>>> hi guys 🫠🫠🥰 kamusta po kayong lahat? Sana happy po kayong lahat at safe. Sorry for always late update. Pinalitan ko pala yung title ng chapter instead of part 😅🤭 anyways hope you enjoy reading my imaginations ❤️❤️❤️<<<
_____________________________________________
Sam grandma's pov. "months before"
Masama ba akong lola sa aking apo? Tanong nito sa personal assistant nya. Ngunit tinignan lng sya nito ng may pag aalala sa mukha. Wala naman akong ibang hangad kundi magkaroon sya ng masayang pamilya. Pero sa tuwing nakikita ko sya, nadudurog ang puso ko.
Ilang buwan na ang nakalipas ng malaman kong may karelasyon syang babae, mahirap para sa akin na tanggapin, lalo na't alam kung ikakasira iyon ng pangalan ng pamilya. Pero ayokong matulad sya sa kapatid nyang si Song. Mas lalong hindi ko matatanggap na mawala sya ng dahil sa akin. Ilang araw ko na syang nakikitang balisa, hindi kumakain at hindi rin natutulog. Nadudurog ang puso ko sa tuwing nakikita ko syang ganon. Nawalan na ako ng isang apo ayokong mawalan pa ulit ng isa.Biglang may kumatok sa kanyang pintuan.. Agad naman iyon pinagbuksan ng kanyang assistant.
Kayo po pala Lady Sam. Tuloy po kayo sambit neto.
Agad naman lumapit si Sam sa kanyang lola na ngayon ay nakahiga sa kama. Oo hindi parin eto ganon ka okay simula ng atakihin ulit ito sa puso. Kailangan nya pa din mag pahinga.
Lola mano po, sabay halik sa pisnge ng kanyang lola. Kamusta po kayo? Okay ba pakiramdam nyo lola?
Oo naman apo sagot neto. Sabay ngiti sa apo na ngayon ay hawak hawak ang kanyang palad.
Nagpapahinga lang ako ng kaunti at naglakad lakad ako kanina sa may hardin.Basta lola wag hobkayo masyado magpapagod ah? Alam nyo naman na hindi pa kayo gaanong magaling. Kailangan po mag ingat kayo palagi. Sambit ni Sam sa lola.
Alam ko apo. Sagot naman nya.. Nga pala apo nagkausap na ba kayo ni Mon? Tanong ng kanyang lola.
Bigla naman napatigil si Sam sa tanong ng kanyang lola.
Hindi po lola. Nakaalis na po sya papuntang england. Hindi ko na po sya naabutan malungkot at tila mangiyak ngiyak
na sagot nito.Bakit hindi mo agad sinundan apo? Nagtatakang tanong ng kanyang lola.
Tinitigan ito ni Sam. Nagdadalawang isip kung sasabihin ba nya ang totoo sa lola nya o hindi. Ayaw nya kase itong maistress at makakasama ito sa kalusugan nya.
"Noong araw kase na sinundan. nya si Mon sa airport hindi na nya ito naabutan. Balak ni Sam na mag book ng flight noong mga araw na iyon ngunit biglang inatake ulit sa puso ang kanyang lola. Isa din iyon sa mga dahilan kung bakit hindi sya maka alis alis ng thailand dagdag mo pa ang dami ng mga naiwang trabaho sa opisina.
Kaya nagpapasalamat sya sa kanyang ate at pati na rin kay Kirk sa pag tulong nito sa kanya. Dagdag na rin natin ang mga kaibigan nya na laging nandyan para sa kanya."
Ah eh, ano po kase lola. Nauutal na pagkasabi ni Sam.Dahil ba ito sa akin? Pagputol ng lola nya.
Apo hindi ko kayang makita kang nasasaktan lalo na kung ako ang dahilan non. Napapansin ko nitong nag daang araw na lagi kang naglalasing. Hindi ko kayang makita kang laging ganon apo. Ngayon wala na akong ibang hangad kundi ang kaligayahan mo. Alam kong andami kong pagkakamaling nagawa sa inyong magkakapatid. Hindi ako naging mabuting magulang/lola sa inyo. Mas inuna kong pangalagaan ang pangalan ng pamilyang ito kesa sa inyo. Mas inuna ko pang isipin ang mga sasabihin ng ibang tao kesa sa inyo. Naging makasarili ako apo. Kaya sana mapatawad mo ako.Umiiyak namang niyakap ni Sam ang kanyang lola..
Sorry po lola nauutal na sambit nito habang umiiyak. Simula ng umalis si Mon wala itong ibang ginawa kundi ang maglasing tuwing gabi. Walang araw na hindi ito umiiyak. Kahit pa nandiyan ang mga kaibigan nito ay hindi ito nagsasabi sa kanila ng nararamdaman nya. Dahil ayaw nyang mag alalala ang mga ito sa kanya kaya mas pinili na lang nyang manahimik at sarilinin ang lahat ng sakit na nararamdaman nya.
Niyakap naman ito ng mahigpit ng kanyang lola habang hinihimas ang likod nito.
Wala kang kasalanan apo. Kung may dapat sisihin dito, ay walang iba kundi ako. Pag aalo ng kanyang lola.At may importante akong sasabihin sayo apo. Dagdag pa nito na tila ikinagulat naman ni Sam. Agad ito humiwalay sa pagkakayakap sa kanyang lola. Tinitigan nya ito na tila nagtataka at kinakabahan sa mga susunod na sasabihin ng kanyang lola.
Lola wag mong sabihin na mamamatay kana. Umiiyak na sabi nito. Hindi ko kakayanin pag nawala ka po.Apo makinig ka. Hindi pa ako mamamatay. Paglilinaw nito. Tinawagan ko si Mr. Phum kanina. Nag usap kami at sa susunod na araw ay dadating sya dito para sunduin ka gamit ang private plane papuntang england.
Agad naman itong ikinagulat no Sam. Hindi nya lubos akalain na gagawin iyon ng kanyang lola para sa kanya.
Ang kaninang luha ng kalungkutan ay napalitan ng tuwa ng marinig nya ang mga iyon mula sa kanyang lola. Niyakap nya ulit ito at nag pasalamat..Ipapahanda ko na ang mga gamit mo apo sa mga katulong ng sa ganon ay hindi kana mahirapan pa. At wag kang mag alala sa kompanya mo, alam ko namang kayang kayang asikasuhin ni Kirk lahat ng iyon. Dagdag pa ng kanyang lola.
Maraming salamat po lola naiiyak na banggit nito.
Bigla namang sumulpot ang kanyang ate na si Nueng.Aba at parang may kasiyahan yata dito. Masayang bati nito. Agad na. Lumapit sa dalawa at nakiyakap naman sya.
Ikinatuwa naman iyon ng kanyang lola at ni Sam.Namiss ko ang ganitong pakiramdam. Bulong ni Nueng habang nagyayakapan pa din silang tatlo. Sayang at wala na si Song. Malungkot na sabi nito. Pero lahat ng bagay may dahilan. Ang importante masaya tayo ngayon dagdag pa nito...
_____________________________________________
What do you think would happen in the next chapter?? Will they meet? Hmmm 🙃🙃🙃
BINABASA MO ANG
Imaginations
Romancethis story was about Sam and Mon from GAP THE SERIES. What if their story didn't end like that? what if hindi naabutan ni Sam si Mon papuntang airport?? well let's see what would happen here.😊 ps. im not a good writer 🙃 but hope you like it ❤️