Boyfriend???

86 1 2
                                    

Meek is recovering. Ang sabi ni lola bumalik raw sa pagkabata si Meek. Sa ngayon ang naaalala pa lang ni Meek ay noong eigth years old pa lang sya. Parang nakaharap ko ngayon ang Meek na nakilala ko ten years ago, The shy and reserve Meek. Di nya pa naaalala ang mga pangyayari noong namatay ang parents nya. Sabi ni lola parang sinadya raw nang utak ni Meek na putulin ang bahaging iyon sa buhay nito. kung puwede lang ayoko nang makaalala pa sya pero sabi ni lola bahagi ni Meek ang mga alaalang iyon at siguradong darating ang araw na kakailanganin ni Meek na harapin ang nakaraan nya para mabuhay sya sa kasalukuyan.

Minsan natatakot ako na kapag bumalik ang alaala nya ay mabago sya, baka kagalitan nya ako, baka hindi na nya ako gustuhing Makita, baka gustuhin nya gantihan ako, baka umalis sya, baka din a anya ako gustuhing Makita at napakaraming baka…pero ang ms kinatatakutan  ko ay baka pagnakaalala na sya ay piliin nyang tuluyan nang talikuran ang mundo.

Sa ngayon ang magagawa na lang namin ay alagaan sya. Sa lahat ng nangyari isa lang ang ipinagpapasalamat ko, nakakausap ko na si Meek katulad dati. Hay! I hope mag-tuloy tuloy na ang paggaling nya.

Kailangan ko na nga palang painumin ng gamot si Meek. Inayos ko muna ang mga gamit ko bago ako pumunta sa changing room para magpalit ng uniform.  Five days na rin simula ng nagpasukan. At tungkol naman sa best friend ko, ewan…di na pumasok si liala pagkatapos sumulpot ng husband nya na hindi ko man lang alam kung saang punso nanggaling.

Nag-aalala na nga ako kay Meek dumagdag pa si liala. Walang text or call para man lang sabihin na buhay pa sya. Sana naman di nya maisipang mag-drop! Masasapak ko talaga sya! Naku! naku talaga! kung kalian kailangan nawawala at kung kalian naman ok ang lahat saka naman sya nagpapakita! Ang ewan lang talaga! Aish! Sana naman ok sya…

Nasa harap na pala ako ng ward ni Meek ni hindi ko man lang napansin. I open the door gamit ang susi na ibinigay ni lola. And there I saw him smiling shyly. Nakaupo sya sa bed nya at may hawak na rubik's cubes. Nailipat na nga pala si Meek ng room na sa kabila ay ang office na mismo namin para mas maobservahan pa nila si Meek. Masyado daw kasing mabilis ang mga development sa kaso ni Meek kaya tinututukan nila ito.

“Hi, kailangan mo ng uminom ng gamot.” Kung titingnan ko ngayon si Meek parang walang problema pero kung aalalahahin ko ang mga nangyari simula ng makita ko ulit sya makikita ko kung gaano kalaki ang prolema.

“um…wala ka bang dalang new books? Anu kasi…I felt bored…” I smiled,  nabawasan na rin ang English nya. Nung mga unang araw  kasi halos di sya magtagalog.

“tapos mo na ba yung binigay ko kahapon?” mabilis talaga syang magbasa…

“I like the ending…” ang mga book na ibinibigay ko sa kanya ay mga Cinderella, sleeping beauty, beauty and the beast at iba pang fairytales story. Naalala ko kasi noon na mahilig sya magbasa ng mga story na may mga happy ending.

“Ayoko ng uminom ng gamot, ang pait ng lasa…” inaayos ko ngayon ang Freesia flowers na kakabili ko lang kanina ng marinig ko syang nagreklamo na naman sa lasa ng gamot nya.

“nilulunok kasi at hindi dapat nginunguya.” Sabi ko habang nakatalikod pa rin. Naramdaman kong tumayo si Meek at pumunta sa likuran ko.

“Please…Reny…” naramdaman ko ang hininga nya sa tainga ko at ang mga kamay nyang nakayakap sa beywang ko…napatigil ako sa ginagawa…naramdaman ko na lang na inihilig na niya ang ulo nya sa balikat ko.

