Dark Past I

20 4 0
                                    

Meek pov.

10 years ago...

Nagising ako sa ospital at nalaman ko na lamang na wala na pala ang mga taong nagpalaki sa akin sa isang babae na nagpakilala bilang Lola ni Reny.

Kasalanan ko ang lahat! Kong hindi ko sana inagaw ang manebela, buhay pa sana sila ngayon!

"Wait...RENY! Where is she?! What happened to her?!!!"

"Sandali lang! ok lang naman siya." Bigla akong nakahinga ng maluwag sa narinig ko.

"But...where is she know?"

"Sinama na sya ng mga magulang niya sa states."

"Did they know already?"

"Yes, and they're staying there for good."

She left without saying anything...

_____________________________________________

 "What will happen to me...?" nakalabas na ako ng ospital at natatakot ako sa puwedeng mangyari sa akin...

Kasama ko ngayon ang isang lalaki na nagpakilalang kamag-anak ko. Nakakatakot ang mukha niya at alam ko sa sarili ko na hindi siya mapagkakatiwalaan. Tahimik lang siya kahit kanina ko pa siya tinatanong sa mahinang boses. Hindi ako maaring umiyak kahit nanginginig na ang mga tuhod ko dahil baka magalit sa akin ang mamang ito.

Nanatili na lamang akong tahimik hanggang sa huminto ang sasakyan sa isang malaking bahay na napapalibutan ng maraming mga lalaking nakaitim. Ayoko sa lugar na ito...patuloy na akong pinapasok nang mama sa lugar na di ko akalaing magbabago sa boung pagkatao ko.

Present time...

Ed Pov.

Nagising ako sa madilim na lugar na ito. Wala akong saplot maliban sa kakarampot na tela na tumatakip sa pang-ibabang bahagi ng katawan ko. Nakaposas rin ang aking mga kamay at paa na nakakabit sa sementadong pader. Nahaharangan ang silid na ito ng makakapal na rehas. At sa kabilang dako ay nakikita ko si Mechael na kalunuslunus na nakahandusay sa lapag. Ang kanyang kulungan ay mas doble sa kinalalagyan ko ngayon. Mas makakapal ang rehas at mas marami ang mga bakal na nagkatali sa kanyang mga kamay at paa. Ngunit ni hindi man lang nabawasan ang saplot niya sa katawan?

Ganun ba talaga kalakas si Mechael para hindi sumapat ang kulungan ko sa kanya? O ganun lang sila katakot na makawala muli si Mechael...

Pasimple kong Ininspeksyon ang transmitter na nakakabit sa buhok ko. Nakahinga ako ng maluwag ng maramdaman kong di naman ito nawala.

"NO!!!————————————————SST—————OP!!!!!!!!!!! DON————————————————T!!!!!!!!!"

 Nararamdaman kong may nakatingin sa amin ngayon. Patuloy akong nagmasid sa paligid ngunit nawala roon ang aking atensyon ng sumigaw si Mechael ng pagkalakas-lakas. Nakapikit ang kanyang mga mata ngunit ang kanyang katawan ay patuloy sa papupumiglas upang makawala!

"MECHAEL!————LISTEN!!! MASASAKTAN KA LANG KONG PATULOY KANG MAGPUPUMIGLAS!"

Dumilat ang kanyang mga mata at nanlilisik akong tiningnan. Tumaas ang lahat ng balahibo ko sa nakakangilabot na tingin na iyon! Matagal na ako sa trabaho kong ito pero ngayon lang ako nakakita ng mga matang gustong gustong pumatay!

Patuloy lamang sa pagpupumiglas si Mechael hanggang sa dumating ang dalawang lalaki na sigurado akong isa sa mga lalaking dumukot sa amin. May dala silang injections na sa tingin ko ay pampatulog. Sinubukan nilang lumapit kay Mechael ngunit hindi nila nagawang mapigilan si Mechael sa pagwawala nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

#My MentaL BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon