Hello hello hello again 🫠 medyo busy ang lola nyo nitong mga nagdaang araw kaya late nanaman naka pag update 😅 so sorry 🥰 hope you all doing good 😍 enjoy reading 🤭😊
_____________________________________________"Inhale exhale, inhale exhale inhale exhale whooo, ano ba Mon bat kaba kinakabahan? Sanay ka namang humarap sa maraming tao diba? Kaya ko to" pagkakausap sa sarili na akala mo ay parang isang baliw.
Tumayo naman ito mula sa pag kakaupo sa harap ng salamin, upang sumilip sa may bintana.
Tanaw ang buong hardin sa kanyang kwarto kung kaya naman kita nya kung gaano kadami ang bisita sa baba.. Hindi basta basta ang celebrasyon na ito. Bukod kase sa mga empleyado at business partners at mga bigating personalid meron din mga taga medya.Pag kalipas ng ilang minuto ay kumatok si nana Maria sa kanyang kwarto.
Mam Mon? Ready na po ba kayo? Pinapatong po ng daddy ninyo.
Agad naman syang lumapit sa pintuan para pagbuksan si nana MariaOpo nana Maria sagot ni Mon.
Napatulala naman ang katulong sa kanyang nakita.
Napakaganda nyo po talaga ma'am Mon. Tila kinikilig na papuri nito kay Mon.
Napangiti naman si Mon salamat po nana Maria.
Sige po at baba na po ako para sabihin sa daddy mo na nakahanda kana.
Siya na lang kase ang naiwan sa taas. Habang ang kanyang dalawang kapatid at madrasta ay sumabay na sa kanyang ama kanina na bumaba para salubungin ang kanyang lola at lolo pati na rin ang ibang mga bisita.Bago pa man ito tuluyang bumaba
"I can do this, i can do this, inhale exhale inhale exhale whoooo" pag uulit ni Mon sa sarili na akala mo ay sasabak sa isang paligsahan dahil sa kabang nararamdaman.
Maya maya pa lamang ay narinig na nya ang boses ng kanyang ama mula sa baba.."Lady's and gentlemen.. may I have your attention please... I would like to introduce to all of you my daughter Mon". Proud na proud na banggit ng kanyang ama.
Nagpalakpakan naman ang mga bisita ng makitang pababa ng hagdan si Mon. Lahat ng atensyon ay sa kanya nakatuon.
Sama mo na ang walang tigil na pagkuha ng litrato ng mga taga medya. Lalong umangat ang taglay nyang kagandahan dahil sa suot nyang cherry red off shoulder na long dress. Sabayan pa ng nag gagandahang disensyo nito na nagkikintaban dahil sa repleksyon ng mga ilaw.Ang kaninang mansyon na maingay ngayon ay biglang napalitan ng katahimikan dahil sa nasaksihan nilang kagandang taglay ni Mon.
Pag ka baba ni Mon ay agad naman itong lumapit sa kinaruruonan ng buong pamilya. At niyakap ang mga ito.
Pag katapos ay pinakilala ito ng kanyang ama sa bawat isa.Humanga naman ang lahat hindi lang sa taglay na kagandahan ni Mon. Kundi pati na rin sa galing nitong makipagusap. Lalo na patungkol sa kanilang negosyo.
Oo at wala pang isang buwan mula ng magsimula syang magtrabaho sa kompanya ngunit hindi mo maikakaila ang galing nito pag dating sa ganoong bagay.
Na sya namang ipinagmalaki ng kanyang ama.
Saan pa ba magmamana? Pagyayabang ng kanyang ama sa mga kaibigan. Nagsitawanan naman ang lahat. Bilang pag sang ayon.Sam's pov.
Malayo pa ba tayo? Tila naiinip na tanong nito sa driver.
Sam calm down. Pag saway naman ng kanyang pinsan. Kanina pa kase nya napapansin na hindi ito mapakali.Opo ma'am. Malapit na po tayo tugon naman ng driver.
Pagkaraan ng ilang minuto ay huminto ang sasakyan sa harap ng napakalawak na bakuran.
Nagtatakang bumaba ng sasakyan si Sam. Bat napakaraming nakaparadang sasakyan dito? Tanong nya sa kanyang isipan.Agad binuksan ni Sam ang bitbit na bag para kunin ang papel kung saan nakasulat ang address na binigay ng mama ni Mon. Tama naman ang nakasulat na address bulong nya sa sarili.
