Kabanata 64: Katapusan

870 3 0
                                    

Nagpatuloy si Maria Clara sa pagpasok sa kumbento upang maging isang madre.
Si Padre Damaso naman ay natagpuang patay sa kaniyang higaan dahil sa labis na sama ng loob. May ilan ang nagsabing ito ay namatay sa alta presyon, may nagsasabi namang ito’y binangungot.
Si Padre Salvi naman ay wala nang ginawa kundi mag-intay ng mag-intay sa ipinangakong pagiging obispo.
Pinamili naman ni Kapitan Tiago si Tiya Isabel kung saan ito gustong manirahan, kung sa Malabon o sa San Diego.
Nangayayat naman si Kapitan Tiago dahil sa sobrang pagdadalamhati matapos pumasok sa kumbento ang anak-anakang si Maria Clara at nang malaman na siya ay pinagtaksilan ng
kaniyang asawa. Nalulong ito sa iba’t-ibang klase ng bisyo. Malayo na ito sa dating nakasanayang Don Tiago.
Samantala, nagdagdag pa ng ilang kulot sa kaniyang malagong buhok ang nagmumurang kamatis na si Donya Victorina. Humuhusay narin siya sa pagsasalita ng Espanyol. Pinaturuan niyang magpatakbo ng kabayo ang kanyang asawa ngunit hindi ito natuto kung kaya’t si
Donya Victorina nalang ang naging kutsero.
Nagkasakit at nangayayat naman si Linares matapos iwan ni Maria Clara. Namatay ito sa sakit na disenterya na nakuha niya sa pagkaing nabibili sa daan.
Nagpakalunod naman sa alak si Donya Consolacion matapos mawala ang kaniyang ganda dahilan kung bakit siya namayat. Ang alperes ay nakipaghiwalay sa nangangamoy niyang asawa.

Talasalitaan:
Kumbento – simbahan
Natagpuan – nakita
Obispo – isang opisyales ng Simbahang Katoliko, pari
Pagdadalamhati – pagdurusa
Pinagtaksilan – niloko
Humuhusay – gumagaling
Kutsero – nagpapaandar sa kalesa
Disenterya – uri ng sakit sa tiyan

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 04, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Noli Me TangereWhere stories live. Discover now