Imaginations chapter 1

952 28 0
                                    

Mabilis na pinatakbo ni Sam ang sasakyan para habulin si Mon na papuntang airport.

Matapos kase ang ilang buwan na hindi sila nag uusap o nagkikita napag desisyonan na ni Mon na pumuntang England. Para maka move on. Sa isip nya kase eh, mahihirapan syang maka move on kung mananatili sya sa bangkok. Hindi madaling kalimutan ang lahat para sa kanya. Lalo na't mahal na mahal nya ito. Mahirap pero pinipilit nyang maging matatag kahit sobra na sya nasasaktan. At iyon lang ang tanging paraan para mabawasan ang sakit na nararamadaman nya. Ang lumayo.
Pinipigilan nyang pumatak ang mga luha habang nasa byahe. Pinipilit nyang ngumiti para hindi mag alala ang mga kaibigan nya sa kanya...

Nang makarating na sila ng airport isa isa nyang niyakap ang mga kaibigan nya. At sinabihang magiingat palagi..

Sa kabilang dako naman ay naipit sa traffic si Sam. Kinakabahan, naiiyak at di mapakali, pilit na pinapatunog ang busina ng sasakyan. Umaasang maabutan pa nito si Mon na ngayon ay nasa airport na. At inaantay nalng na tawagin ang kanyang flight number para makasakay na ng eroplano...

Unti unti nang naglakad si Mon papasok na airport. Ilang segundo lang ay narinig na neto ang pag page ng flight number nya. Kumaway sya sa mga kaibigan nya bago ito tuluyang naglakad papasok.

Samantalang hingal na tumatakbo si Sam palapit sa mga kaibigan neto. Ngunit huli na ang lahat.

Dahil sa mga panahong iyon ay nakaupo na si Mon sa loob ng eroplano. Tahimik na tumingin sa labas ng bintana. Di nya namalayang pumapatak na pala ang kanya mga luha na kanina pa nya pinipigilan. Sobrang sakit, pero wala syang magawa kundi ang tanggapin na lang ang lahat. Na ang taong pinakamamahal nya ay ikakasal na sa iba.

Habang si Sam naman ay pinipilit na makapasok para habulin si Mon. Ngunit hinarang sya ng mga gwardiya. Nagpupumiglas na humahagulgul.
At pilit din syang inaawat ng mga kaibigan para pakalmahin. Naaawang niyakap sya ng mga kaibigan nito at pinapakalma.

Tahan na Sam sambit ng kaibigan nyang si Jim. Hindi pa huli ang lahat. Pwede mo syang sundan papuntang England...

ImaginationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon