Chapter 3

91 11 3
                                    

"Who are you?" I asked. Hindi ito sumagot at patuloy parin na tumingin saakin. Ilang minuto rin kaming nagtitigan bago ito magsalita.

"You're interesting." He said. Nakangiti ito saakin. He has a gorgeous long brown hair, a pair of black eyes, pointed nose, and red lips.

Singkit din ito. In short, napakagwapo. Who is he? Bakit hindi ko siya kilala? Pilit kong inaaalala kung meron ba akong nabasa sa nobela na lalaking may kulay tsokolateng buhok.

Wala talaga!

"I said who are you?" Ulit ko sa aking tanong. Pumorma rin ako na tila handang makipaglaban. Mas ayos na nakahanda ako. Hindi ko alam kung isa ba itong masamang tao.

"Chill! I'm not gonna hurt you. I'm Troy, I'm a wizard." Nakataas pa ang dalawa nitong mga kamay. Patunay siguro na wala siyang balak na labanan ako.

Ibinaba ko ang dalawa kong espada at umupo sa ilalim ng puno. Naramdaman ko rin na unti-unti nang naglalaho ang mana na nakapalibot sa aking katawan.

Hindi ko pa kayang gamitin si Leo nang matagalan. I need to train this body.

"You're a dark magic user." Wika ulit ni Troy. Shit, I forgot! Ako nalang pala ang natitirang black magic user. Sa nobela, noong malaman na dark magic user si Theletyia ay dinala siya sa laboratoryo at pinag-aralan. Grabe ang sakit na naramdaman niya noon.

Should I end his life right now?

"Don't worry, I won't tell anyone." Nawala ang aking iniisip dahil sa sinabi niya. "But in one condition." Dagdag nito.

Napangiwi naman ako dahil sa sinabi niya. I should've known, wala nga palang libre sa mundo.

"Come on! Don't make a face like that. I just want to be friends with you " Natatawa pa ito.

Napataas naman ako ng kilay dahil sa narinig.
A friend? Sinong linoko niya?

"I'm not joking, I really want to be friends with you." Tumitig ako sakanya at seryosong nagtanong.

"What can I get from being friends with you?" I asked.

Nawala ang ngiti nito at sumeryoso. Labis ang aking gulat nang may itim na pigura ang lumabas sakanyang likod. Isa itong malaking uwak.

Similar to Leo.

"You're a dark magic user?" Tanong ko. Mababakas din sa boses ko na hindi talaga ako makapaniwala.

Pero paano? Ang sabi sa Nobela ay ako nalang ang natitirang dark magic user? Is the future start to change because of me?

"Yes." Nakangiti nanaman ito saakin. Bumalik ang maloko niyang tingin.

"Pero bakit hindi ka kinukuha sa tore?" Lumakad ito papalapit saakin at naupo sa tabi ko. Lalayo sana ako ngunit wala na talaga akong lakas na natitira.

Ang tore o magic tower, doon nakalocate ang laboratoryo kung saan ako dinala noon. The tower was full of powerful wizards. Pero ni-isa sakanila ay walang gumagamit ng itim na mahika.

Kaya ganoon nalamang nila trinato si Theletyia. Nais nilang ilipat ang kapangyarihan nito sakanila. Dark magic user are really powerful. Lalo na kung kontrolado nila ito. Sila lang kasi ang nagtataglay ng 'Kemono' o beast. Katulad ni Leo.

"Because I'm a commoner." Nakatingin ito sa malayo. Nagtakha naman ako sa sinabi nito. Pinagmasdan ko ang kanyang suot. Ngayon ko lang napansin na pangkaraniwan lang ang suot nito.

"Pero ang galing mong mag-ingles." Namamahang anas ko.

"Hahahaha madalas kasi ay nakakarinig ako ng ingles kaya naman natuto ako. I'm a fast learner." Lalo naman akong bumilib sakanya. Sa mundong ito kasi ay mga mayayaman lamang ang nakakapagsalita ng ingles

Villainess Wants To Be Alone Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon