Kabanata 6

11 2 0
                                    

Kabanata 6: Nakaraan (Ikaapat na bahagi)

Nakaraan: Nagawang kalabanin ni Agata sina Esther at Eomisa kasabay ng pagpapalaya sa mga selestiyal. Natagpuan rin ni Agata si Dementia. Ang bathaluman ng oras at ang asawa ni Rigonin.

******

Naglaho sina Agata, mga selestiyal kasama si Dementia at nagtungo sila sa isang lagusan.

"Anong gagawin natin dito, Agata?" tanong ni Dementia.

Tumingin si Agata sa tatlo niyang kasama ng malungkot. "Lilisanin natin ang Nevata sa pagkakataong ito. Ngunit, babalikan natin ito. Hindi maaaring habambuhay na mapapasakamay ng kadiliman ang Nevata!"

Naiintindihan ni Dementia ang ibig sabihin ni Agata. Kung patuloy silang makikipaglaban ay tiyak na matatalo sila.

"Kung ganon, huwag na tayong magmatagal pa. Kailangan na nating makaalis dito sa lalong madaling panahon!" ani ni Dementia.

"At sa akala niyo ay hahayaan namin kayong makatakas" mapangahas na sambit ng kararating lang na si Eomisa.

"Eomisa" si Agata kapagkuwan at lumingon ito kay Dementia at sa dalawang Selestiyal. "Dementia, dalhin mo ang mg Selestiyal sa ligtas na lugar."

"Nguni—" pinutol ni Agata ang sasabihin ni Dementia.

"Sige na! Ako na ang bahala sa warkang ito!" pagkasaad niya'y tinawag ni Agata ang kaniyang kabilan at hinarap si Eomisa.

Walang nagawa si Dementia kundi lumayo sa dalawang magtatagisan. Ngunit hindi niya sinunod ang utos ni Agata na pupunta sa ligtas na lugar, baglus ay lumapit siya sa nakasaradong lagusan.

"Gamit ang aking kapangyarihan sa oras, at sa basbas ng aking mga ninuno, sinasamo ko ang lagusang ito na dinngin ang aking sasabihin upang sa ganon ay muli kang mabuksan at makatawid kami papunta sa aming paroroonan." pagkasambit ni Dementia ang katagang ito ay nagliwanag ang kaniyang mga palad. Pumikit siya at nagsambit ng mga engkantasyon upang mabuksan ang lagusan.

Bilang bathaluman ng oras, may kakayahan siyang magbukas ng portal. Ang portal ay maaring patungo sa nakaraan at hinaharap o sa kabilang dimensyon.

Habang gumagawa ng engkantasyon si Dementia, sina Agata at Eomisa naman ay naglalaban ng titig. Kung mas masama ang hitsura at titig ni Eomisa, mas masama at mabangis ang mukha ni Agata.

"Hinding-hindi ko hahayaang makakalabas kayo ng buhay." matapang na saad ni Eomisa.

"Kung kakayanin mo akong talunin, warka!" si Agata.

Nagsimula silang maglaban gamit ang kanilang mga sandata.

Sa kabilang dako, malapit ng matapos ni Rigonin ang pagsipsip sa kapangyarihan ng mga bathala ng dumating si Esther.

"Mahal na Hari!" yumuko ito at tinuloy ang sasabihin "Nakatakas ang mga selestiyal, sinundan sila ngayon ni Eomisa"

Hindi sumagot ang hari, bagkus ay gumamit siya ng kapangyarihan upang maglaho, isinama niya si Esther sa paglaho.

********

"Anong ibig sabihin ng sulat na iyan, Andrea. Hindi ba't baka nagkamali lamg ang nagbigay niyan?" tanong ni Jake si asawa.

ANG HULING SELESTIYALWhere stories live. Discover now