Chapter 5

127 16 6
                                    

Pagkalingon ko sa likod ay nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Maximilliam. Patakbo siyang lumalapit saamin.

Pagkalapit niya ay kaagad niya akong itinulak nang malakas. Nawalan ako ng balanse at kaagad na natumba.

Ang sakit sa pwet.

"Lady Theletyia! Ayos kalang ba?" Hindi ko napansin na kasunod nito si Lia. Natataranta siyang yumuko at inalalayan ako.

"Don't worry, Lia. I'm alright." Nginitian ko siya ngunit hindi parin mawala sa mukha nito ang pag-aalala at pagkabahala.

"A-ano ba ang nangyari?" Tanong nito. Sasagot sana ako pero isang malamig na boses ang tumawag sa pangalan ko.

Sapilitan niya akong ipinatayo at pinaharap sakanya. Napangiwi ako dahil sa sakit.

"Why did you do that to Roveria?! I already told you, STAY.AWAY.FROM.HER!" Napakasakit sa tenga ng pagsigaw nito. Halatang galit na galit.

"She did that to herself." Mahinahon kong sagot. Nag-igting ang panga nito at nanlilisik ang matang tumingin saakin.

"That's bullshit! Kitang-kita ko na sinampal mo siya."

"Eh bakit mo pa tinatanong 'yung ginawa ko kung nakita mo naman pala? Stupid." Napa aray ako dahil hinigpitan nito ang pagkakahawak saaking kamay.

"You are gonna pay for this!" Ang huli niyang sinabi bago ako pabagsak ulit na binitawan. Mabuti nalamang at naalalayan ako ni Lia kaya hindi ako tumumba sa sahig.

Mabilis niyang pinuntahan ang pwesto ni Roveria na hanggang ngayon ay nakahiga parin sa sahig na 'walang malay.'

Best actress lol.

Pinanood ko ang papalayo nilang buto. Bago sila tuluyang makaalis ay hindi nakawala sa paningin ko ang pagngisi ni Roveria.

She's a devil in disguise.

"Lady Theletyia, dumurugo ang kamay mo!" Tinignan ko ang aking kamay at nakitang dumurugo nga ito.

Dahil siguro sa manang linagay ni Roveria. Ang kanyang mahika kasi ay hindi maayos na tinatanggap ng katawan ko. Hindi maaaring pagsamahin ang puti at itim na mahika.

Kapag sinubukan ay masasaktan lang ako katulad ng nangyari ngayon sa aking kamay.

It hurts like a bitch.

"Theletyia." Pagkaangat ko ng tingin ay lumagapak ang aking pisngi. Napakalakas ng pagkakasampal ni Aleandro kaya tumagilid ang aking ulo.

"Hindi kana talaga nadala." Nag-angat ako ng tingin at nakita nanaman si Aleandro. Galit nanaman ang mukha nito. As usual, nasa gilid nanaman niya si Maximilliam.

"I regret having you as my daughter." Pagkadisgusto ang mababakas sa boses niya.
As if naman gusto ko siyang maging tatay.

"Same Aleandro. I regret being your daughter." Dahil sa sinabi ko ay nagulat silang dalawa ni Maximilliam. Napatingin rin sila sa kamay kong nagdurugo.

Itinaas ko ito at ipinakita sakanila.

"Leo." I called. Naramdaman ko na unti-unting naghihilom ang aking sugat. Tumigil ang pagdurugo nito at bumalik sa dati.

Mas lalo naman silang nagulat.

"Y-you can use magic?" Maximilliam suddenly asked. Hindi ko siya sinagot at tinitigan sa mata si Aleandro.

"Starting today, I, Theletyia, will no longer be a Husernien. Leo, let's go." Pagkasabi ko non ay kaagad kong hinawakan si Lia at nagpunta sa malayong lugar.

Villainess Wants To Be Alone Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon