Denine
"Sasama ako"ani ni Alexa
Pagka uwi namin ni Yamir galing sa pagga gala namin ay tsaka ko lamang sinabi kay Alexa iyon kaya hito siya at nagpupumilit sumama pauwing pilipinas
"May trabaho ka dito diba?iiwan mo nalang ba yun?"tanong ko rito
"Makakahanap din ako agad bg trabao dun basta isama mo ko Den ayoko maiwan dito mag isa"ani niya
Halos umiyak na siya kakakulit sa akin dahil ang totoo niyan gusto kong magkaroon siya ng sarili niyang buhay
Simula ng magkakilala kami ay wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang bantayan,alagaan at higit sa lahat protektahan ako
Kahit ng pumunta kami rito sa San Francisco ay sumama ito alang alang daw sa kapakanan ko
Kahit ng manganak ako kay Yamir Geo andyan parin siya kaya naman ngayong uuwi kami ng pilipinas
Gusto ko kung masaya siya dito at gusto niyang manatili dito ay gawin niya iyon
"Tumatanda ka Lex,gusto ko magkaroon ka ng sarili mong buhay-"
"Sa pilipinas ko gustong tumanda,pinoy ang gusto kong maging asawa,sa pilipinas ko gustong ilibing"putol nito sa sinasabi ko
"Sasama ako,kahit saan ka pa pumunta sasamahan kita"dagdag niya pa
Ngumiti na lamang ako sa kanya at tumango bilang pagsang ayon
"Kahit kailan hindi naman ako nanalo sayo"ani ko
Ngumiti ito bago ako niyakap.
Sa loob ng isang linggo ay wala kaming ibang ginawa kung hindi mag empake at maglinis ng bahay
At nung nasa airport na kami ay si Kai kasama ang anak nito ang naghatid sa amin
Ani kasi nito ay sa susunod na buwan pa sila uuwi ng pilipinas
Habang nasa byahe ay wala akong ibang ginawa kung hindi matulog at pakainin si Yam at bihisan na rin ito
Hindi rin naman siya malikot na bata kaya wala akong naging problema
Gabi na ng makarating ang eroplanong sinasakyan namin
Habang tinitingnan ko ang paligid Hindi ko maiwasang maalala lahat ng pinagdaanan ko rati
Sa lahat ng sakit may maganda parin na nangyari
"Finally,after five years I'm home"sigaw ni Alexa paglapag ng eroplanong sinasakyan namin
Walang magsusundo sa amin dahil hindi ko naman sinabi kay Papa na ngayon ang uwi namin
"Nakakapanibago"ani niya pa
"Mommy"ani ni Yam bago humawak sa bewang ko
Binuhat ko ito habang tinutulak ang bagahe namin gamit ang push cart
Ng nasa taxi na kami ay nakatulog ulit ito ginising ko lang siya ng nasa mansyon na kami
"Anak"iyak ni Papa habang nakayakap sa akin pagkarating namin
"Pa napipiga mo ko"ani ko sa kanya
Biglang umiyak ang anak ko kaya napatingin kami rito
"Bakit umiiyak ang apo ko?"tanong ni papa rito
"You're hurting my Mommy"ani nito bago lumapit sa akin
Tumawa kami habang ito naman ay sumisinghot singhot
"Hindi naman sinasaktan ni Lolo pogi ang Mommy mo,baby girl ko kaya yan"ani niya
Napangiti ako rito
Tumingin muna sa akin ang anak ko kaya tumango ako pagkatapos nun ay niyakap niya ang Lolo niya
"Kumain muna kayo at pagkatapos ay magpahinga alam kong pagod kayo sa byahe"ani ni papa bago hinawakan ang kamay ng anak ko
"You'll sleep with me is that okay?"ani nito sa anak ko
Tumango lamang ang anak ko
"Alexa doon kana sa guest room matulog ipinaayos ko na yun"ani ni papa sa kaibigan ko
"Thank you po Tito pogi"ani niya
Sabay kami kumain ng hapunan ani nia Papa ay aalis raw sila bukas ni Yam
Ayoko pa nung una pero kalaunan ay napapayag din ako nito
Bago ako natulog ay pinaliguan ko muna si Yam at binihisan bago ako naman ang nag ayos upang matulog
Mag aalas dos nalang ng madaling araw ay gising pa rin ako kaya naman napagdesisyonan ko nalang na maglakad lakad para antukin ako
Ang plano ko sanang hanggang bakuran lang namin ay umabot hanggang labas ng kanto namin
Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng makaramdam ako ng uhaw kaya naman naisipan kong dumaan sa isang convenience store malapit lang sa amin
Malamig ang hangin na kapag dumadampi sa katawan mo ay makakaramdam ka ng lungkot kahit wala namang dahilan
Niyakap ko ang sarili ko habang iniisip ang mga nangyari sa akin noon
Kung pagbibigyan ako ng panahon na makita at makasama ang dating ako,yayakapin ko siya ng sobrang higpit at sasbihin ko sa kanyang magiging maayos rin lahat
Pupunasan ko ang luha niya hanggang sa gumaan ang wala ng luha na maititulo ang mata niya
Yayakapin ko siya hanggang sa gumaan ang pakiramdam niya
At ipaparamdam ko sa kanya na kahit kailan hindi siya nag iisa bagay na naramdaman ko ng mga panahon na kasama ko pa ang taong nagdala ng takot sa buong pagkatao ko
Hinding hindi ko na ulit hahayaan na masaktan ako ng kahit sino ng ganun ganun lang
"Ok ka lang miss?"tanong ng isang lalaki sa akin
Hindi ko man lang namalayan na nasa harap na pala ako ng convenience store
Ngumiti ako sa kanya
"Ayos lang"ani ko bago pumasok sa loob
Kumuha ako ng tubig at noodles bago pumunta sa counter at nagbayad
Pinalagyan ko na rin ng mainit na tubig ang noodles dahil mas gusto kong dito nalang kumain
Naghanap ako ng mauupan at napagdesisyonan na sa labas nalang umupo dahil mahangin
"I recall when you said that you would never leave me
You told me more
So much more, like when the time you whispered in my ear
There was heaven in my heart
I remember when you said that you'd be here forever"Bumuntong hininga ako nagmag play ang kantang iyon sa radyo
Hindi naman ako fan ng kantang to pero simula nung nanirahan kami sa San Francisco ay palagi kong naririnig si Alexa na kinakanta ang kantang yan kaya hindi ko maiwasang sabayan hanggang sa makabisaso ko ito
"Then you left without even saying that you're leaving
I was hurt and it really won't be easy to forget yesterday
And I pray that you would stay
But then you're gone and, oh, so far away"kanta ko rinNasakalagitnaan ako ng pagkain ng may nagsalita sa likod
"D-Denine".....

BINABASA MO ANG
Our Unwanted Marriage (Cain Brother's Series 1)
Romansa(Cain Brother's series) a story of a woman and a man who has everything but can't have one thing FREEDOM.... Started:06/08/2023 Ended:07/06/2023