A/N: Hi! It's been a while mafias! How are you? Thank you so much for waiting for this update. Will update this story every sunday <33
**Chapter 13: Enemy
"ATE Let's go to the park," masayang aya ni Levin while tugging my shirt.
"Nakapagpaalam ka na ba sa kuya mo?" I asked.
Napailing ito. "Hindi pa po, e. Wait po." Nilibot nito ang tingin sa paligid pero hindi niya makita si Agon. Levin walked towards the guards in the front door and gently tugged his pants. "Kuya, sa'n po si Kuya Agon?"
Napatitig sandali sa 'kin ang tauhan ni Agon bago ibinaling ang tingin kay Levin. "Ah sir, may pinuntahan lang si Kuya Agon mo, Sir Levin," he said smiling widely.
"Ganoon po ba?" Napakamot ng ulo si Levin. "Okay po. Thank you," malungkot na aniya. Bumalik siya sa 'kin. "Wala po pala si kuya. Bawal akong lumabas."
Nahabag ako sa mukha ni Levin dahil bigla itong walang ganang kumausap ng kahit sino. Tahimik siyang naglakad papunta sa k'warto niya at walang lingon sa 'kin.
Ilalabas ko ba siya? Malapit lang naman.
Sa lapit ng park dito ay hindi naman siguro kami mapapahamak. Marami namang tauhan si Agon kaya siguro safe naman. Wala naman sigurong makakalusot sa higpit nilang magbantay knowing them.
Nakangiti kong tinungo ang kuwarto ni Levin at kumatok.
"Levin?"
"Pasok po."
Pinihit ko ang door knob at natagpuang nakatingin sa malayo si Levin. In that kind of position, kamukhang-kamukha niya ang kuya nito with his serious expression. He's radiating the same aura as Agon but when he glanced at me with a smile, bigla itong nawala.
"Ate, I want to go outside," malungkot na aniya at nilingon ulit ang labas.
"Gusto mo talagang lumabas?" tanong ko.
He glanced back at me and nodded. "But kuya will be mad if I go outside." Napayuko si Levin dahil bigla itong nilukob ng lungkot.
"Tara?"
"But kuya will. . ."
"Ako na ang bahala. Tara na," nakangiti kong wika at hinila siya palabas ng mansiyon.
Nakasunod lang ang sampung bodyguard sa likod at tahimik na nagmamasid sa paligid. May mga nauuna at romuronda sa kung saan kami patungo at ang iba ay nasa tabi namin.
Malapit lang naman ang parke kaya siguro ay okay lang.
Yeah, that's right. Okay lang itong ginagawa ko. I convince myself.
"Ate, dun tayo!" Turo ni Levin at kumaripas ng takbo.
Napangiti ako sa ginawa ng bata. His smile and laughter is like a music. Masaya ko siyang pinagmasdan habang tumatakbo at tuluyang umakyat sa slides.
I felt sad looking at Levin. Seing him this happy made me wonder if he had this smile nong wala pa ako. Nakakalaro ba siya ng ganito? Nakakatawa ba siya ng malaya? Nakalalabas ba siya na hindi iniisip ang galit ng Kuya Agon niya?
Napatitig ako sa mga bodyguard na nagtatago sa paligid at nagmamasid. Kailan pa siya naging malaya, eh, bawat pitik niya ay may mga matang nakaantabay sa kaniya.
I want Levin to breathe. I want him to enjoy his youth without restrictions. I want him to live everyday with that smile painted on his face.
"Ate come here! This is so fun!" he exclaimed excitedly. Tumakbo ito sa isang see saw pero ilang sandali lang ay pumunta ito sa swing. Walang mapaglagyan ang excitement niya sa bawat sulok ng park.
BINABASA MO ANG
Mafia Society #1: Chained to the Ruthless Mafia Boss
RomanceMafia Society Series #1 (ON-GOING) Hindi inakala ni Jeykcil na magiging magulo ang buhay niya sa oras na mamatay ang minamahal nitong ama. Wala siyang kaalam-alam na aangkinin ng gahaman niyang tiyahin ang lahat ng pag-aaring binilin at dapat sa kan...