Kabanata 25: Sa Bahay ni Pilosopo Tasyo

987 4 1
                                    

Nagtungo si Ibarra sa bahay ni Pilosopo Tasyo upang humingi ng suhestiyon sa ipapatayong paaralan.
Naabutan niyang nagsusulat si Pilosopo Tasyo gamit ang mga simbolong hayop, bilog, bulaklak, paa, daliri, at kamay. Nagtaka si Ibarra kung bakit ganun ang kanyang sinusulat.
Ayon kay Pilosopo Tasyo, nagsusulat siya sa ganung pamamaraan upang hindi ito maintindihan ng mambabasa. Agad namang nagtaka si Ibarra at inakalang baliw ang
matanda.
Ayon sa paliwanag ni Pilosopo Tasyo, ang kanyang sinusulat ay hindi para sa kasalukuyan kundi sa mga susunod na henerasyong darating. Kung mababasa ng awtoridad ang kanyang sinulat ay paniguradong susunugin ang mga ito.
Naisip ni Ibarra na lumapit kay Pilosopo Tasyo dahil batid niyang dito rin lumalapit ang ama na si Don Rafael upang humingi ng payo. Inilabas ni Ibarra ang kanyang mga papeles at sinabi ang planong pagpapatayo ng paaralan.
Sinabi ni Pilosopo Tasyo na hindi dapat siya ang nilapitan ni Ibarra kung payo ang kailangan
nito dahil baka akalain ng ibang tao na baliw din si Ibarra kung kakaiba ang pananaw nito sa mas nakakarami.
Ipinayo ni Pilosopo Tasyo na kumonsulta si Ibarra sa kura, alkalde, at sa lahat ng may mga katungkulan. Maaaring ang mga taong ito ay magbibigay ng masasamang plano ngunit hindi nangangahulugan ng pagsunod.
Ayon kay Pilosopo Tasyo, magtatagumpay lamang ang mga plano nito kung tutulungan ng
pamahalaan at hindi naman matutuloy kung hindi ito tutulong. Batid pa niya na kayang kayang durugin ng simbahan ang mga pangarap na ito.
Gayunpaman, malaki ang paniniwala ni Ibarra na siya ay tutulungan ng kapwa bayan at pamahalaan. Ayon pa kay Pilosopo Tasyo, ang gobyerno ay kagamitan lang ng simbahan.
Matatag ito ngunit sa sandaling iwanan ito ng simbahan ay babagsak din.
Hindi sumasang-ayon si Ibarra sa mga sinasabi ni Pilosopo Tasyo lalo pa nung sabihin nito na kung nais niyang magkaroon ng katuparan ang kanyang mga plano ay marapat lang na yumuko muna siya sa mga makapangyarihan. Kung hindi niya ito gagawin ay malabong may mangyari sa kanyang mga plano.
Hindi matanggap ni Ibarra ang pananaw na ito ni Pilosopo Tasyo dahil iba ang pananaw na
kinalakihan nito mula sa Europa. Ayon kay Pilosopo Tasyo, hindi katanggap-tanggap ang ganitong prinsipyo, dahil ang lupang nais pag-anihan ni Ibarra ay pagmamay-ari ng kanyang kaaway.
Dagdag pa ng pilosopo, hindi sapat ang kayamanan at kabutihan ng loob. Dapat ring maunawaan ni Ibarra na ang lupang nais pagtaniman ay puno pa ng mga damo. Batid ni Ibarra ang kahalagahan ng payo ni Tasyo ngunit hindi parin siya nawawalan ng loob.
Kung sakaling hindi magtagumpay ang mga plano ni Ibarra. Maaaring hindi magtagumpay ang planong ito ngunit naniniwala siya na mayroong uusbong na punla na siyang magpapatuloy sa pangarap na sinimulan ni Pilosopo Tasyo.

Talasalitaan:
Pilosopo – nag-uusisa, matalinong tao
Nangangahulugan – ibig sabihin
Gayunpaman – subalit
Uusbong – sisibol

Noli Me TangereWhere stories live. Discover now