“Can’t me just skit it for today…” nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok ng magsalita sya ulit. Isa ito sa mga bagay na mas lalong nagpapahirap sa trabaho ko… ang natural na kalambingan nya…huminga muna ako ng malalim dahil pakiramdam ko mauubusan ako ng oxygen na puwedeng ma inhale…

“You…you  can’t. paano ka gagaling agad kung hindi ka iinom ng gamot.” I said while trying to control my heart from beating so loud…

“Then pagmagaling na ako magdate tayo ha...” alam kong nakangiti sya habang nakatingin sakin kaya hindi ko magawng tingnan sya  dahil konting galaw ko lang ay…////

“Let go, hindi nagde-date ang master and pet.” I need to get out of here bago ko pa pakinggan ang sinasabi ng wild kong isipan.

“What do you mean? Diba sabi I’m no longer your pet cause from that day on I’m already your boyfriend. Tinakot mo pa nga ako na dapat ikaw lang ang papakasalan ko…” napatingin ako sa kanya sa sinabi nya kaya muntik na talagang magkiss kami kong hindi ko lang sya naitulak ng malakas. Nabitiwan nya ako at napaatras sya ng ilang inches. Napatingin ako sa mukha nya at naka-question mark ang expression nya…teka? Bakit sya ang mas mukhang nagtataka eh ako nga itong parang na paralyze sa mga sinabi nya. Tinakot ko raw sya…

“Reny? Are you ok…?” hindi ko na marinig ang iba pang sinabi nya dahil busy na ang isip ko na alalahanin ang araw na iyon.

Flashback:

Ten years ago…

“Mechael? What are you doing there?” nasa garden kami ngayon at bigla na lng tumigil si Mechael sa pagbabasa na bihira nyang gawin lalo na kapag nasa kalhati na sya. Napansin kong nakatingin sya sa likod ng puno hanggang sa tuluyan na syang lumapit doon at ngumiti ngiti na parang ewan lang…

“Come here! She’s cute!” ewan pero nairita ako nung sinabi nyang cute ang kung sino mang nasa likuran ng puno. Mabilis akong tumayo at pumunta kay Mechael and there I saw a little kitten wagging her tail…

“She’s not cute at all.” I plainly said. Mas cute pa rin si Mechael.

“Did you lose your mommy little one? Do you want to play? Let’s find your mommy then…” marami pa syang sinabi pero di ko na pinakinggan. Bumalik na lng ulit ako sa inuupuan ko kanina. Npatingin ako kay Mechael at parang ang saya saya nya kaya hinayaan ko na lang sya.

Pero hindi ko inaasahan na araw araw nya ng lalaruin ang pusang yun…pinangalanan nya pa! bago pa maagaw ng pusang yun si Mechael naisipan ko ng kausapin na sya.

“Mechael, throw that kitty away from my sight.” I already had enough! Palagin na lang ang pusang yun ang iniintindi nya!

“ok.” Nagulat ako ng hindi man lang sya nagreklamo, oh well wala na man syang karapatan. Kinuha nya na yung pusa at saka umalis.

Kanina pa ako naghihintay sa garden pero walang Mechael na bumalik! Nasaan na ba ang pet ko! Humanda talaga sakin ang pusang iyon na pa-cute!

Napangiti ako ng Makita ko si Mechael pero agad ding nawala ng Makita ko ang kitty na iyon na nilalaro laro nya pa rin! Napansin ko rin ang mga estudyanteng pasimpleng tumitingin kay Mechael.

“Mechael!” lumingon sya sa akin pati na rin ang ibang estudyante na nasa paligid. Tumakbo sya papunta sakin dhil siguro nagulat sya sa pagsigaw ko.

“I’ve told you to throw that thing!” I burst out!

“That thing? Her name is Meek.” Then he smiled.  

“Meek? I don’t care! Let’s go.” He’s really…control serenity…control…

“But…I’m already her boy friend and I’ve already promised that I’ll find her mommy…” what! Our chins drop literally!

“No way! From now on you’re officially my boyfriend! Don’t you dare cheat on me! Now promise me that someday you would marry me! Say it now!” I’m totally a brat! I don’t want to share my property!

“I…I...promise…” he looks like crying but I don’t care. Now I’m satisfied because he told that in their family promises means their life.

End of flashback:

Now I remember…stupid me! Bakit Meek tawag ko sa kanya? Akala ko tinawag ko rin syang Meek dati dahil pet ko sya at napaka- masunurin nya? Ang gulo lang talaga…

#My MentaL BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon