Kabanata 36: Ang Unang Suliranin

697 0 1
                                    

Napuno ng kalungkutan si Maria Clara nang malaman na ekskomunikado sa simbahan si
Ibarra. Kahit na anong gawing pagpapasaya ni Tiya Isabel at Andeng ay hindi umuubra.
Nangako si Andeng na gagawa siya ng paraan para makausap ni Maria Clara si Ibarra.
Mas lalo pang nalungkot ang dalaga ng ibalita sa kaniya ni kapitan Tiago ang pinag-uutos ng simbahan. Bilin ni Padre Damaso na putulin na ang relasyon ng magkasintahan dahil kung hindi ay si Kapitan Tiago ang mapaparusahan.
Bilin naman ni Padre Sibyla na huwag papapuntahin sa bahay nila si Ibarra. Katwiran ni Kapitan Tiago meron daw siyang limampung libong pisong utang sa binata kung kaya’t
nakikipagkaibigan ito sa kanya ngunit walang pakialam ang mga pari.
Lalo pang nagimbal si Maria Clara sa sunod na balita ni Kapitan Tiago na dumating na daw ang binatang pinsan ni Padre Damaso mula Espanya na siyang nararapat daw nitong maging kasintahan.
Maging si Tiya Isabel ay nagulat at nagalit sa mga balitang dala-dala ni Kapitan Tiago. Ngunit walang magagawa si Kapitan Tiago dahil manganganib ang kaluluwa nito kung hindi susunod.
Ilang sandali pa’y dumating na din ang Kapitan Heneral. Dali-daling tumakbo si Maria Clara sa kanyang kwarto at doon ay lumuhod sa birhen.
Taimtim siyang nanalangin na may kasamang pag-iyak. Pumasok naman si Tiya Isabel sa silid ni Maria Clara dahil ito ay pinapatawag ng Kapitan Heneral.

Talasalitaan:
Ekskomunikado – bawal tanggapin ng simbahan habang nabubuhay
Umuubra – tumalab
Katwiran – rason
Nagimbal – pagkagulat
Manganganib – delikado

Noli Me TangereWhere stories live. Discover now