Kabanata 5: Nakaraan (Ikatlong Bahagi)
Nakaraan: Napanaginipan nina Agata at ang Emperor ang Emperora at binigyan niya ng mga ito ng liwanag. Liwanag na makakatulong sa kanila upang maitakas ang mga selestiyal. Samantala, ang pamilya nina Andrea ay nakatanggap ng isang sulat. Sulat na galing sa hindi malamang nilalang ngunit nagiwan ito ng sinyales. Ito ay ang letra 'E' na nakasulat matapos ang mensahe. Sa kabilang dako, nagtagumpay sina Agata at ang Emperor sa paglabas sa bilangguan ng kadiliman ngunit hindi nila inaasahang makasalamuha nila ang akala ni Agata ay patay na. Si Esther.
******
"Hindi ito maari! Mahal na Emperor gumising ka!" sigaw ni Agata sa lalakeng nakahandusay sa kanyang mga kamay.
Dala ng galit at halo-halong emosyon walang pag-aalinlangang ginamit niya ag liwanag na binigay sa kaniya ni Elizabeth. Ngunit bago niya ito magamit, pinigilan siya ni Ramon.
" A-Agata! Mag-iingat ka! Iligtas mo ang aking mga anak at ang Nevata" at tuluyan ng nawalan ng hininga si Ramon. Ang kanyang katawan ay nagiging isang maliliit na kristal.
"Oo, aalagaan ko ang inyong anak at ipaoangako kong babawiin ko ang Nevata sa panahong nakatakda!"
Alam ni Agata na sa panahon ngayon, hindi pa niya kayang bawiin ang Nevata lalo na't mag-isa lamang siya sa paglaban. Naubos na ang lahat ng mga kawal, at bathala at tanging siya na lamang at ang mga natitirang selestiyal ang naiwan sa panig ng liwanag. Kaya wala siyang pagpipilian ngayon kundi ang ilayo sa mundo ng Nevata ang mga selestiyal. Ngunit bago yan, kailangan muna niyang mabawi ang mga ito.
Nakangising nakamasid sina Eomisa at Esther sa naghihinagpis na kalagayan ni Agata.
"Ano? Lalaban kapa? Nagiisa kanalamg Mata!" aniya Eomisa.
Nagdilim ang paningin ni Agata sa dalawang babaeng nakatayo sa kaniya. Hindi niya matatanggap ang pagkawala ng maraming angkan ng liwanag. Matagal na siyang nabubuhay at ngayon nuya lamang nasaksihan ang ganitong pangyayari na hindi niya lubos matanggap sa kaniyang isip at puso.
Gamit ang liwanag na ibinigay sskaniya ni Elizabeth, tinamaan niya ang dalawang demonyo at sa napatumba ang mga ito.
"Paaanong....." nagatataka sina Eomisa kung bakit nakakagamit ng kapangyarihan si Agata sa loob ng impiyerno.
"Hindi ko na kailangang sagutin ang katanungan na yan!" aniya at tinawag muli ni Agata ang kaniyang kabilan. Kung kanina'y hindi ito nagpakita sa kamay ni Agata. Ngayon ay nasasaksihan ng dalawang demonyo ang pagpunta ng kabilan sa kamay ng may-ari nito. Na lalong nagpakaba sa kanila.
"Sabihin niyo sakin! Nasaan ang mga selestiyal!" sigaw ni Agata sa kanila.
"Hinding-hindi namin sasabihin sayo!" sumbat naman si Eomisa at pinipilit na tumayo ng tuwid.
"Ah ganon!" pagkasaad ni Agata'y nagbago ang kaniyang anyo. Mula sa pagiging mala-ubeng damit ay naging isang siyang makislap na bituin.
Namnagha ang dalawang kampon ng kadiliman at hindi na nila naisip ang gagawin sa kanila ni Agata.
Sa kabilang dako, ang asawa ni Rigonin na si Dementia ay nagmamasid sa nangyayaeri sa tatlo. Hindi siya sang-ayon sa plano ng kadiliman upang wasakin ang liwanag ngunit ikinulong siya ni Rigonin dahil baka isumbong niya sa kalangitan ang balak ng kadiliman.
"Tignan ko ngayon kung sino ang hindi susuko sa harap ng mata!"
Samantala, nagsambit si Agata ng isang engkantasyon dahilan para mahipnotismo ang dalawang babaeng nasa harap niya. "Ngayon, sundin nuyo ang aking sasabihin. Ilabas niyo ang mga Selestiyal!" tugon nito sa dalawa.
Hindi gumalaw si Esther, ngunit si Eomisa ay mayroon siyang inilabas na bola gamit ang kanyang hawak-hawak na setro. Ang nilalaman ng bolang kristal ay ang dalawang selestiyal.
"Ngayon! Wasakain mo ang kristal, Esther!" tugon nito kay Esther.
Tumango ang babae at sinimulang wasakin ang kristal ngunit hindi ito nawasak.
"Hindi kaya ng normal na sandata upang wasakin ang kristal Agata!" sigaw ng isang babae sa isang kulungan.
Napatingin si Agata dito. "Dementia!"
"Ako nga, Agata!" si Dementia.
Pagkarinig ni Agata sa sambit ni Dementia na kataga ay agad niyang inihanda ang kanyang kabilan. Nagbabakasakaling kaya nitong wasakin ang kristal.
Sa kabilang dako, si Rigonin ay nagtungo sa Nevata upang susupin ang mga kapangyarihan ng namayapang bathala. Hindi sila gaya ng Emperor at Emperora na nagiging mga maliliit na kristal. Bagkus ay nanatili silang nakahandusay hanggat walang nakakakuha sa kanilang kapangyarihan.
"Magiging ako na ang pinakamalakas na nilalang sa buong Nevata, Hahahahaha"
Patuloy siyang sumisipsip ng mga kapangyarihan. "Gamit ang mga kapangyarihang ito, maibabalik ko ang buhay ng aking mga namayapang kawal at alagad." matigas na sambit nito.
Samantala, buong lakas na sinira ni Agata ang kristal at hindi nga nagkamali ng sinabi si Dementia, nakawala ang mga Selestiyal dito. Malakas ang kabilan ni Agata kaya walang pagdududang kaya nitong wasakin kahit ang pinakamalakas na kalasag.
Sa pagkakataon na ito, nawala na ang kontrol niya sa dalawang bruha na siya namang nagpabahala sa mga ito. Si Eomisa na mukhang nagulat ay walang magawa kundi tumulala lamang sa nangyayari. Habang si Esther ay galit na sumugod kay Agata ngunit hindi siya nagtagumpay! Hinirangan niya si Esther gamit ang kaniyang kapangyarihan at naglaho kasama ang dalawang selestiyal at si Dementia na nasa bilangguan.
Abangan: Ano ang mangyayari matapos maglaho ang apat sa impiyerno? Ano ang magiging reaksiyon ni Rigonin sa nangyari? Makakatakas ba ang apat? Sino si Dementia? Ano ang kanyang ginagampanan sa kuwento? Ano ang namamagitan kay Agata at Ramon? Mababawi pa ba ang Nevata? At saan papatungo ang apat?
GLOSSARY
Dementia: asawa ni Rigonin as mwntioned from the story. She is the goddes of time.
SteelInkX