Kabanata 7: Ligawan sa Asotea

1.2K 5 0
                                    

Sa simbahan palang ay di na mapakali si Maria Clara dahil alam niyang darating si Ibarra sa araw na iyon.
Sa bahay, matapos ang almusal, naggagantsilyo si Maria Clara upang hindi mainip sa pagiintay. Hindi mapakali ang dalaga sa tuwing may karwaheng hihinto sa tapat ng kanilang bahay sa pag-aakalang si Ibarra na ang dumating.
Pinayuhan ng doktor na magbakasyon si Maria Clara sa San Diego upang muling maibalik
ang pamumula ng pisngi nito. Tuwang tuwa naman si Maria Clara dahil doon ay makikita niya si Ibarra.
Ilang saglit lang ay dumating na ang binate. Hindi maitago ang pananabik ni Maria Clara kay Ibarra. Pumasok si Maria Clara sa kanyang silid upang mag-ayos ng sarili habang
tinutulungan naman siya ni Tiya Isabel.
Nagkita ang dalawa sa asotea at doon nag-usap. Nagkaroon ng masinsinang usapan tungkol sa kanilang nararamdaman at sumpaan sa isa’t-isa.
Sabay na sinariwa ang kanilang karanasan nung sila’y bata pa pati na rin ang kanilang mga pag-aaway at pagbabati. Ipinakita ni Ibarra ang tuyong dahon ng sambong na nasa pitaka niya.
Ipinakita din ni Ibarra ang liham niya kay Maria Clara bago siya magtungo papuntang Europa. Sinabi niya na ang dahilan ng kanyang pagpunta sa San Diego ay dahil sa ama. Ito raw ay makakabuti sa kanyang kinabukasan.
Habang nagbabasa si Maria Clara ay pinatigil siya ni Ibarra dahil naalala niyang Todos los Santos na bukas at marami pa siyang gagawin.
Hindi napigiling maluha ni Maria Clara dahil sa pangungulila niya kay Ibarra. Inutusan naman siya ni Kapitan Tiago na magtirik ng pinakamahal na kandila kay San Roque at San Rafael dahil napakaraming bandido sa daan.

Talasalitaan:
Karwahe – sasakyang hilahila ng kabayo
Asotea – balkonahe o gilid ng bahay
Masinsinan – seryoso
Sinariwa – inalala
Magtirik – maglagay
Bandido – tulisan, gumagawa ng masama

Noli Me TangereWhere stories live. Discover now