"AAAAAA this is so unfair!" Ihahagis ko na sana sa pader ang aking cellphone ngunit naalala ko na wala pala akong pambili ng bago.
Binabasa ko ang isang nobela, 'Protecting the male lead'.
Tungkol ito sa isang ordinaryong babae na nakabihag sa puso ng emperor. In the story, she's one of the most powerful wizards in the Empire. She's helping the Emperor on the battlefield. Kung kaya't mas lalo pang lumalim ang samahan nila.
'Theletyia Husernien' isa sa mga karakter na ginagawa ang lahat upang mapabagsak ang female lead. Theletyia is no ordinary noble lady. Isa siya sa makapangyarihang karakter. Siya nalang ang natitirang dark magic user.
Siya ang pinakapaborito ko sa nobela. Kaso lang ay namatay siya. Hindi niya nagamit ang kanyang kapangyarihan dahil linagyan siya ng magic restrictions. Nakakaawa siya dahil hindi siya kailanman nabigyan ng pagmamahal.
Kaya inis na inis ako ngayon. Suminghot-singhot pa ako dahil hindi ko mapigilang umiyak.
Wala na yung paborito kong character huhuhu. Habang umiiyak ay tinapos ko parin ang storya. Happy Ending ito pero bakit hindi ako happy.
Inis kong ibinaba ang cellphone ko at masama ang loob na natulog.
"Kailan kaya magigising ang lady? Nabalitaan niyo ba na kaya siya walang malay ay dahil nainom niya ang inumin na may lason. Tinanong ngayon ang tagadala ng mga inumin, umamin ito na si Lady Theletyia ang nag-utos sakanya na lagyan ng lason ang inumin at ibigay kay Lady Roveria. Pero hindi ito natuloy at si Lady Theletyia ang hindi sadyang nakainom." Ang ingay maman.
"Grabe naman pala. Kung pwede ngalang ay lilipat na ako ng pagsisilbihan. Hindi ko nais na magsilbi sa isang masamang babae." Anong sinasabi nila?
"Huwag kang maingay at baka bigla siyang magising." Dahil sa pagtataka ay iminulat ko ang aking mga mata. Bumungad saakin ang hindi pamilyar sa kisame.
Where am I? Paano ako napunta dine? Namatay naba ako dahil sa puyat? Naknam.
"Gising na si Lady Theletyia!" Sigaw ng mga katulong? Natataranta sila at hindi alam ang gagawin.
Tumayo ako mula sa napakalaki kong higaan at dali-daling tumakbo papunta sa harap ng salamin. Long blue hair, makapal na kilay, mahabang pilikmata, pointed nose, pulang mata, at napakapulang labi.
Is this Theletyia? Goddamn, I didn't know she was this beautiful!
"Young Lady! Huwag muna po kayong tumayo." Natatarantang lumapit saakin ang isang babae na sa tingin ko'y isa sa mga maid ni Theletyia.
"Who are you?" Napahinto ito at napatingin saakin.
"Ako po ito, si Lia. Wala po ba kayong matandaan?" Nakahawak pa ito sa kanyang bibig.
Lia, siya ang isa sa mga maid ni Theletyia na napahamak dahil sa masamang utos. She's a loyal one, I can trust her.
"Ah no! Nabigla lang ako." Hinawakan nito ang aking kamay at iginaya ako patungo sa kama.
Napakalaki naman neto. Ang lambot pa! Ganito ba talaga ang mayayaman dito? Wow.
Napalingon ako sa pintuan nang marinig ko itong bumukas. Pumasok ang isang matandang lalaki na may dala-dalang isang kahon. Kasunod nito ay isang lalaki na may asul na buhok at itim na mata, sa likod niya ay ang isa pang lalaki na may puting buhok, kulay gintong mata, matangos na ilong, at red lips.
Napakaganda ng mukha nito. He can be an actor in my previous life!
"Theletyia." Nanlamig ako nang marinig ko ang boses nang lalaking may asul na buhok. I think he's Theletyia's father. Based on his appearance ay halatang halata na.
"You deserved that, that's what you get from trying to hurt Roveria." Ani ng lalaking may puting buhok.
What the hell? Binabawi ko na ang sinabi kong gwapo siya. He's an asshole.
He's the male lead? He's a jerk!
Kinununtan ko ito ng noo at hindi pinansin. Tumayo ako mula sa kama at naglakad patungo sa harap nila. Malamig na tingin ang ibinigay niya saakin.
"Get away from me." Titignan niya ako nang may pandidiri. What the hell?
Well i forgot, patay na patay nga pala si Theletyia dine. Pero sorry siya hindi ako si Theletyia. Tinitigan ko ang mukha nito.
"I said get away from me! I don't like you and I will never love y-"
"Move." Pinutol ko ang sinasabi nito. "You are blocking my way." Napaawang ang labi nito at nanlaki ang mata. Tila hindi makapaniwala. Ang dating head-over-heels sakanya ngayon wala na? Impossible!
Hindi ko na ito hinayaang magsalita at umalis na lamang. Narinig ko pang tinatawag nila ako ngunit hindi ko na sila pinansin.
I decided to move out of the house pagnakaipon na ako ng pera. I want to live alone, far away from them. Live peacefully and have a family.
I am Yuki Akiba living as Theletyia Husernien. Today, I will bend the story and live on my own!
BINABASA MO ANG
Villainess Wants To Be Alone
FantastikYuki Akiba was reincarnated as Theletyia Husernien, her favorite novel character. However, she's bound to get killed for trying to hurt the female lead. Will she succeed in bending the story and living her life with her own decisions?