Nakatitig si Agata sa kanyang kumukulong tubig, minamasdan ang mga mangyayari sa hinaharap. Ang hinaharap ng mundo ng mga diyos at diyosa.
"Isang himagsik ang mangyayari ngayong gabi! Hindi maaaring mangyari ito!" pag-aalala niya.
"Kailangan kong sabihin ito sa mahal na emperor at emperora!" pagkassad niya'y naglaho siya na parang bula.
...........
Masayang nagsasaluhan ng hapunan ang emperor at emperora kasama ang kanilang dalawang anak. Ang mga selestiyal.
Biglang nakaramdam ng kakaibang presesnya ang emperora at kilala niya kung sino ito. Si Agata. Ang diyosa ng propesiya at mata ng buong Nevata.
"Mahal na emperora!" bati ng hangin sa emperora. Ang tinig na ito ay galing kay Agata.
"Ano ang maipaglilingkod namin sa iyo Agata!" tanong ng emperor.
"Nais ko lamang paalalahanan kayo, may mangyayaring himagsikan at digmaan mamayang gabi. Sa pangunguna ng emperador ng kadiliman." mahinhin na saad ng mata.
"Ngunit kakatalo lamang natin sa kanila!" takot at pagkataranta ng emperora.
"Hindi ko masasagot yan Mahal na Emperora! At isa pa, hindi pa nagkakamali ang aking banga na puno ng kumukulong tubig." saad nito at naglaho na ang presensiya ni Agata.
Labis ang ikinabahala ng mag asawang emperador kaya naman ay pinatawag nila ang mga diyos at diyosa upang pag usapan ang nakita ni Agata sa kanyang balintataw.
******
Sa kailaliman ng dagat, nagtungo ang isang kampon ng kadiliman upang buhaying muli ang katawan ng kanilang emperador. Dala-dala nito ang espada ng diyosang si Athena at ang setro ng diyos na si Poseidon. Ito ay kaniyang kinuha dahil maari nitong tapatan ang kaangyarihan ng liwanag.
"Hindi tayo magpapatalo Emperador" matamis na tinig ng kampon.
Maya-maya'y kinuha niya ang espada ni Athena at sinimulang sigatan ang kanyang palad. Lumabas doon ang dugo, dugong itim saka siya bumigkas ng pambihirang enkantasyon. Isang engkantasyonna kung saan ay walang sinuman ang makakagawa maliban sa nga diyos at diyosa.
Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay biglang yumanig ang lupa. Nataranta ang diyos ng kalikasan kaya ginamit niya ang kaniyang kapangyarihan upang alamin kung sino ang may kagagawan nito. Maging ang diyosa ng tubig ay nataranta rin.
Ngunit bago pa man magamit ng mga diyos ang kanilang kapangyarihan ay nabuhay na ang hari ng mga demonyo.
Sa kabilang dako, naramdaman rin ni Agata ang kakaibang pwersa na nanggaling sa lupa. Kahit na nasa kalangitan sila ay naramdaman parin niya ang essensya ng kapangyarihang iyon. At kilalang-kilala niya kung sino ang makakagawa nito. Si Athena at Poseidon na kaniyang mga kapatid.
*******
Napangiti si Andrea ng mapansin niyang tulog na ang kaniyanh mga alaga. Tumayo siya at pumunta na siya sa kaniyang silid uoang matulog. Pero bago iyon, kinumutan muna niya ang mga ito.
Copyright © 2023 — ANG HULING SELESTIYAL by Vewo
All Rights Reserved
All content of this book are fictional.
Inspired by
'Ang Huling Binukot' ni AnakniRizal
'Encantadia' by Suzette Docotlero
'Greek Mythology' from Europe.
'Wansapanataym' from ABS-CBN
'Mga Lihim Ni Urduja' from GMA Network
Mga kuwentong pambata sa 'Woa Fairy Tales'
'Biblical Events' and
'Azitera: Yther's Queen Series' by CECELIB
Glossary:
Emperador/a: Namumuno sa isang kaharian o langit. Sa kuwento ay nagamit ang mga salitang ito bilang pinakamataas na rangko ng mga diyos.
Selestiyal: Anak ng Emperador/a. Taglay nila ang dugong bughaw at dugong galing sa kanilang mga magulang. Pangalawang pinakamataas na rangko.
Athena: the goddess of wisdom and knowledge.
Poseidon: the god of sea.
Balintataw: parang isa itong view na kung saan nakikita nila ang mangyayari o nangyari na.
Nevata: the place where gods and goddesses are living. I call it Nevata from the word Devas sa 'Encantadia' and Devata in 'Ang huling Binukot ' (pero diko sure if Devata talaga yun comment nalang kung ano talaga)
Setro: isang bagay na pinagmumulan ng malakas na kapangyarihan.
#june62023