Kabanata 3: Nakaraan (Unang Bahagi)
Nakaraan: Nabuksan ang kahon na kung saan nakatago ang kabilan ni Agata. Sa kabilang dako, napasakamay ni Eomisa ang mga selestiyal.
*****
Napatay lahat ni Agata ang mga kawal ni Rigonin maliban kay Esther na punong kawal. Lumapit Agata dito at sinimulang atakahin gamit ang kaniyang kabilan.
Kailangan niyang maipaghiganti ang mga diyos at diyosa. Ngunit hindi pa sapat kay Agata ang mga kawal na mamatay. Hindi pa sapat ang mga ito sa dami ng napaslang ng kadiliman.
Buong lakas niyang inihagis ang kabilan niya kay Esther na nakailing naman ang bruha.
Ramdam ni Esther ang galit ng mata at alam niyang hindi niya ito matatakasan.
Saan na ba kase nagpunta ang mahal na hari?
Kanina kase habang nasa himpapawid ang hari ay bigla nalang itong nawala na parang bula. Iniwan siya nito kaya hindi niya alam kung paano niya malalampasan ang galit ng mata sa kaniya.
Mabuti nalang atnakailing siya sa hagis ng kabilan ng kaaway. Dahil kung hindi, isa na ata siyang malamig na bangkay ngayon.
Muling inihagis ni Agata ang kaniyang kabilan sa babaeng alam niyang takot na takot na. Pahihiraoan kita gaya ng ginawa niyo sa emperora.
Muli, nakailang na naman si Esther na lalong nagpainis kay Agata.
Sa kabilang dako, nagising ang hari sa isang madilim na lugar.
"Mabuti at gising kana!" isang tinig ang bumungad sa kaniya. Si Eomisa.
"Nasaan ako?! Nasaan ang mga selestiyal?" malamig na tanong hari.
Natawa nalamang si Eomisa dahil dito.
"Ligtas ang mga selestiyal, mahal na emperor. Ngunit, ikaw? Hindi natin alam. Siyangapala, malagiyang pagdating dito sa impiyerno!" humalakhak ang babae ng malademonyo.
Ang hari na napatulala ay hindi alam ang gagawin. Hindi niya magagamit ang kaniyang kapangyarihan kapag nasa impiyerno sila. Isa ito sa patakaran ng impiyerno. Isang patakarang hindi patas para sa mga nakatira ng Nevata. Kaya minabuti niyang walang kahit sinong nilalang o diyosa ang makakatapak ng impiyerno. Pero siya, nandito na ngayon siya. Hindi alam ang gagawin at uunahin.
Ngunit alam niyang kahit anong gawin niya ay hindi na siya makakatakas dito. Isang makasariling deseisyon sa kaniya kapag iniwan niya ang kaniyang mga anak sa kamay ni Eomisa. Pero kung hindi niya sila iiwan, magiging ganon rin ang gagawin ng mga sakim na demonyo sa kaniya. Papatayin siya at kukunin ang Nevata sa kaniya at pamumunuan ng kasamaan ang mundo nila.
"Hindi maaari!" buong lakas na sigaw ng hari.
Si Eomisa na nabigla ay hindi man lang natinag sa inasta ng hari. Sa halip ay tumawa pa ito.
"Anong hindi maaari? Hmm?" malambing na saad ni Eomisa.
Samantala, nakaraming ilang na si Esther at napaoagod na siya dahil hindi pa rin siya tinitigilan ni Agata.
Anong gagawin ko?
"Arghhhh!" alam niyang kanina pa inis na inis sa kaniya ni Agata ngunit alam niya ring hindi siya nito titigilan hanggat hindi siya namamatay.
"Bakit kailangan mong ipaghiganti ang taong dahilan kung bakit hindi ngayon ikaw ang ina ng mga selestiyal?" naglakas loob na siyang nagsalita. Naramdaman niya ang pagkatulala ni Agata. Nakaraan nga naman.
"Bakit mo ipaghihiganti ang taong alam mo—"
"Tama na!" sigaw sa kaniya ni Agata. Alam niyang nagalit niya ito ng husto. Mali ang desisyon niyang magsalita pa at banggiting ang nakaraan. Ang nakaraan na ayaw ng balikan ng mata.
Hindi naramdaman ni Esther na natusok na pala siya ng matalim na kabilan ni Agata. Natumba siya at ngumiti. Kumukuha ng hangin upang magsalita sa huling pagkakataon.
"Bakit kailangan mong maging tanga-tangahan ate." pagkasaad niya'y nawalan na siya ng malay. Ngunit ang mga katagang iyon ay hindi narinig ni Agata. Tinangay ng malakas na hangin ang huling sambit ni Esther.
Ngumiti si Agata pagkatapos niyang mapatay si Esther. Tatayo na sana siya ng makaramdam siya ng kakaibang hilo, dahilan para siya ay matumba.
Abangan: Ano ang nangyari sa mga selestiyal? Mamatay kaya ang hari? Ano ang dahilan ng pagkahilo ni Agata?
Ano ang nakaraang nakakubli sa pagitan nina Agata at ang Emperor? Babagsak naba ang Nevata? Sino si Andrea?SteelInkX