Kabanata 34: Ang Pananghalian

765 0 0
                                    

Magsasalu-salo ang mga espesyal na tao sa San Diego sa isang tanghalian. Kabilang sa mga panauhin sina Ibarra, ang alkalde, Maria Clara, Kapitan Tiago, Padre Salvi, Padre Sibyla, ang alperes, ang tinyente, ang eskribano, at ilang mga kadalagahan.
Nakapwesto sa magkabilang dulo ng lamesa si Ibarra at ang alkalde. Habang kumakain ay may dumating na telegrama para kay Kapitan Tiago na nagsasabing darating ang Kapitan
Heneral at ito ay tutuloy sa bahay nila.
Iba’t-ibang reaksyon ang narinig mula sa mga panauhin. Malaking sampal kila Padre Salvi at Padre Sibyla nang piliin ng Kapitan Heneral na tumuloy sa bahay ni Kapitan Tiago kaysa
tumuloy sa kumbento.
Maya-maya ay napatigil ang lahat sa pagkain nang makitang parating si Padre Damaso na nakangiti. Nagsimula na namang paringgan ni Padre Damaso si Ibarra.
Iniba ng alkalde ang usapan ngunit hindi parin nagpapatinag ang pari. Pilit namang nagtitimpi ang binata sa kabila ng mga naririnig nito. Patuloy parin sa pagsasalita ang pari
hanggang sa mapunta ang usapan tungkol sa ama ni Ibarra na si Don Rafael.
Doon ay hindi na niya kinaya ni Ibarra ang sarili. Sa galit ay kamuntikan na nitong saksakin
ang pari. Mabuti nalang at napigilan siya ni Maria Clara. Muli itong huminahon at piniling umalis na lamang.

Talasalitaan:
Alkalde – mayor
Alperes – batang opisyal ng militar
Tinyente – sundalo
Eskribano – dalubhasa sa batas
Telegrama – sulat
Kumbento – simbahan
Huminahon – kumalma

Noli Me TangereWhere stories live. Discover now