Kabanata 21: Ang Kasaysayan ni Sisa

1K 2 0
                                    

Tulirong nagtungo si Sisa pabalik sa kanilang dampa ng matapos marinig ang balita tungkol sa mga anak. Sa kanyang pag-uwi ay natanawan niya ang dalawang gwardiya sibil sa
kanyang halamanan na mas lalong nagpakaba kay Sisa.
Nakita ng dalawang gwardiya sibil si Sisa at pilit na hinahanap sa kanya ang mga anak. Nang walang maipakita si Sisa hiniling ng mga gwardiya na bigyan nalang sila ng pera para iwan na ito.
Nagmakaawa si Sisa ngunit di nagpatinag ang mga gwardiya at kinaladkad ito. Sakto naman
na kakatapos lang ng misa sa mga oras na ‘yon dahilan kung bakit mas lumubog si Sisa sa kahihiyan.
Payukong lumakad si Sisa ngunit sa kasawiang palad ay napatid siya sa bato dahilan ng pagkasubsob nito sa maalikabok na daan. Batid ni Sisa na siya ang pinagbubulungan at
pinagtsitsismisan ng mga tao sa paligid.
Dalawang oras ding nakulong si Sisa sa piitan bago ito tuluyang nakalabas. Nang makauwi sa kanilang dampa ay agad niyang hinanap ang mga anak.
Ngunit wala siyang naabutan doon kundi ang punit at may dugong damit ni Basilio. Dahil sa lungkot at pagdaramdam nito ay nawala sa katinuan si Sisa.
Kinaumagahan ay masayang nagpagala-gala si Sisa habang nagtatatalon at kumakanta.

Talasalitaan:
Tuliro – naguguluhan, nalilito
Dampa – bahay na maliit
Nagmakaawa – nakiusap
Piitan – kulungan
Pagdaramdam – pagkalungkot

Noli Me TangereWhere stories live. Discover now