chapter 6

186 12 2
                                    

-Regina-

It's been a week since Narda started living with me, I'm hitting the gym more frequently now because Narda keeps ordering food for me when all I want is a salad, I really can't say no to her when it comes to food since she keeps doing what I want her to do. I think she's breaking my habit of not eating on time or skipping meals, but I'm not really fond of eating too many since I went to France, they have a different culture there unlike here. So Narda makes me these shakes that have vegetables and fruits in them twice a day, she wants me to quit drinking wine but that's where I draw the line, so we compromised that I will eat what she offers so I could keep my wine. I felt relieved when she stops pestering me to eat rice and she just balances my salad with some meat or fish.

She's so caring to the point that she indulges me to take a break on the couch and lay there with my head on her lap as she talks about everything and anything while I listened to keep my mind off work, sometimes Ali or Xandra catches us like that when they have urgent business to tell me but I don't care when I feel relaxed whenever Narda do that to me. When I'm focused on reviewing my paperwork for hours I let Narda go out of the office and go around the company because sometimes she plays some game on her phone, I got surprised when she screamed while playing, so I asked her to leave me if she's going to scream like that unannounced, I might get a heart attack.

Speaking of Narda, where is that girl?

-Narda-

"Uy Narda, tama na yan kanina mo pa inaayos yung mga cupcakes jan sa shelves, gusto mo lang ata mag uwi eh" sabi ni Mara na natatawa

May bago akong naging kaibigan dito sa work, si Mara yung may-ari ng coffee shop dito sa ground floor ng office, nung pinaalis ako ni Chairman nung isang araw dahil nagulat siya habang naglalaro ako ng ML sa phone ko, eh dito ako napadpad para ibili siya ng snack, napaka bibo at madaldal nito ni Mara parang hindi nauubusan ng kwento, palibhasa office hours wala masyadong tao dito sa cafe niya noon, at dahil wala rin naman akong magawa at pinaalis ako ni Chairman eh nag chikahan muna kaming dalawa, at magmula noon araw araw na din ako nandito, pero saglit saglit lang kapag super busy ni Regina sa pagrereview ng mga trabaho niya.

Hindi pa alam ni Mara kung anung trabaho ko dito sa company, kasi naman wala naman talagang label ang trabaho ko, kung matuturing mo ba talagang trabaho to. Feeling ko nga akala ni Mara utility ako dito eh kasi daw pagala gala lang daw ako.

"Mara, gusto lang naman kita tulungang maging presentable yang cupcakes mo para sa mga customer mo mamaya, tsaka hindi ko din naman mabili yan kasi bawal yan sa pagbibigyan ko" sabi ko na nakangiti, naalala ko tuloy si Regina na halos masuka sa mga matatamis na dessert na minsan dinadala ko sa office galing dito sa cafe, sabi ni Ali preferred daw ni Regina yung mga bread lalo na yung croissant, fave daw niya yun, kaya lang wala namang tinda si Mara nun. Hindi din ako makalayo at baka bigla ako hanapin ni Regina, napaka clingy pa naman nun

"Ay, edi ikaw na may pinagbibigyan, minsan dalin mo yang jowa mo dito para naman mapagtimpla ko ng kape" natawa na lang ako kay Mara, assuming talaga tong taong to, basta makasagap ng chismis

"Jowa? Ano ka ba single ako noh, walang commitment, unavailable nga lang simula ng magkatrabaho dito" dahil sa true lang wala akong oras sa ibang bagay, dahil lahat ng focus ko dapat kay Chairman lang

"Eh kung wala kang jowa, sino yang binibigyan mo ng kape sa taas?"  sasagutin ko na sana si Mara nang biglang may pumasok sa cafe

"O Narda! nandito ka pala" sabay bati ni Brian na halata mong pagod na pagod na

"Brian, mukhang kailangan mo na ng kape ha" biro ko sabay tawa ng malakas, si Mara naman bigla akong siniko at tipong gustong malaman kung sino si Brian

Now That I Have YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon