Talk?
"Excuse me, Maam may nag papabigay po sa inyo nito." sabi nung waiter habang kumakain kaming lima.
May dala yung waiter na dessert para sa aming lima. Puro matatamis ang binigay sa amin tig isa isa kaming ice cream tas may cake pa at kung ano anong matatamis. Mag Kaka diabetes kami neto eh.
"Hello kuya sino po ang nag papabigay nan?" tanong ni Eli habang kinukulbit si Amy.
"Sorry po Maam, ayaw po kasi ni Sir sabihin sa inyo ang name niya."
Ay wow naman forda pamysterious pa ang koya mo. Dami niyang alam ayaw na lang mag pakita.
Bigla na lang ako nakarinig ng chismisan sa likod ko na parang naririnig ko na naman ang pangalan ko ron.
"Sabi sayo teh sila nga talaga ni Ysabella."
"Akala ko ba chismis lang yan?"
"Akala ko rin nung una, kaso mo ang ganda rin ni Isabella kaya nahulog din si Gonzales dyan."
"Diba ang sabi sabi maldita raw yang si Ysabella na yan?"
"Yon ang sabi sabi pero sa tingin ko may pag ka maldita siya sa mga taong di niya ka close saka kapatid din yan ni Ethan."
Sa pag tagal ng pag uusap nila nag sisimula nakong mairita sa naririnig ko. Ang dami nilang sinasabi na puro wala naman ka kwenta kwenta. Kung gusto nila mag chismisan wag sa harap ng pinag chichismisan nila.
"Jumbagin ko na ba yan Ysa?" sabi ni Natasha habang iniipit yung buhok nya.
"Maawa ka teh parang mga ting ting yung katawan baka mabali mo agad" Sabi ni Amy habang sumusubo.
"Tumigil na kayo, Kumain na lang tayo mag babasa pa ako mamaya ng mga readings ko, ang dami kong tambak.
Sa sobrang dami kong ginagawa nung nakaraang linggo bibihira ako makapag basa ng matino halos umaga na nga ako matulog para matapos ko yung mga binabasa ko.
"Gaga ka teh amputla mo na kaya! Dimo ba halata luka ka talaga nakain ka pa ba ng matino nan?" Sabi ni Clara na may halong pag alala sa kanyang mga mata.
"Nakain naman ako, kulang lang ako sa tulog."
"Boba ka! matulog ka rin kaya!" sabi ni Eli habang tinutulak ako para makasandal sa upuan.
"Gaga ka tumigil ka nga! "
"Sigurado ka bang okay ka lang? Pede naman tayong umuwi para makapag pahinga ka." sabi naman ni Amy na may halong pag alala.
Kahit sobrang kulit nila di pa rin nila nalilimutan ang kalusagan ng isa't isa.
Pagkatapos namin kumain ay umuwi na rin agad ako para makapag basa at makapag pahinga na rin agad.
"Welcome home kapatid! San ka galing? dika manlang nag palaam tas wala ka pang pasalubong!" sabi ng kapatid ko habang iniirapan ako.
"May pinabili ka ba? wala ka naman padalang pera ah" sabi ko habang papunta na sa kwarto ko.
Humiga muna ako sa kama ko saka nag tipa sa mga kaibigan ko na naka uwi nako. Nang biglang sumigaw si kuya sa baba para bumababa ako.
"Ysa bumababa kana raw dyan may pag uusapan tayo nina mommy!"
Alam ko na yung pag uusapan namin. Siguro nasabi na rin ni kuya yon kina mommy.
"Nak, sabihin mo lang kung gusto mong lumipat ng school para dika na mabother nung nangiistalk sayo or kung gusto mo naman mag pasama ka sa mga bodyguards natin." sabi ni daddy habang may kinakalikot na sa phone niya para tawagan yung mga bodyguards namin.
YOU ARE READING
When the time comes ( Yoshida Series #1)
RomanceCarl, the most popular basketball player in their university, the cold guy that never expected to fall in love.. until he meet Ysa, the competitive law student from De LaSalle University.