CHAPTER 6

124 8 0
                                    

Chapter 6: Threat begins



"WHO the fuck saw him last night?!" his raging voice echoed the whole mansion that sends shiver down my whole being.

Halos matibag ako sa kinatatayuan sa hindi mapangalangang kabang bumalot sa buo kong sistema nang marinig ang dumagagundong na tinig ni Agon. Kahit na hindi ko kaharap ito ay alam kong nakatatakot ang mukha niya ngayon.

Bahagya kong binuksan ang pinto at sinilip kung saan ba talaga magmumula iyon kahit alam ko naman ang nagmamay-ari ng boses na narinig ko.

Sumalubong sa aking ang likod nito na nasa dulong bahagi ng pasilyo, kung saan matatagpuan ang malaking hagdan pababa.

"A-ako po, s-sir. . ." pakinig kong sagot ng kung sino. Pamilyar ang boses pero hindi ko masyadong kilala dahil namamaoas ito.

I saw how Agon's back moved nang kinasa nito ang baril. He was wearing a business suit again. Doon nanlaki ang mata ko dahil alam ko na kung ano ang mga susunod nitong gagawin.

"You saw Levin last night but you didn't bother to take him to his room?!" galit na sigaw ni Agon sa kausap na ngayon ay humihikbi na.

Levin.

That was the time I noticed that I'm 2 meters away from him. I didn't even noticed that I'm no longer in my room.

Nagsalubong ang mata namin ni Nick na kasalukuyang nakasandal sa pader. He winked at me but I just rolled my eyes to say that I don't like the way he acts whenever we met.

He's like a vampire, namumutla ang kutis sa kaputian. Kapag malayo ka sa kaniya ay kitang-kita pa rin siya dahil sa kaputian nito.

Napansin ko ring nakatingin sa akin si Ardeen, na ganoon din ang expression na pinapakita sa akin kagaya ng ginawa ni Nick. Ginawa ko ulit ang pag-irap sa kaniya at lumetrang o ang bibig nito as if bagong-bago sa kaniya ang ginagawa ko.

Napalipat ang tingin ko kay Raji, malayo ang tingin nito pero halatang nakikiramdam sa kung anong nangyayari sa paligid nito. He was a mysterious type of guy among these three, ka-vibe silang dalawa ni Agon pero mas nakalalamang lang itong si Raji.

Ito yata ang unang pagkakataong nakita ko ulit ang mga kaibigan ni Agon. I admit, mas gumuwapo sila but I don't have an ounce of interest on each of them.

Napansin ko ang paghikbi ng isang babae kaya napatingin ako sa sahig. Mabilis akong tumakbo papunta kay Karen na nakaluhod at umiiyak. Siya pala ang naririnig kong nagmamakaawa kay Agon.

"Karen!" Inalalayan ko itong tumayo pero umiling lang ito sa akin.

"Ma'am, h-huwag na po. Okay lang po ako rito," aniya at yumuko.

Okay ba itong kalagayan niya? Agon was on the verge of killing her. Anong okay sa sitwasiyong iyon?

I glanced at the gun Agon's holding and Lucia came into my mind for an instant.

"No! You are not okay! Huwag kang lumuhod sa lalaking 'yan!" galit na sigaw ko at pinilit na patayuin ito pero nagmatigas pa rin si Karen. Mas lalo siyang naiyak sa ginawa ko.

"Ma'am Jeyk, h-huwag na po kayong m-makialam," bulong nito na may bahid na takot ang pananalita. Nanginginig niya akong tinaboy pero hindi ko pinakawalan ang kamay nito. "Ma'am. . ." Ilang ulit itong umiling  pero hindi ako umalis. "U-umalis na po k-kayo, ma'am."

"I said get up, Karen!" I commanded. Matiim ko itong tinitigan, hindi nagpatinag sa pagtataboy nito sa akin.

"Ma'am, h-hindi po p'wede." Takot itong tumingin kay Agon kaya sinamaan ko ng tingin ang lalaki. Nilabanan ko ang nakapapaso nitong mga tingin at hindi ininda ang mga tauhang nakaantabay sa kung ano mang gagawin ko sa amo nila.

Mafia Society #1: Chained to the Ruthless Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon