Chapter 8

16 2 0
                                    

Late night drive

"Gago Ysa may irereto nako sayo!" sabi ni Clara habang tinutulak ako.

"Tangina doctor pala gusto mo!"

Pinag tatampal ko sila habang papalapit sila ng papalapit sa akin.

"Hindi kayo titigil?" tanong ko sa kanila habang pinag hahampas ko sila.

Bigla na lang nag notif yung phone ko kay dali dali kong kinuha. 

"Pag tapos mo kaming hampasin aalis kana lang ng parang walang nangyari!" sigaw na sabi ni Natasha.

Dali dali akong pumuntang kwarto para ma replyan si Carl.

Levcg:
"What are you doing? "

Ysaklarey:
"Nothing, nag haharutan lang kami dito. "

Levcg:
"Hmm."

Ysaklarey:
"Btw ano yung comment mo dun ha!"

Levcg:
"Alin don? "

Ay wow nakalimutan niya agad.

Ysaklarey:
"Nvm."

Levcg:
"Joke tampo ka naman agad."

Ysaklarey:
"Wdym tampo eh nag tanong lang naman ako."

Tangina bat parang tunog defensive ako.

Levcg:
"Hmm okay sabi mo eh."

Levcg:
"Btw papunta kami dyan ng kuya mo."

Taena ano gagawain nila dito?

Ysaklarey:
"Bakit para san? bat kayo pupunta?"

Levcg:
"May ichecheck kaming hotel dyan."

Hotel? para kanino? may event bang hindi ko alam?

Ysaklarey:
"What time kayo pupunta?"

Levcg:
"Around 6 kami aalis dito so mga evening na kami makakarating dyan."

Ysaklarey:
"Okayyy drive safely!"

Pagkatapos kong kulitin si Carl dali dali akong lumabas ng kwarto para sabihin sa kanila na papunta sina kuya dito.

"Bat daw sila pupunta rito?" tanong ni Eli.

"May pupuntahan raw silang hotel eh, hindi ko naman alam na may event palang magaganap sa bahay."

"Baka may ichecheck lang don halatang party na agad nasa isip mo eh." sabi sa akin ni Clara.

"Mag ayos na kayo ng plato dyan paluto na yung niluluto ko." sigaw ni Natasha habang nandun sa kusina.

Hindi na kami nag order ng pagkain may dala naman kasi kaming mga pagkain at tsaka mga ingredients. Ayaw rin naman kasi nilang kumain sa buffet area marami daw tao.

Habang kumakain kami bigla na lang silang nag chikahan na hindi ko naman maintindihan sa dami nilang topic minsan nahahalo na katulad ng about sa mga courses nila saka yung mga issues sa campus.

"Ay weh talaga ba?" gulat na tanong ni Eli.

"Oo nga sabi rin sa akin ng kaklase ko." Sabi ni Clara.

Pag katapos nilang kumain ay ako na yung nag suggest na mag hugas tutal sila na rin yung nag luto.

Marunong naman ako sa gawaing bahay. Tinuturan kasi kami ni Mommy mag linis ng bahay at mag luto ng pagkain sa bahay pag wala sina mommy or may sakit yung mga katulong namin.

Habang nag lilinis ako nag ring bigla yung phone ko. Nakita ko yung tumawag sakin dali dali akong nag punas ng kamay para masagot yung tawag nya.

"Hello?" sabi nya sa malalim na boses.

When the time comes ( Yoshida Series #1)Where stories live. Discover now