°°》》》Hello again guy's👋👋 Hope you have a good as always 🫠🥰😍💓❤️《《《°°
_____________________________________________
Bago pa man sila tuluyang makalabas ng opisina ay biglang nag ring ang cellphone ni Mon.
Ang daddy nya ang tumawag. Pinaalam lang nito na may importante itong pinuntahan. Pag katapos nilang mag usap ay agad nilagay ni Mon ang telepono sa bag at naglakad na sila palabas ng opisinaSa isang italian restaurant dinala ni Paul si Mon. Umorder lng ito ng seafood pasta at ice tea.
Habang kumakain ay tinanong ito ni Paul.
Kamusta ang naging buhay mo sa thailand? pag uumpisa nito.
Okay lang. Tipid na sagot ni Mon. Dahil wala naman itong balak ikwento ang naging buhay nya sa thailand.At tila napapansin din ito ni Paul kaya hindi na rin ito masyadong nagtanong pa.
Para kay Paul malaki ang pinagbago ni Mon. Malayong malayo sa nakilala nyang Mon noon, na kahit anong asar nito ay tila bang hindi ito naiinis sa kanya. Bagay na nagustuhan nya kay Mon. Kahit noong mga bata pa sila.
Noong nalaman nitong naghiwalay ang mga magulang ni Mon ay isa ito sa mga nalungkot. Lalo na nong mabalitaan nito na isasama ito ng mama nya sa thailand.
Simula noon ay nawalan na ito ng kontak kay Mon pero kahit kelan hindi ito nawala sa isipan nya. Malaki ang pag ka gusto nito kay Mon kahit na noong mga bata pa lang sila. Lalo na ngayon.
Kaya noong nabalitaan nya na bumalik na ito ng england ay gumawa ito ng paraan para makita nya ito.
Hindi pa rin ito makapaniwala na kasama nya ito ngayon. At mas lalo lang syang napaibig dito.
°°°(Sino ba namang hindi diba?😅 )
Kahit na naging masungit ito.Napansin nyang malapit na itong matapos kumain. Kaya naman nagsalita na ulit ito.
Ahm. Mon may meeting pala mamayang 3 pm ang buong board members tungkol sa sususnod na project. And I want you to attend since you are part of the company.
Alam kung first day mo palang but I think its better. I can introduce you to other business partners. At kasama din ang daddy mo mamaya. Si Paul kase ang mag pipresenta ng bagong project.Hmm okay sagot ulit ni Mon.
Kunot noo namang tinitigan ito ni Paul na tila nagtatanong na "ayaw mo ba kong kausap"?
Habang nagpupunas ng tissue sa bibig ay napansin din ni Mon ang ekspresyon nito sa mukha kaya tinanong nya ito.
Bakit? Sabi ni Mon.
At nagkaroon naman ng pagkakataon na magsalita si Paul kung kaya naman ay sinabe na nito ang mga gusto nyang sabihin.
Hindi ko alam. I mean may nagawa ba kong mali? Or what? Para kasing ayaw mo akong kausap. Every time i ask you about something its either you'd answer yes or no. Parang boring ba kong kausap? O ayaw mo lang talaga akong kausapin? It's kinda wierd tho. Dagdag pa ni Paul.
Medyo nanlaki ang mga mata ni Mon sa
mga sinabe ni Paul.Hindi naman dahil sa iniiwasan nya ito o ayaw nya itong kausapin. Sadyang wala lang talaga ito sa mood na makipagusap sa ngayon. Mas gusto kasi nyang mag sa trabaho.
Sorry. Wala ka namang masamang ginawa o ano pa man. Its just ayoko lang masayang yung oras mo tungkol sa naging buhay ko or sa nakaraan ko. Pagpapaliwanag ni Mon. At isa pa gusto kong mag focus sa trabaho.
Naintindihan naman agad iyon no Paul kung kaya niyaya na nya itong bumalik ng opisina.
Mag aala una y medya narin ng hapon at kailangan pang i double check ni Paul ang lahat bago magumpisa ang meeting.Habang naglalakad papasok ng elevator ay nakasabay ni Mon ang daddy nya na galing sa isang brach ng company nila. Humiwalay na rin si Paul dahil may kakausapin pa ito sa recieving area.
How was you day my princess? Tanong ng kanyang daddy.
Okay lang po dad nakangiting sagot nito. Kumain na po kayo tanong din ni Mon sa ama.Yes anak. I had a lunch with the manager sa isang branch natin. Nabanggit ba ni Paul about sa meeting mamaya?
Opo dad. Sagot naman ni Mon.
Okay good. Basta anak wag masyado magpapagod baka sabihin ng mama mo pinapahirapan kita dito. Pagbibiro ng kanyang ama.Tumawa naman si Mon. Daddy talaga kahit kelan. Pag kadating ng 30th floor ay nagpaalam na ang ama nya para makapag ayos before ng meeting. Kung kayat bumalik na si Mon sa kanyang table.
Mag aalas otso palang ng gabi sa thailand kaya naisipan ni Mon tawagan ang ina (video call) para kamustahin..
Hi maaa, hi pa. Kamusta po kayo jan? Masiglang bati ni Mon sa mama at papa (stepfather) nya.
Ayos lang kami dito anak. Ikaw kamusta ka naman dyan? Tanong ng kanyang magulang.
Mabuti naman po ako. Ngayong araw po ako nagsimulang magtrabaho dito sa kompanya ni daddy sagot ni Mon.
Kaya pala ang ganda ng suot ng anak ko. Dagdag pa ng mga ito. Kamusta naman ang trato saiyo diyan anak, maayos ba? Pag aalalang tanong ulit ng kanyang magulang.
Wag po kayong mag alala ma pa. Maayos po ang trato nila sa akin. Nakangiting sagot ni Mon. Mag iingat po kayo lagi dyan ma, pa.
Ikaw din anak. Miss ka na namin malungkot naman na tugon ng kanyang mama at papa.
Hindi rin nagtagal ang pag uusap nila, dahil alam ni Mon na maagang natutulog ang mga ito. Kung kaya't nag paalam na din ang mga ito.Balak din sanang kamustahin ni Mon ang mga kaibigan, pero baka sa susunod na lang. Kaya pinatay na nya ang telepono at nilagay sa kanyang bag.
Agad naman itong nag ayos ng kaunti at maya maya lang ay mag uumpisa na ang meeting.
Nabasa narin nya ang mga papers tungkol sa pag memeetingan nila. Dahil binigyan ito ng kopya kanina ni Paul..
Maayos na natapos ang meeting nila kasama ang buong board members at business partners. Bago pa man matapos ang meeting ay pinaabot na din ng kanyang ama sa sekretarya ang imbitasyon sa mga ito. Dahil after 3 days ay magkakaroon ng engranding party sa kanilang mansyon. At imbitado ang lahat..
BINABASA MO ANG
Imaginations
Romancethis story was about Sam and Mon from GAP THE SERIES. What if their story didn't end like that? what if hindi naabutan ni Sam si Mon papuntang airport?? well let's see what would happen here.😊 ps. im not a good writer 🙃 but hope you like it ❤️