Chapter 4

72 10 0
                                    

Pagkamulat ko palang ng aking mga mata ay si Lia kaagad ang bumungad saakin. Halata sa mukha nito ang pag-aalala.

Nakabalik na pala siya.

"Theletyia! Narinig mo na ba ang balita? Totoo bang lumabas kagabi sa silid mo si Emperor Maximilliam?" Sunod-sunod na tanong nito.

Ang bilis naman ata kumalat ng balita?

"H-hindi ko alam hehe." Tanggi ko.

Tinignan ako nito na parang nagdududa at hindi naniniwala. Sino ba kasi ang nagkalat non?

Naunawaan siguro nito na ayaw kong pag-usapan ang nangyari kaya tumigil na ito sa pagtatanong at tinulungan akong mag-ayos.

Pagkatapos maligo ay naupo ako sa upuan na malapit sa aking bintana. Hinihintay ko si Lia na bumalik kasama ang mga pagkain.

I'm really starving.

"Theletyia! Nakabalik na ako." Hindi ko namalayan na hinahanda na pala ni Lia ang mesa. Napatagal ata ang pagtitig ko sa labas.

Tinignan ko ang mga pagkain na dala niya. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa mga ito pero they look really appetizing.

"Samahan mo akong kumain." Umiwas siya ng tingin at tila tatanggi pero naunahan ko ito. "That's an order." Napabuntong hininga ito at nagkamot ng buhok.

Pfft she looks really cute.

Wala itong nagawa kung hindi ang umupo sa harapan ko. Sabay kaming kumain habang nag-uusap. Sa tingin ko'y nasasarapan ito sa pagkain dahil halos siya lang ang nakaubos sa mga ito.

Natawa ako nang bahagya dahil sa nakikita. Naputol lang ito nang maalala ko ulit si Troy. Nahalata ata ito ni Lia at nagtanong.

"May problema ba Theletyia?" Nagdalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba ito o hindi. Pero noong huli ay napagdesisyonan kong sabihin ito kay Lia.

Nagulat pa ito at hindi makapaniwala.

"Totoo nga na pumasok sa kwarto mo si Emperor Maximilliam!" Tinignan ko siya at mayroong ngiti sakanyang mga labi. "Pero ngayon ay sa tingin ko'y totoo nga na wala kanang pagtingin para sakanya." Tumango-tango pa ito habang nakahawak sakanyang baba.

Wala talaga akong pagtingin sakanya. Hindi kasi ako si Theletyia.

Pagkatapos kumain ay nilinis nito ang mesa at lumabas na ulit. Naiwan nanaman akong mag-isa.

Inaalala ko parin ng kalagayan ni Troy. Sana ay hindi na siya balikan. Hindi ko alam pero napakagaan ng loob sakanya. I feel safe noong magkasama kami kagabi.

Natigil ang aking pag-iisip nang may kumatok saaking pinto.

"Come in." I shouted. Bumukas ito at bumungad ang isang matangkad na lalaki. May edad na ito. Ayon sa nobela, ito ang butler na laging kasama ng tatay ni Theletyia.

"Lady Theletyia, pinapatawag kayo ni Lord Aleandro." Nakayuko ito habang nasa dibdib ang kanang kamay.

Hindi ako sumagot. Tumayo lang ako at sinenyasan siya na mauna na at susunod nalang ako.

Habang naglalakad ay pinagtitinginan kami ng mga maid. Nanghuhusga ang tingin nila at ang iba ay nagbubulungan pa.

Mga chismosa.

Pati pala sa ganitong panahon ay may mga chismosa parin. Napailing ako at nagpakawala ng buntong hininga.

Ilang minuto kaming naglakad hanggang makarating sa opisina ni Aleandro. Pagkabukas palang ng pinto ay kaagad nang bumungad ang galit niyang mukha.

Villainess Wants To Be Alone Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon