Epilogue

235 13 5
                                    

12 years later

-Narda-

"Max! Renz! Jean!" aga aga tawag ng tawag si Regina

"Mahal, rinig na rinig ka sa buong mansion, anong problema?"

"Late na naman ang mga bata sa school, manong said baka matraffic sila if they don't leave this time" natawa na lang ako, ever since nag leave si Regina for a week parang nagulo ang mundo ng mga bata, parang ang dami niyang nakikita

"Anak, they have their schedules memorized, they'll be down in a few, don't worry," Daddy Rex said kay Regina who is pacing sa entrance ng mansion

Natatawa na lang ako, after ko ipanganak yung mga kids, lagi naglalaan ng 1 week leave si Regina from the company every month para daw natututukan pa din niya yung mga bata, tsaka bebe time din daw hahaha

She promoted Noah din dahil she needs people who can do her work whenever she needs this break. Si Brian naman na promote na as President, which is yung dating position ni Noah. Fortunately, nagbunga ang France trip ni Brian, the whole time silang dalawa ni Noah magkasama at kung saan saang winery at romantic places nagpunta yung dalawa, yun pala type na din pala siya ni Pres Noah kaya naman yung kilig ng lolo mo eh nadaig pa yung honeymoon namin ni Regina which is kasama sila Lola Berta at Ding

Si Mara naman, ayun pagod pero sabi niya masaya siya dahil yung pangarap niyang business eh talaga namang naging successful. May anak na din siya with Richard, may landian na palang nagaganap sa work hindi ko pa alam. Anyways wala naman akong magagawa since napaka busy ko sa pag-aalaga ng mga bata, buti na lang anjan sila Daddy Rex at Lola Berta.

Magmula ng ikasal kami ni Regina, sinabi namin na sa mansion na tumira sila Ding at Lola para lagi na kaming magkakasama tutal ang laki laki ng bahay. Si Ding tuwang tuwa dahil gamit na gamit niya yung entertainment room na pinagawa ni Regina, dahil alam niyang mahilig kami dalawang mag video games. Si Lola at Daddy Rex naman ay madalas naiiwan sa bahay, nagtatawanan na nga lang kami kasi ang tagal na nga nila magka trabaho sabay retirement at sa bahay silang dalawa pa din ang magkasama. Kung iisipin mo nga pwede pa silang maging soulmates eh, kung hindi lang magkalayo talaga ang mga edad nila at forever nila ang kanilang mga yumaong asawa. Kaya yun ang madalas nilang pag kwentuhan pati yung mga memories nila sa work, pati mga pag aaway nila na ngayon eh tinatawanan na lang nila

-Regina-

"Mom! Mommy! We're going!" the kids yelled

"Oh my god, finally!" I kissed them one by one then Narda followed

"O mga kids, huwag kayong makulit sa school ha, enjoy nyo lang araw nyo at makinig sa teacher?" Narda reminded

"Yes Mommy!"

"Boys, look after Jean ok, ayaw kong may suitor yang sister nyo"

"Mom! I'm only 9!" she whined

"Ah basta, wala munang manliligaw" I insisted

"Regina, wala naman yan sa manliligaw eh, ikaw naman, ganun ba pinagdaanan mo? Nagulat na nga lang ako si Narda na mahal mo na BEST FRIEND mo!" well dad didn't have to make it obvious ok, Narda just laughed until the kids left, so I'm kinda embarrassed about it

"Jusko, sinabi mo pa dad, alam mo ba yang si Regina kung makayakap nung bata kami, halos hindi na ko makahinga"

"Narda stoooooop!" dad just laughed and teased me the whole time we're having breakfast

"Wait a minute anak, hindi ba madami kang naging girlfriend sa France?" my gosh, do we have to talk about this

"Dad, what a question ha! Hay nako mamaya magselos si Narda, ayaw kong mag away kami lalo na at I made time for her this week" I said dodging the question

Now That I Have YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon