Kabanata 2

34 3 0
                                    

Kabanata 2. Ang Sumpa

Nakaraan: Napabagsak ng kasamaan ang puwersa ng liwanag. Habang namatay naman ang emperadora sa harapan ni Agata at dahil sa lungkot ng mata ay tinawag nito ang pinakamatagal na nuyang hindi nahahawakang sandata. Ang kaniyang kabilan.

********

Sa isang kahon na nakatago sa isang isla ilang daang taon na ang nakakalipas ay nabuksan na. Ang kahon na naglalamn ng kabilan ay muling binuksan ng amk nito.

Nagliwanag ang buong kahon at kusa itong nagbukas na para bang may sarili itong isip. Pagkabukas non ay lumitaw ang isang sandata. Ang hugis nito ay parang letrang 'S' sa alpabeto. Ang magkabilang dulo nito ay matutulis at nakakamanghang tignan.

Sa kabilang dako, sa lugar kung saan naganap ang digmaan, nagiba ang kulay ng kalangitan. Mula sa pagiging dilim nito ay naging isang dilaw na kalangitan. Ang mga kampon ng kadiliman ay nagsimulang matunaw dahil sa kakaibang liwanag na ito.

Lumitaw ang isang sandata at nagtungo sa kamay ni Agata. Napamulat ng histo si Rigonin dahil sa nakita. Hindi nito aakalain na may ganitong sandata ang diyosa ng propesiya.

Habang si Agata ay hindi nagulat sa nangyayari. Kinuha nito ang pagkakataon upang sumugod sa mga kawal ng kadiliman.

Gamit ang brilyante ng agonan, gumawa ng kalasag si Rigonin upang hindi siya matamaan ng kapangyarihan ni Agata.

Si Esther, isa sa mga heneral ng kadiliman ay nasindak sa lakas ng epekto ng kabilan ni Agata. Napalingon ito sa kanyang mga kasamaan at nakita niya rito ang mga natutunaw na parang yelo niyang mga kasama.

Kaya naman, lumapit siya sa kaniyan among si Rigonin upang ibalita ang nangyayari.

"Mahal na hari, nauubos na ang ating mga kawal natin" saad nito na may pag-alala.

Walang alintanang lumipad si Rigonin sa kalangitan at pinagmasdan ang kaganapan. Pinalitaw nito ang Brilyante ng Agonan at gumawa ng pambihirang ritual.

Si Agata naman ay walang tigil sa paglusob sa mga kawal ng kadiliman. Kailangan niyang ipaghiganti ang kamatayan ng kanyang emperadora.

Samantala, sa loob ng palasyo. Palasyo na kung saan naninirahan ang emperador at emperora. Makikita ang hari na tumatakbo upang iligtas ang kaniyang mga selestiyal. Iniwan niya ang kaniyang asaw sa digmaan dahil alam niyang kakayanin nitong ipanalo ang kanilang tribo.

"Zakata, Zeke! Mga anak! Asan na kayo?" bulyaw nito pagpasok sa silid ng mga anak.

Nakarinig siya sa isang tinig na parang sumisigaw papalayo sa palasyo kaya pinuntahan niya kung sino ang mga ito.

Hindi maaaring makuha ng mga kalaban ang aking mga selestiyal.

Kapagkuwan ay nakita niya ang pagiba ng paligid. Ang dating puting paligid ay nahahaluan ito ng dilaw.

"Agata?" Mahinhin na sambit ng hari.

Alam ng hari ang dahilan ng pagdilaw ng paligid. Bilang matagal ng naninirahan dito sa isla, matagal na niyang alam ang mga kakayahan ng mga kapangyarihan ng bawat bathala kasama na rito ang unang mga selestiyal o kanyang mga ninuno na sina Poseidon, Agata at Athena.

Isa sa kapangyarihan ng kanyang mga ninuno ay ang kanilang sandata na gawa pa noon ng namaalam ng Diyos ng Sandata at ang Unang Emperor. Ang ama ng tatlong ninuno niya.

Ang kapangyarihan ng mga sandata ay kakaiba. At silang magkakapatid lamang ang mayroong sandatang ganoon. Ang sandatang makakapatay ng immortal at mortal na kaaway o kaanib.

Ngunit hindi ginamit ni Agata ang kaniyang sandata. Lalo na't ito ang nagpapa alala sa kaniya ng kamatayan ng kaniyang ama. Dahil si Agata mismo, sa hindi inaasahang kaganapan, gamit ang sandatang iyon, pinaslang niya ang kaniyang ama.

Labis noon ang pag-iyak ng mata ngunit wala na silang magawa. Maging ang bathala ng gamot at buhay ay walang nagawa. Kaya naman, isinumpa niya sa kaniyang sarili na hindi na niya muling gagalawin pa ang kaniyang kabilan.

Ngunit nakapagtataka at muling lumitaw ang nasabing sandata.

"Marami ka atang naiisip mahal na hari!" napalingon ang emperor sa nagsalita at ito ay si Eomisa. Ang demonyitang bumuhay kay Rigonin.

"Tila naalala mo na rin ang ginawa mo noong nakaraan!"

"Tama na!" sigaw ng Hari. "Umalis ka dito kung ayaw mong sunugin kita ng buhay!" pagbabanta ng hari.

"Sige lang. Ngunit  hindi lang ako ang masusunog. Kasama ko ang mga anak mo." tumawa ito ng mademonyo tsaka pinalitaw ang isang bolang ube at nandoon sa loob ang dalawang selestiyal.

"Tanakreshna" sogaw muli ng hari. "Huwag kang magkakamaling saktan ang mga selestiyal!"

"Kung ibibigay mo sa akin ang Nevata at ang Kapangyarihan mo!" sulpot naman ng Hari ng Kadiliman na siyang lumitaw sa ere at pinabagsak ang Emperor.

Abangan: Ano kaya ang mangyayari sa Emperor? Ano ang sinasabi ni Eomisa na nakaraan? Mababawi pa kaya ng Emperor ang kaniyang anak? Isusuko ba nito ang kaniyang kapangyarihan? Ano ang nangyari kay Agata?

STEELINK

ANG HULING SELESTIYALWhere stories live. Discover now