Imaginations chapter 8

181 11 2
                                    

Hellloooooo.  Kamusta po kayong lahat? 😊☺️🤗  sana okay po ang lahat 🤭
Anyways enjoy reading po ❤️❤️❤️

___________________________________________

Busy ang lahat sa mansion. Alas sais y medya palang ng umaga ay dumating na ang organiser para mag decorate ng event. Sa malawak na hardin nila gaganapin ang okasyon. Hindi bababa sa isandaang bisita ang dadating mamayang gabi.

Alas otso ng umaga ng magising si Mon. Ngunit hindi muna ito bumaba. Nanatili muna ito sa kanyang silid.
Hindi maganda ang kanyang gising. Hindi nya mawari kung bakit. Pero may nararamdaman syang mabigat sa kanyang damdamin. Ngunit imbes na isipin iyon ay ibinaling nalang nya ang kanyang atensyon sa pag babasa ng magasin patungkol sa kanyang ama at pati na rin sa kanilang kompanya na ngayon ay mas lalong lumalago.

Pag katapos magbasa ay nagbihis na si Mon upang bumaba. Doon naabutan nya ang kanyang dalawang kapatid na nangugulit sa mga katulong

Magandang umaga pag bati nya sa mga ito. Good morning ate. Bati naman ng kanyang dalawang kapatid na ngayon ay nakayakap na sa kanya. Napangiti naman si Mon sa mga ito.

Natutuwa sya dahil sa pagiging malambing ng mga ito. Hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa lahat ng kasama nila sa bahay.
Mahigit isang buwan na simula nang dumating sya sa mansyon. Ngunit ni isang beses ay hindi nya nakitang nag away ang dalawa.

Naputol naman ang kanyang pag iisip ng bigla itong tinawag ni nana Maria upang maupo at nakahanda na ang almusal.
Nagpasalamat naman ito sa katulong.

Maya maya pa man ay bumaba na din ang kanyang ama at kasama ang kanyang madrasta.
Habang kumakain, nabanggit ng kanyang madrasta na mamayang alas dos ng hapon ay dadating ang magaayos sa kanilang lahat.

Kita ang excitement sa mga mata nito habang nag sasalita.
Iha sana magustuhan mo ang napili kong dress na susuotin mo mamaya dagdag pa nito.

Ngumiti naman si Mon sa kanya. Kayo pa po ba. Eh magaling po kayong pumili ng mga susuotin ko. Tugon naman nito .

Dating fashion designer ang madrasta nito. Kaya magaling talaga syang pumili ng mga susuotin. Ngunit tumigil syang magtrabaho sa isang sikat na fashion company dahil narin sa kagustuhan ng kanyang ama na mag focus nalang sa pag aalaga ng dalawang kambal. Pero hindi mo na maiaalis sa kanya ang pagiging magaling nito pagdating sa pananamit.

Kaya nong dumating si Mon sa england ay tuwang tuwa ito. Dahil sa wakas meron na itong makakasundo pag dating sa bagay na hilig nya.

Pangarap nyang magkaron ng anak na babae. Ngunit hindi na sya pwedeng magbuntis ulit pag katapos nyang manganak ng kambal.

Agaw buhay silang mag iina habang nag lalabor sya.. dumating sa point na kailangan mamili ng ama ni Mon sa kanilang mag iina. Mabuti nalang at may awa talaga ang diyos at pareho silang nailigtas.

Ng matapos kumain ay isa isa narin silang nag si akyatan. Naiwan naman si Mon na ngayon ay nakatulala.

Okay lang po ba kayo mam Mon? Tanong sa kanya ni nana Maria dahil napansin nya na tulala ito

Hindi ko po alam nana Maria  malungkot na sagot nito.
Agad naman lumapit si nana Maria para hipuin ang noo nito kung may lagnat ba o wala.
Hindi ka naman mainit. Pagtatakang sabi ni nana Maria
Wala po akong sakit nana Maria. Pag papaliwanag ni Mon. Medyo mabigat lang yung pakiramdam ko.

Baka dahil po sa excitement mam Mon?
Panghuhula naman nito.
Sana nga po sagot naman ni Mon. Hindi naman kase sya sanay sa mga ganitong engranding selebrasyon.

Sige na po mam Mon umakyat na po kayo para makapag pahinga po kayo. Dahil maya maya lamang ay dadating na po ang mag aayos sa inyo. Dagdag pa nito

Tumango naman si Mon at ngumiti ng kaonti bilang tugon sa katulong.

Sam pov.

Lady Sam kunin ko na po ang gamit nyo. Sambit ng flight stewardess.
Ngayon kase ang araw ng alis nya papuntang england sakay ng private plane na pag mamay ari din ng kanyang pamilya.
Kasama ang kanyang pinsan na si Phum. Balak din sanang sumama ng mga kaibigan nya ngunit pinagbawalan nya ang mga ito.

Sam gusto mo bang magpahinga muna pag kadating natin ng england? Tanong ng kanyang pinsan na si Phum

Hindi, gusto kong makita agad si Mon. Ayokong mag sayang pa ng oras dahil masyado na akong maraming sinayang.

Tinignan lang ito ng kanyang pinsan at tumango.  Nakaabang na din naman ang sasakyang gagamitin nila papunta sa bahay ng ama ni Mon.

Bago pa man siya umalis ng thailand ay dumalaw muna ito sa bahay ng magulang ni Mon pg katapos nyang dalawin ang kanyang lola.

((("Pagkababa nya ng sasakyan ay agad nyang pinidot ang doorbell.
Pinag buksan naman agad ito ng Mama ni Mon na may konting gulat sa mukha.

Aah, Lady Sam?. Tuloy po kayo.  Napadalaw po kayo? Tanong neto. Hindi pa man nakakasagot si Sam eh, nag salita ulit eto. Sabay sabing, pasensya na pero wala na si Mon dito ngayon.

Pasensya na po, sambit ni Sam. alam kung nasaktan ko ng sobra ang anak ninyo. Pero pumunta po ako dito para po itanong kung anong address nya sa england.
Nagmamakaawang tanong ni Sam sa magulang ni Mon.
Nagtinginan naman ang mag asawa na parang naguusap ang mga mata...

Bago pa man sila makapagsalita ipinaliwanag na ni Sam ang nangyari, kung pano sya tinanggap ng kanyang lola at kung pano din nya hinabol si Mon papuntang airport.

Alam kong malaki ang naging kasalanan ko sa anak ninyo. Naging duwag ako. Pero hindi ibig sabihin non ay hindi ko sya mahal. Naiiyak na sambit nito.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng magulang ni Mon ang nangyari. Oo mahal nila ang isa't isa. Sadyang wala lang talagang magawa si Sam nong mga panahong iyon.

Pagkatapos marinig ng magulang ni Mon ang paliwanag ni Sam ay hindi na sila nadalawang isip na ibigay ang address na kinarurunan ni Mon.
Laking pasalamat naman ni Sam sa magulang ni Mon dahil naintindihan nila ito.")))
 
Ngayon ito sya. Napapangiti dahil sa excitement na nadarama. Sa wakas makikita na nya ulit ang taong pinakamamahal nya...






ImaginationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon