CHAPTER TWO

1K 26 2
                                    

Denine

Nagising ako sa hamplos ng kung sino at ng imulat ko ang mga mata ko ay sumalubong sa akin ang nakangiting si papa

"Bumangon kana para maayusan kana" ani niya

Sa sinabi niyang iyon ay kumilos nalang ako dahil alam ko namang kahit anong gawin ko hindi na mababago ang desisyon niyang ituloy ang kasal na to

Sana nalang talaga hindi matanda ang papakasalan ko kahit di na gwapo wag lang talaga matanda

Kagabi habang bumabyahe kami pauwi ni Alexa pumasok sa isip ko ang mga tanong na yun

What if nga matanda na?kulubot na ang mukha?puro gold ang ngipin? Dahil kaya yun sa gold o dahil sa tar tar?

Huminga ako ng malalim dahil sa naisip bago tumayo sabay kuha sa towel at deretso sa banyo

Maliligo nalang ako kesa mamoblema
Alam ko kasing kanina pa naghihintay ang mga mag aayos sakin dahil alas 8 na dapat alas nwebe maayusan na ako dahil 10:30 ang kasal

Well hindi naman ako excited kaya hindi ako magmamadali pero baka pagalitan ako ni paa kaya naman nagmadali nalang ako

Paglabas ko ng banyo ay sumalubong sakin ang mga nag aayos nginitian ko na lamang sila isa isa

Umupo na ako sa upuan harap ng salamin nilang malaki,hindi na problema ang damit dahil sa banyo ako nagbihis

Habang nag aayos sila ay iniisip ko naman ang mangyayaring kasal

Simple lang ito at sa simbahan gaganapin,meron ding mangilan ngilan na reporter dahil kilalang tao daw ang pakakasalan ko,kilalang tao rin si papa kaya naman hindi talaga maiiwasan ang reporter siguro nasa apat lang dahil narin sa yun ang gusto ko.

Habang tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin Hindi ko maiwasang kabahan

Ito na ang huling oras ko ng pagiging malaya,mamaya may asawa na ako
Baka mamaya napasukan na ang lagusan ko,ang iningatan kong lagusan sa loob ng 24 years mapapasok ang ng asawa kong di ko naman kilala

"Ok lang po kabahan Miss Salvador,normal lang naman po yan" ani ng make up artist

Ngumiti ako rito sabay ngiti ng tipid
"First time ko po kasi" sagot ko rito

Hindi ko alam kung guni guni ko ang ba yun o hindi pero narinig ko silang impet na tumawa

Ipinagkibit balikat ko na lamang ito

"Ayan ok na po,magaganda po ang mga babae lalo na kapag araw ng kasal pero iba po ang ganda niyo,sigurado po akong maganda ang magiging lahi niyo ni Sir Cain" ani nito

Cain? Sounds familiar

Biglamg pumasok si Daddy sa kwarto ko kaya naman isa isang lumbas ang mga nag ayos sakin ngumiti pa sila sakin

"You look......wonderful" ani nito sabay halik sa pesnge ko

Ngumiti lamang ako sa kanya ng tipid

Hinawakan niya ang kamay ko sabay sabi
"I'm sorry anak iniisip ko lang ang kapakanan mo"

"Okay lang po" sagot ko sa kanya

"Ahh excuse lang po Sir Felipe kailangan na po isuot ng bride ang gown niya" ani ng isang staff kaya naman lumayo si dad sa amin humalik pa ito sa pisnge ko sabay labas ng kwarto

Tinulungan nila akong magsuot ng gown ko at pagkatapos ay tinitigan ko ang sarili ko sa salamin

Kung siguro gusto ko tong kasal na to tuwang tuwa siguro akong ikakasal na ako baka tumabling pa ako habang naka gown.

Inayosan pa nila ako ng kunti bago ako ginaya ng isang staff palabas ng kwarto.

Pagbaba ko sa sala ay nakita ko Alexang naghihintay sa akin

She's so beautiful

Niyakap ako nito sabay singhot

"What the fuck,are you crying?" Tanong ko rito

Tumawa lamang siya sabay kalas ng pagkakayakap sakin

"I am always here for you,tandaan mo  lagi yan ha" ani niya

Ngumiti ako sa kanya sabay hawak sa kamay niya

"I'm always here for you too"ani ko

"Tara na po" sabi ng staff sabay gaya sa amin papuntang labas at papunta sa sasakyan na kulay puti .

Sumakay kaming dalawa dun habang nagpalinga linga naman ako

"Nauna na si papa mo"ani ni Lexa

Ngumiti na lamang ako

Hinihiling ko na sana bumagal ang oras pero para bang hindi ako pinagbibigyan ng tadhana dahil nakarating kami agad sa simbahan
Bumeso sa akin si Alexa bago lumabas ng simbahan

Nag umpisa ng maglakad ang mga tao papasok at panghuli ako

Sa bungad ng simbahan naghihintay si paa ko kaya naman lumapit ako sa kanya at kumapit sa braso niya

"I love you" bulong niya sa akin
"I love you din po" sagot ko rito sabay halik sa pisngi niya.

Naglakad na kaming dalawa habang nakatingin ako sa sahig ng bigla niyang inangat ang mukha ko gamit ang hintuturo niya.

"Let the world see how beautiful you are" ani niya

Pumatak ang butil ng luha ko dahil sa sinabi niya

Simula nung namatay si mama ngayon ko nalang ulit naramdaman na may papa ako at kung kapalit nun ay ang pagpapakasal ko tatanggapin ko maramdaman ko lang ulit na mahal niya ako

Unti unti kong nilipat ang paningin ko sa taong makakasama ko habang buhay

At halos malaglag nalang ang panga ko sa nakikita ko

Shetttt ang gwapooooo

Hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami sa harapan kong hindi lang tumikhim si papa at sabay hawak ng kamay ko at lagay nun sa kamay ng lalaking kaharap ko

"Take care of her, please,Sam" ani ni papa

Tumango lamang ang lalaki sa kanya sabay tingin sa akin

Umiwas ako ng tingin ng makasalubong ko ang kulay tsokolate niyang mga mata

Shet ang laki ng muscle batak sa gym to

Iginiya niya ako papuntang harap ng altar

"You're blushing,why?" Bulong niya

Halos mahimatay na ako sa sobrang lalim ng boses niya

Ramdam ko pa hininga niya sa mukha ko

"Blush on lang yan" ani ko rito sabay tikhim

"Okay" ani niya

Nag umpisa na ang kasal na umabot sa isang oras ni wala kaming masabi sa wedding vows kasi hindi naman namin kilala ang isat isa puro lang

"I will love you until our hair turns gray,i will stay with you for better or for worse,i will choose you for Richer or for poorer,till death do us part"

Tapos suot ng sing sing

"You may now kiss your bride" ani ni father

Tinanggal niya ang belo ko sabay halik sa labi ko ng walang pasabi

Deymmm amoy mint na snowbear.

Our Unwanted Marriage (Cain Brother's Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon