"Sandali binibini!" Habol saakin ni Lia. Nakasunod pala siya saakin. Huminto ako at tumingin sakanya.
"What?" I asked. Tumigil din siya at yumuko, habol-habol ang kanyang hininga.
"N-nakasuot po kasi kayo ng pantulog." Hindi ito makatingin nang deretso saakin.
Ibinaba ko ang tingin saaking suot. Nakapantulog nga ako. Nakasuot ako ngayon ng puting bestida na hanggang tuhod, spaghetti strap din ang strap nito.
Hindi ko nalang ito pinansin dahil wala namang tao. Dinala ako ng aking mga paa sa hardin. Napakaganda rito. Punong-puno ng mga bulaklak at mga paru-paro.
Mayroong silungan sa gitna, gawa ito sa puting bato at napupuno ng mga halaman. Umupo ako sa isa sa mga upuan.
"Lia, come here." Tinapik-tapik ko ang upuan sa aking gilid. Nakuha naman nito ang gusto kong mangyari, umupo siya sa tabi ko.
Naalala ko ang mga ginawa ni Theletyia sakanya. Pinagmamalupitan niya ito kapag hindi nito nasusunod ang kanyang utos. Mostly masasamang utos ang pinapagawa nito.
Paano ako mamumuhay nang tahimik kung wala akong nagawang tama at walang may gusto saakin?
Napangiwi ako sa aking naisip. This is the first thing that I should fix. Kailangan kong kunin ang tiwala ng mga taong alam kong may malasakit saakin. Maaari ko silang isama paalis ng kaharian.
"I'm sorry, Lia." Nanigas ito sakanyang upuan at tinignan ako na parang hindi makapaniwala. Ilang segundo siyang nasa ganoong pwesto bago magsalita.
"P-patawad binibini, ano pong ibig niyong sabihin?" Hindi ito makatingin nang deretso, tila natatakot at nagtatakha.
"I'm sorry for hurting you. I just realized something after the incident. I should stop doing these stupid things just to gain my father's attention." Huminto ako sandali bago magpatuloy. Tumingala ako at pumikit. "And just to gain his love and affection. Tama na siguro yon hahahaha. Hindi ko dapat ipilit ang sarili ko sa taong alam kong walang pake saakin hahaha right, Lia? I'm really sorry, I didn't realized that you're like a mother. A real and loving mother." To Theletyia.
Hinawakan ko ang kamay nito at siya'y nginitian. Kita ko ang pamumuo ng luha sakaniyang mga mata. Tumayo ito at bigla akong yinakap.
"L-lady Theletyia huhuhu. Hindi ko alam na nasasaktan ka pala. At huwag kang humingi ng tawad saakin. Gagawin ko ang lahat para sa'yo. Para makita kang masaya. T-tandaan mo lagi akong narito para saiyo." See Theletyia. Paano mo binalewala ito?
Suminghot-singhot pa ito at hinigpitan ang yakap niya saakin. Ramdam ko ang pagmamahal niya kay Theletyia. She's so lucky to have her, pero nakakalungkot na hindi niya ito napahalagahan.
"Thank you, Lia."
"Wala po iyon binibini."
Hindi na ako nagsalita at pinagmasdan ang magandang hardin. Napakatahimik at napakapayapa.
Maggagabi na pala?
Naputol ang aming pagmumuni dahil sa malamig na boses.
"Theletyia. Why are acting that way?" Madilim ang awra nito at nakayukom ang kamao.
"Acting what?, Maximilliam." Lalong dumilim ang awra nito at nag-igting ang panga. Inis na inis ang loko hahahaha. Sinadya kong banggitin ang pangalan niya na parang nang-aasar.
"Hah! Is this your new way to gain my attention? Well let me tell you this, it's not gonna work." Ay wow. Ang kapal talaga ng mukha niya. Not gonna work? Eh anong tawag niya sa ginagawa niya ngayon? Bakit niya pa ako pinuntahan dito?
BINABASA MO ANG
Villainess Wants To Be Alone
خيال (فانتازيا)Yuki Akiba was reincarnated as Theletyia Husernien, her favorite novel character. However, she's bound to get killed for trying to hurt the female lead. Will she succeed in bending the story and living her life with her own decisions?