Akmang papasok na sana sila, ngunit biglang hinarang ng dalawang gwardiya na naka bantay.
Ma'am invitation nyo po? Tanong ng isang
guardInvitation? Tila inis na pag uulit ni Sam.
Opo ma'am sagot naman ng guard.
Wala akong Invitation.
Pasensya na po ma'am. Pero tanging ang mga imbitado lang po ang pwedeng pumasok. Pagpapaliwanag ng isang guard.Sam, pag aawat naman ng kanyang pinsan. Bumalik nalang tayo bukas saad ni Phum
Hindi pwede! mariin na sagot ni Sam. Andito na tayo ngayon. Bat kailangan pang ipagpabukas.Tila naagaw naman ang atensyon ng ibang bisita dahil sa lakas ng boses nito.
Kailanagan kong makita at makausap si Mon ngayon. Dagdag pa nya. Habang nagpupumiglas sa pagkahawak ng dalawang gwardiya..
Habang sa kabilang dako naman ay gumawa ng tunog ang daddy ni Mon sa pamamagitan ng kutsara at baso ng white wine.
I have an announcement to make.....
Ang celebrasyon ngayong gabi, ay hindi lang tungkol sa pag taas ng sale ng kompanya at pag papakilala ko sa aking prinsesa.
(Lahat naman ng atensyon ay nakatuon sa kanyang ama. Maging ang lolo at lola nya ay tila nagtataka pati na rin ang kanyang madrasta at dalawang kapatid)
Biglang lumakas ang tibok ng puso ni Mon. Ito yung kanina pa nya hindi maipaliwanag na nararamdaman
This will be also an engagement party of my daughter Mon tooooo.......
Naputol ang pagsasalita ng daddy ni Mon dahil sa isang malakas na boses.
Moooooooonnnnnnn....
Sigaw ni Sam na tila umabot yata sa kabilang ibayo dahil sa lakas ng boses nito.Agad namang naagaw ang atensyon ni Mon sa pamilyar na boses.
Hinanap nya ang pinagmulan ng bosesAt doon nakita nya si Sam sa malaking gate habang nagpupumiglas sa pag harang ng dalawang gwardiya..
Hindi na sya nag dalawang isip pa, patakbong nilapitan nya ito. Hindi nya alintana ang bigat ng suot nyang damit at taas na takong na suot. Nagmistula itong running bride sa isang pelikula.
Agad namang napahinto ang dalawang gwardiya ng makitang papalapit si Mon.
Doon nakahanap ng pagkakataon si Sam na makawala sa pagkakahawak ng dalawang gwardiya at sinalubong si Mon ng isang mahigpit na yakap.
Ngayon ang buong atensyon ay nasa kanilang dalawa.Lalong kumunot ang noo ng pamilya ni Mon sa nasaksihan. At tila gulong gulo.
Pati ang buong bisita ay nagbubulungan dahil sa nasaksihan. Tila di makapaniwala sa nakita.Hindi na napigilan ni Sam ang sarili. Pag kabitaw sa pagkakayakap ay agad nyang sinunggaban ng halik si Mon sa labi. Di alintana ang mga taong nakapalibot sa kanilang dalawa.
Natigil ang paghahalikan nang dalawa ng maramdaman ni Sam ang mga luha mula sa mata ni Mon. Luha ng kaligayahan.
Hawak ang pisnge habang pinupunasan ang mga luha ni Mon. Muli nya itong niyakap ng mahigpit. Sabay bulong
"Im sorry. Pangako hindi na kita hahayaang mawala pa. Naiiyak na sambit ni Sam kay Mon..._____________________________________________
Thank you po sa support at pag vote sa Imaginations 🥰😍❤️. I really really appreciate it po. 😊😊😊
PS. Hindi pa po ito yung end 😅😁
BINABASA MO ANG
Imaginations
Romancethis story was about Sam and Mon from GAP THE SERIES. What if their story didn't end like that? what if hindi naabutan ni Sam si Mon papuntang airport?? well let's see what would happen here.😊 ps. im not a good writer 🙃 but hope you like it ❤️