Out of control

70 1 0
                                    

I don’t know what to say…masyadong magulo at ang mas nagpapagulo ay ang puso kong ang hirap pigilan ang bilis ng pagtibok. Nasa harapan ko ngayon ang boyfriend ko for 10 years pero di ko alam ang existence. Nakatitig pa rin sya at parang hinihintay lang ang reaction ko.

How come Meek ang tawag ko sa kanya? Pinangalan nya yun sa ligaw na pusa diba? At bakit ba nakatitig lang sya? At bakit rin ba parang mas gusto kong tumitig na lang sa mga mata nya kaysa painumin sya ng gamot na main objective ko kaya ako nandito ngayon…dapat on time ang gamot nya para mas gumaling sya agad sabi ni lola…makakahintay siguro ng oras…saglit na lang gusto ko pang makipagtitigan…

Wait yung medicine nya! Bigla ko syang naitulak kaya napaupo si Meek sa sahig.

Woah! Anung nangyayari sakin! Paanong…never mind kailangan ko muna syang mapainom!

“Mechael, kailangan mo ng uminom ng gamot mo. Stop being like a child, If you realize malaki na tayo at kailangan alam na natin ang mga responsibility natin sa buhay. As for you ang kailangan mo lang gawing ay inumin ang gamut na ito without complaining about the taste.” I started to walk on kahit alam kong hindi pa rin sya tumatayo sa pagkabaksak nya kanina sa sahig. I don’t know what I’m doing! What the hell did I just said! I’ve crossed the line…what’s happening to me...

Kinuha ko na ang medicine ni Meek. Naramdaman kong tumayo na si Meek at umupo sa bed nya. Wala akong narinig na kahit anung reklamo galing Kay Meek hanggang sa matapos ko na syang mapainom.

Palabas na ako ng magsalita si Meek.

“I’m sorry. I’ve make you mad…I guess I was really hopeless right.” Then he smiled.

Stupid! Bakit ba sya nagso-sorry eh ako nga itong sumobra…hindi ko kasi makontrol ang nararamdaman ko  kaya I blame him it all to him. I’m not used to this…

“Silly, Hindi ako galit. Dadalhan kita ng bagong book bukas.”I smiled as I saw a sweet smile formed to his lips pero bigla rin syang yumuko.

“But…you call me Mechael…you only call me Mechael when you’re really angry…Reny, hindi ka talaga galit diba?” I only call him Mechael kapag galit na talaga ako? Now I’m lost…

“I’m not, like I said dadalhan kita ng book bukas kaya rest assured na hindi talaga ako galit.” Rest assured? Sounds pathetic.

“Promise?”  aba ayaw pa talaga maniwala! Promise? Parang bata lang, ay bata pa nga pala talaga ang isip nya sa ngayon.

“Promise.” I said kahit alam kong promise are made to be broken.

“Tomorrow ok! My book! Don’t forget.” He had a big smile on his lips.

“I know. Tomorrow I will bring the book.” I said para matapos nalang.

“um…Reny, you forgot something…” nakahawak na ako sa doorknob ng magsalita si Meek ulit. Nakalimutan? Tiningnan ko muna ang buong katawan ko at tiningnan ko kung may nawawalang parts, kompleto naman ah. Then tiningnan ko ang hawak kong tray, walang labis at walang kulang. Anu bang sinasabi ni Meek na nakalimutan ko? Puso ko…hindi ko yata nadala?

Napatingin ako kay Meek at nakangiti lang sya ng wide, as in wide smile talaga.

“What? What did I forget?” I said irritate by this awkwardness I’m feeling inside.

 “um…you forget those wrappers.” Napatingin ako sa tinuro ni Meek at nakita ko ang tinutukoy nya. Nasa gilid ng mesa ang wrapper na binambalot ko sa Freesia flowers. Stupid me! Akala ko kung anu na ang naiwan ko…

Lumapit na ako sa mesa at kinuha ang pesteng wrappers na nagpagulo sa isip ko. Patalikod na ako ng hawakan ni Meek ng kamay ko. Medyo nagulat ako kaya napapitlag ako dahilan para mabitiwan ko ang tray na hawak ko! Ang sakit sa tainga ng kalabog ng tray. I wonder kung narinig ba hanggang sa labas.

Napatingin ako sa tray at napahinga ng malalim, hay… buti na lang plastic yung baso although kaya ko namang bayaran kong sakaling makabasag ako but still! Anu ba ang nangyayari sakin! Inlove ba talaga ako kay Meek?! Bakit parang ang bilis? Ni hindi ko man lang namalayan!

 Napatingin ako kay Meek habang isa-isa nyang pinulot ang lahat hanggang sa matapos sya at mailagay na niya sa kamay ko ang tray na kumpleto na ang laman.

“I’m sorry I startled you. Are you ok? You look pale…let see…” then nilagay nya ang kamay nya sa noo ko na tinabig ko lang naman din sa sobrang gulat!

“I…I’m o…ok!” nasigawan ko pa sya! I can’t take this anymore! I need to go! Now!

“I’m going now.” I said then walk away again but hinawakan nya ulit ang kamay ko for the second time! Hindi ko nabitawan ang tray dahil nasa ilalim ng kamay ko ang kamay nya! Dalawang kamay ko ngayon ang hawak nya! Oh no! I’m falling in a deep sea and I can’t find something to hold on…

“You forgot this.” Pagkasabi ni Meek noon hinalikan nya ako sa noo…it seemed eternity…nanatili lang ang mga labi nya sa noo ko sa loob ng 10 segundo…oo nabilang ko, para kasing bumagal ang takbo ng oras…

Literal na wala ako sa sarili paglabas ko ng ward ni Meek…kahit ang mga tsismosong psychiatrists na nakadikit ang mukha sa pinto ng ward ni Meek paglabas ko ay hindi ko rin pinansin…

wala na…tuluyan na akong nalunod…marunong naman akong lumangoy pero ang sarap pa lang magpakalunod…alam kong nawewerdohan sila sakin dahil nakangiti ako na parang ewan at first time nila ako makita na ganito pero wala akong pakealam…

___________________________________________________________________________________

Sa mga oras na to ay masaya ako…hindi ko alam na hindi pala magtatagal ang kasiyahan ko…as his dark past  will soon to unleashed to my eyes…the Mechael today after 10 years…the Mechael that I don’t know how to handle… ang Meek na pipiliing lumayo sa akin… 

#My MentaL BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon