.
' Pero kasi feel ko mas gaganda ka nito, see you there. We will be waiting. Mwuahhh miss you.

-Alfaea'
Hayst anak ng tokwa naman 'to! Dali dali kong tinignan ang orasan.
7:45 PM
Kaya pa to. 8:30 PM pa naman magsisimula ang party. Dali-dali akong naligo at naghanda.

After 20 mins ay natapos na ako sa paghahanda. Tapos? Make up? Hindi ako sanay pero no choice.

AFTER 123456789 YEARS ay natapos na din ako.

Habang suot ang binili na purple off shoulder sequined evening dress ni Alfaea at iba't ibang uri ng mga mamahaling jewelries at shoes ay hindi ko maiwasang hindi mamangha sa akin. Syempre kailangang confident. Alam ko namang maganda ang damit ko kasi mas maganda ako noh! (WEH!!!) Shut up author! (...)
Isang purple off shoulder sequined evening dress plus jimmy choo's Cinderella sandals plus sterling jewelries at isang Luis Vuitton na bag plus beautiful face EQUALS Me, sa Ingles at Ako, sa Tagalog.
BWHAAHAH hindi ko mapigilang tumawa haha, ang kapal ng fes-
"Nay! Tay! Si ate ang ganda dali kayo ditto bilis!"
O_O
Punyemas! Bigla kong naibato kay Jagan ang isa sa mga unan ko, tangina!

"Iha, anak, ang ganda-ganda mo"
"Oo nga anak, for sure magkakajowa ka na", pambibiro ni tatay.
"Itay naman eh!"
"Syempre nagbibiro lang"
"May party ba kayo anak?"
"Opo eh,ma hindi mo ba nasabihan si itay?"
"Ay oo nga pala, eh makalimutin ako eh"
" kaso ayaw ko sanang pumunta kaso ito po, binilhan nila ako ng mga gamit. Nahihiya po akong hindi pumunta baka kasi nasasayangan ang bumili nito"
"Oo nga naman ate. Kaya alis na! Kanina pa nandyan ang sundo mo!"
O_O
Anong sundo?
"Anong sundo ba iyang sinasabi mo uyst!"
"Nathan daw ang pangalan, pinapadali ka na daw ni Alfaea"
Anak ng pakinengsheyttttt!!!
Dali-dali akong nagmano at nagpaalam kina inay at itay at saka dumiretso sa labas.
Anong ginagawa ng mokon-
Napangaga ako nang makita ko ang isang lalaki na naka itim na tuxedo at nakatalikod sa'kin. Ang gwapo nya..... 'pag nakatalikod. Tsk!

"Ahermmm...Makakaalis ka na. Pupunta ako at ibalita mo na sa kanila, kaya umalis ka na"
"Tsk!", tanging sagot nya tsaka pumasok ng sasakyan.
Good. Nagwave pa ako ng goodbye sa kanya pero anak ng-
*BEEPPPPP BEEPPPP
Tangina ang ingay ng taong to!
"Anak anong problema?", tanong sa'kin ni inay na nasa loob..
"Wala po, aalis na po ako", dali dali akong sumakay sa loob ng kotse tsaka sya binigyan ng masamang titig.
"Tsk"

The Prodigies ( Battle of Talents) [ON GOING]Where stories live. Discover now