Filling this longing

23 2 0
                                    

Meek pov.

"Meek, saan ba talaga tayo pupunta?" I don't want to spoil my surprise kaya nanatili akong tahimik kahit napapansin ko na ang pagkainis sa mukha ni Reny.

"Mr. Ed, saan po ba talaga ang way natin?" napangiti na lang ako sa kakulitan ni Reny.

"Meek, Ngingitian mo lang ba talaga ako? Alam mo namang ayoko sa mga surprise diba, kaya sabihin mo na, please?" Please wag mo akong tingnan ng ganyan...baka di ko mapanindigan ang gusto kong mangyari...

"Reny, can you trust me on this...?" she looked at me deeply at alam kong hindi ko na matatagalan na tiisin ang mga mata niya kaya ako na ang unang nagbawi ng tingin.

"You're blushing." Napatingin ako muli kay reny at naglalaro ang mapanuksong ngiti sa kanyang mga labi. Napailing na lang ako, nag-eenjoy talaga siya tuwing nalalaman niya ang epekto sa akin ng mga simpleng hirit niya.

"Sir, nandito na tayo." Napatingin ako sa bintana at ganun rin ang ginawa ni Reny.

Nakita ko kung paano unti-unting lumalaki ang mga mata niya hanggang sa may maglarong isang napakalungkot na ngiti sa kanyang mga labi. Tama ba na dito ko siya dinala? Ang lugar kong saan kami unang nagkita, ang lugar kung saan nagsilbing takbuhan niya, ang lugar na alam kong kahit hindi niya sabihin ay alam kong pinanghihinayangan niya na nawala.

"Bakit mo ako dito dinala?" mahihimigan ang inis sa kanyang boses.

"Dahil alam kong napakahalaga sayo ng lugar na ito."

"Kahit na...ang mga bagay na nawala na ay hindi na dapat pang binabalikan pa..." medyo nasaktan ako sa mga sinabi niya...hindi na ba dapat pala ako binabalikan pa...

"Meek, that's not what I meant..." napansin niya sigurong bigla na lang ako napayuko.

"I know...Reny, will you take chances on me?"gusto kong maging malinaw sa amin ang lahat at ito na ang pagkakataon para mas makilala pa namin ang isa't-isa.

"o...ok."napangiti na lang ako ng mamula ang kanyang mga pisngi...she's really adorable...

Hinawakan ko na ang kanyang kamay bago pa muling magbago ang kanyang isip. Patuloy kaming naglakad hanggang sa marating namin ang garden kong saan kami palaging naglalaro noon.

"Hindi na rin pala naalagan pa ang lugar na ito...marami ng tumubo na mga damo at wala na rin ang upuan at lamesa kung saan tayo palaging kumakain noon." nakangiti si Reny ngunit ang kanyang mga mata ay nagsasalamin ng kalungkutan....

"Hindi naman nawala lahat, nandito pa rin naman tayo...everything change but our memories to this place will always stay." I smiled and she just laugh...

"Saan mo ba nakukuha yang mga hirit mo?" napangiti na lang ako ng mapansin ko ang pasimple niyang pagpunas sa kanyang mga mata, she never change, crybaby as always.

"Nabalitaan ko na lang dati na pinagiba na ang school na ito, kaya hindi na rin ako nagtaka noong pagbaba natin sa nakita kong kalagayan ng school ko. Isa na lang ito ngayong gusali na kinalimutan na ng lahat."

"Well I don't"

"Bakit naman?"

"Dahil dito ko nakilala ang pinakamahalagang tao sa buhay ko." Dito ko nakita ang kabutihang pilit niyang itinatago sa iba pero patuloy naman naming nahahalata...kaming mga tao na nagkaroon ng pagkakataong makalapit sa kanya.

My beautiful Reny bloomed as roses...napakaganda pero maraming tinik ang nakapaligid sa kanya. Anu pa kaya ang dapat kong gawin para maabot ko siya...

"Tama ka, dito ko rin pala nakilala ang pinakamahalaga kong pet. Anu na nga pala ang gagawin natin ngayon na nandito na tayo at--"

"Sir, nakaayos na ang lahat." Mabuti naman, kanina ko pa kasi gustong ipakita kay Reny ang mga mumunting bagay na hindi pa rin nawawala.

#My MentaL BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon