Discharge??/

80 1 0
                                    

One month since I’ve learned about Meek… my life change in that short span of time…I fell in love and at the same time I been a crybaby…what if my fears will happen…will he turn back on me just like I did…or will I let him go and let destiny choose the path we’ll take…

Serenity Pov.

Hindi na naulit pa ang mga pagwawala ni Meek. Inisip kong  layuan na si Meek pagkatapos kong malaman ang side ng family nya. Gusto kong isipin na nagsisinungaling lang sila pero alam kong niloloko ko lang ang sarili ko.

Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?

Bakit hindi ko magawang lumayo…

bakit ba hindi ko magawang …

Am I really, totally, crazily and hopelessly in love with him?

Napapangiti ako kapag ngumingiti sya, bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nakikita ko sya, kinikilig ako sa mga simpleng gestures nya, pakiramdam ko may electricity na nagco-connect sa mga oras na nagkakadikit ang mga palad namin! Grabe alam kong ang corny lang at di talaga kapani-paniwala pero…kung hindi ito ang ilusyon na tinatawag nilang love…

Then anu ito?...

Liala Pov.

Bakit ba ganito ang kaibigan ko simula ng makabalik ako? Lagging nakatulala at parang ang lalim ng iniisip? Hindi na nga nya ako pinag-aksayahan na tanungin kong anung nangyari sa akin after kong hindi pumasok ng two weeks. Dalawang bagay lang naman ang nakakaapekto ng ganito sa bestfriend ko, either umuwi na ng states ang mga magulang nya o kaya ay ang boyfriend nya noon na si Mechael Ferredeliz. Hindi ko nabalitaan kay lola na bumalik na sina tito at tita kaya ibig sabihin nakita na ni Seren ang long lost love nya na naiwan nya dito sa pinas! O puwede rin namang hindi dahil matagal na wala akong balita tungkol kay Mechael?

Anu ba talaga?! napasabunot na lang ako sa buhok ko at saka niyugyug si Seren ng matanung ko na rin!

“Seren, I need an answer! Which is which?” napatingin sa akin si Seren at ang bruha alam nya ba kong anung sinabi!

“Wag nga ako ang tanungin mo! Alam mo namang nangongopya lang ako sayo sa math.” Napatingin na lang ako sa notebook ko na nakabukas then I stared her dumbly…

“Kailan ba ako nagpaturo sayo ng Math! Kahit simpleng equation nga lang eh binabato mo na ang notebook mo!” napatayo ako at nakita kong pinagtitingin na ako na buong klase kasama si my loves ko. Tinitigan lang ako ni teacher ng masama then sumenyas na maupo. Shit! Nakakahiya.

“Wow naman, kailangan mo pa talagang isigaw. Ikaw ang missing in action for two weeks kaya wag mo nga akong masigawan ng ganyan.” She uses her favorite snob kapag galit na sya.

“What I’m saying is sinu ba talaga ang nagpapagulo ng isip mo ngayon?”  Oh no! oh no! kanina lang galit si bestie pero ngayon halatang halata ang pagkamatis ng pisngi nya! In love ang besfriend ko!

“So totoo pala ang rumors. Who’s the lucky guy?” I smiled maliciously at mas pumula ang pisngi nya! Look like nahuli ko!

“Meek.” Ang no fun talaga nitong best friend ko, Umamin naman agad.

“Did you just say Meek? As in Mechael Ferredeliz? Yung scary na boyfriend mo?” ops! My tongue slip. Did I just say scary? Napatingin kasi sa akin si Seren.

“What do you mean by that?” hay, hindi nya talaga alam…sa kanya lang kasi mabait si Mechael.

“Ok, sasabihin ko ito kasi best friend kita. Bahala ka na kong maniniwala ka o hindi. Maraming mga batang lalaki noon na nagsusumbong sa kakaibang ugali ni Mechael, I mean his weird. Masyado syang malakas para sa isang bata. May one time kasi na tinapun nya yung two chairs ng sabay sa batang nagsabi na you’re a witch. Seren, ang sinasabi ko ay Dalawang bakal na upuan at sabay nya yung tinapon sa batang nang-asar sayo! May feeling ako na obsess si Mechael sayo.” Sana naman maniwala na toh.

#My MentaL BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon