-Narda-
Chinat ko si Brian if pwede ko siya makasabay mag lunch, at ang mokong ayun tuwang tuwa at makakalibre na siya ng lunch, aba! gusto pa sa labas pero sabi ko hindi pwede kasi baka hanapin ako bigla ni Regina, kaya sabi ko sa cafeteria na lang kami mag lunch para na din makatingin ako ng pwedeng kainin ni Chairman.
Sabay kami naglakad papasok ng caf nang bigla kong naramdaman na para bang ang daming nakatingin sa amin, ako lang ba nakaramdam? Teka guys ako lang to, no need magulat sa ganda ko, pero sa totoo lang parang ang init ng mga tingin
"Uy, bakit parang ang awkward ng atmosphere" pabulong kong sabi kay Brian
"Oo nga ano, pabayaan mo na lang mga yan baka ngayon ka lang nakita" pagwalang bahalang sabi niya
"Sige, tara na baka maubusan pa tayo ng pagkain" nagpunta na kami sa counter ng caf, in fairness mukhang masarap ang mga foods dito, at wait, may salad! woooh! may makakain na si Regina
"Ate pwede pa save ng salad tapos yung roasted chicken nyo patadtad na lang po tapos pasama na lang sa salad, separate po yung dressing ha, paki balot na lang po tapos kunin ko mamaya pag alis, at saka isang order ng meal nyo po yung may dalawang ulam, extra rice na din, uy Brian ano sayo? Ate yung kanya ako na din magbabayad ha!" sabi ko na medyo napalakas ang boses, kasi naman ang harot harot ni Brian
"Ano ka ba! ang kulit kulit mo" sabi ko sa kanya dahil lagi niya ko inuusog na akala mo batang hindi mapakali
"Aba, nagtitipid ka ba? Bakit yan lang kakainin mo eh alam ko namang matakaw ka" napasimangot ako sa kanya
"Hoy, hindi pa nga ako sumasahod eh, kabibigay lang ni Chairman ng ATM ko kanina, last money ko na yan, kaya orderin mo na gusto mo, sayo ko na nga uubusin ea" sabi ko sabay irap
"Ay wow salamat, mukhang napilitan ka pang ilibre ako ha" kulang na lang talaga batukan ko to si Brian eh, kung hindi lang siya kagalang galang dito sa company matagal ko na ginawa
"Hindi nga sabi ako napilitan, tsaka hindi naman talaga ito yung big time libre ko sayo eh, iniinvite ka din pala ni Chairman for lunch, pero hindi ngayon masyado pa siyang busy kaya hintayin mo nalang" aba at napangiti ng malala ang mokong
"Talaga Narda, wow! Anong pinakain mo kay Chairman para maisama ako sa lunch" curious na tanong niya habang papunta na kami sa bakanteng table, si Brian talaga, yung pinaka mahal pa talaga sa menu ang kinuha buti na lang talaga may ATM na ko, makakawidraw na siguro ako pangbili ng needs ko
"Wala, tinanong lang niya kung sino ka nung tumawag ka one time, tapos sabi ko tropa kita ng college, ayun bigla na lang niya sinabi sa akin na invite kita minsan mag lunch kasama siya, yun lang wala ng iba" napakamot ng batok si Brian sa sagot ko
"Teka Narda, medyo napaka babaw naman ng dahilan para iinvite ako ni Chairman, ni hindi nga alam nun na nageexist ako eh, magsabi ka nga ng totoo" huh! hindi talaga ako makakatakas sa kilatis ni Brian ah, sabagay nung una pa lang nagtataka na siya kung bakit gustong gusto ko mag apply dito sa Vanguardia Corporation nung malaman kong dito siya nagtatrabaho
Sa totoo lang nung malaman kong nag retire na si Lola Berta dito, sinabi din ni Ding na si Regina na ang papalit kay Tito Rex, kaya agad agad kong tinanong si Brian kung meron bang opening na position sa incoming Chairman. At dahil assistant siya ni President Noah Vallesteros nagkaroon siya ng intel about sa hiring ng office of the chairman. Nagmakaawa ako kay Brian na ilakad ang papel ko sa interviewer para naman magkaroon ako ng chance na makita man lang si Regina, gusto ko lang naman siya makita pagkatapos niya mawala ng sobrang tagal. Hindi ko na nga hinangad na matanggap eh, ang importante makita ko siya. Buti na nga lang talaga nabigyan ako ng chance na makapagtrabaho sa kanya.
BINABASA MO ANG
Now That I Have You
FanfictionRegina hires a secretary, Narda, which connects her to her past, present and future