Hello guy's 🥰 sorry sa pag hihintay. 🫠 Hope you enjoy reading po. 😍❤️😘
Sam's Pov
Ilang araw na rin ang nakalipas after mangyare yung sa airport. At ngayon andito sya sa isang bar. Naglalasing.. makalipas ang ilang minuto ay dumating na din ang mga kaibigan nito para alalayan sya. Buti na lang at kilala sya ng may ari ng bar pati na rin ang mga kaibigan nito dahil madalas silang pumunta dito.. Ang mismong may ari ng bar ang tumawag sa mga kaibigan nya para sunduin sya. Dahil sa sobrang kalasingan.
Hi guy's. What took you so longgggg??? Pag bati ni Sam sa mga kaibigan habang hawak hawak ang isang bote ng mamahaling alak. At pinag patuloy ang pag tungga nito. Agad namang lumapit ang mga kaibigan nito para pigilan sya. Dahil sobrang lasing na ito. Inagaw ni Kade ang bote ng alak mula sa pagkakahawak ni Sam na agad naman nitong ikinagalit.
Sam ano bang ginagawa mo?! Sinasayang mo yung panahon at oras mo sa alak.?
Pagalit na sabi ni Kade.Ngumisi lang ito at maya maya lang ay pumatak na ang mga luha nya. Sabay hawak sa dibdib. Sobrang sakit.. Bakit kung kelan okay na ang lahat tsaka pa sya aalis?
Agad namang lumapit ang mga ito sa kanya para yakapin. Si Jim na kahit hirap sa pag bubuntis ay inalalayan pa rin nya ito. Walang tigil sa pag iyak si Sam hanggang sa makarating sila sa kotse.
Gamit ang sasakyan ni Tee dahan dahan nilang inalalayang paupuin si Sam sa back seat. dahil tiyak na hindi naman sila magkakasya sa sasakyan ni Sam. Nag desisyon na ang tatlo na si Kade na ang mag ddrive ng sasakyan ni Sam papuntang bahay nya. Dahil alam naman nilang hindi papayag si Sam na pumunta sila sa bahay nito...Nang makarating na sila sa bahay ni Kade ay inalalayan nila si Sam na bumaba ng kotse hanggang papasok ng bahay.
Binihisan na din nila ito dahil amoy alak. Pagkatapos ay hinayaan na nilang makatulog ito.Habang mahimbing na natutulog si Sam dahil sa sobrang kalasingan ang tatlo naman nyang kaibigan ay naguusap sa sala.
Anong gagawin natin? Pag tatanong ni Kade sa dalawa. Sa ngayon hayaan nalang muna natin sya makapagpahinga. Bukas kausapin natin sya. Sagot naman ni Tee.
Ikaw Jim mag pahinga ka na din at baka makasama yan sa baby mo. Dagdag pa ni Tee. Agad namang sumang ayon si Kade..Wag nyo akong intindihin. Okay lang ako at kaya ko ang sarili ko no. Isipin na lng natin kung pano tutulungan yang si Sam. Napabuntong hininga naman silang lahat dahil alam naman nila ang ugali ni Sam. Hindi ito basta basta nakikinig sa kanila.
Kinaumagahan ay nagising na si Sam di naman nya agad maimulat ang mga mata dahil sa sobrang sakit ng ulo nito. Nagtatakang inilibot nito ang tingin sa buong silid. Ng mapagtantong hindi nya iyon kwarto. Akmang sisigaw na sana sya ng mapansin ang litrato sa bed side table. Picture nilang magkakaibigan. Nahihilong naglakad palabas ng kwarto si Sam.
Naabutan nya sa sala ang tatlong kaibigan.Sam gising kana pala? Tanong ni Tee
Nagpatuloy sa paglalakad si Sam papalapit sa kanila habang nakahawak ang isang kamay sa kanyang ulo. May hang over pa din kase ito. Agad naman syang inabutan ni Kade ng maiinom.Sam ano bang balak mong gawin sa buhay mo? Araw araw ka na lang bang maglalasing? Walang prenong tanong sa kanya ni Jim.
Akmang pipigilan sya ng dalawang mag salita pero itinaas nito ang isang kamay.
Alam kong masakit para sayo. At ganon din para kay Mon. Ang daming sinakripisyo ni Mon para sayo, para sa pagmamahalan nyong dalawa. At naiintindihan ko iyon. Ang pag alis ni Mon, hindi nya yon ginawa para lang sa sarili nya. Kundi para sa ikabubuti nyong dalawa. Pero katulad nga ng sinabe ko sayo sa airport hindi pa huli ang lahat Sam. Kung talagang mahal mo sya, sundan mo. Wag mo naman sana hayaan na masira na lang ang lahat dahil sa maling desisyon mo. Lalo na ngayon at tanggap na ng lola mo kung sino talaga ang mahal mo. Pero parang sinasayang mo lang ang lahat.. Sumang ayon naman ang dalawa.
Hindi na nakapagsalita pa si Sam. Tanging hikbi nalang ang naisagot nya sa mga nasabi ni Jim. Tama ito. Naging makasarili sya. Ni hindi nya man lang nagawang maipaliwanag ang lahat kay Mon. Ngayon hindi nya alam kung pano pa haharap dito. Natatakot sya. Natatakot sya na baka gawin din ni Mon ang ginawa nya dito. Natatakot sya na baka kaya umalis si Mon ay dahil hindi na sya mahal nito. Natatakot sya na baka ayaw na talaga syang makita nito kaya naisip nitong pumunta nalang ng England. At ngayon ay gulong gulo sya. Wala na syang ibang ginawa kundi ang umiyak..
Agad naman sya niyakap ng mga kaibigan.
Hindi pa huli ang lahat Sam. Wag mong sayangin ang oras mo..
BINABASA MO ANG
Imaginations
Romancethis story was about Sam and Mon from GAP THE SERIES. What if their story didn't end like that? what if hindi naabutan ni Sam si Mon papuntang airport?? well let's see what would happen here.😊 ps. im not a good writer 🙃 but hope you like it ❤️