CHAPTER FOUR

1K 24 0
                                    

Denine

Nagising ako ng may brasong bigla nalang yumakap sa akin

Susuntukin ko pa sana ito ng maalala kong asawa ko pala katabi ko

Napangiti ako ng bigla niyang inamoy ang buhok ko pagkatapos ay balikat ko at sunod ay leeg ko

Feel ko na sana ang moment ng bumulong ito

"You smell different Babe did you change your perfume?" Tanong nito

Hindi ko alam kong anong isasagot ko sa tanong niyang iyon

"What's the problem?" Tanong ulit nito ng hindi ko siya sinagot

Bigla niyang hinawakan ang mukha paharap sa kanya sabay halik sa labi ko

Halos lumuwa na ang mata ko sa sobrang pagkabigla

Alam ko naman na hindi ito ang first kiss ko pero dahil siya itong unang nanghalik sa akin ay nakaka bigla parin

Habang hinahalikan niya ako ay nalalasahan ko rin ang alak na inom niya

So lasing siya?

"Damn,even your lips taste different" ani nito

Doon ako natauhan kaya nagkaroon ako ng lakas na itulak siya

"Matulog kana" ani ko rito

"Ohh it's you,i thought it was my Lia,damn I'm really drunk" ani nito sabay iling 

Humiga nalang ako para matulog na ulit

"What's your name again?Denine right? You know what? I wanna be mad at you because of you nasasaktan ko ang babaeng mahal ko, because of this marriage kailangan ko siyang hayaan, and now kailangan pa namin magtago para lang makapag usap kami" ani nito

Napaupo ako sa sinabi niya at ng tingnan ko siya ay ang pula na ng mata niya

He really loves her

"Hindi ko rin naman ginusto tong kasal na to, kahit kailan hindi ko magugustuhang ikasal na isang taong di ko naman mahal,ni hindi nga kita kilala...hindi..hindi ito ang bagay na tinuro sakin ng mama ko gustong ikasal sa lalaking mahal ko at sa lalaking pinapangarap kong makasama habang buhay gusto ko pang maging malaya dahil marami pa akong gustong gawin sa buhay" ani ko

Ng tingnan ko siya ay nakatingin siya sa akin kaya nagpatuloy ako

"Gusto ko pang makilala ang lalaking mamahalin ko,ang lalaking makakasama kong bumuo ng pamilya,ang lalaking magpaparamdam ng tunay na pagmamahal...gusto kong ikasal pero hindi sa ganitong paraan kaya kung galit ka sakin galit din ako pero hindi sayo kundi sa mga taong kumuha ng kalayaan ko" dagdag ko pa habang pinupunasan ang luhang di ko man lang namalayan na bumagsak na pala

"Mahal mo talaga siya noh?"tanong ko rito.

Ewan ko ba alam ko naman na yung sagot pero tinanong ko parin

"Yes i do" sagot nito sabay ngiti

Doon palang alam ko ng mahal niya talaga ang babae at wala na talagang pag asang magwork pa ang kasal na to kaya naman sinabi ko ang bagay na hindi ko inaasahang masasabi ko

"Let's act normal around each other,paabutin lang natin ng ilang buwan at pagkatapos nun pwede na tayo maghiwalay" ani ko rito sabay hawak ng kamay

"One day I'll gonna let you go and let you be happy" dagdag ko pa bago humiga ulit at natulog na.

Tatlong araw na mula ng simula nung nag usap kaming dalawa ng masinsinan kahapon lang ay umuwi na din kami galing sa honeymoon naming dalawa

Ilang araw lang dahil marami pa siyang trabahong kailangan gawin sa opisina habang ako naman ay may duty pa sa clinic na pagmamay ari ko
Hindi naman ito gaanong malaki meron akong dalawang nurse habang ako naman ang Doctor na kumakausap sa mga kleyente kong may mental health problems

Sa condo na din ako ni Samuel nakatira dahil yun ang gusto ng magulang.

Nag aayos ako ng mga gamit sa mesa ng opisina ko ng biglang pumasok si Alexa

"Kapagod" bungad nito sa akin

"Saan ka galing?" Tanong ko rito
"Trabaho" sagot nito

"Mamaya may gig tayo sa Time fun,hinahanap kana ni Pepsi" dagdag niya pa

Si pepsi ay ang may ari ng Time fun at isa ito sa mga kaibigan naming bakla

Minsan lang naman kaming kumanta doon kapag Friday dahil ito ang araw ng hindi puro pag iinom lang ang meron kundi may kantahan din

"Sino kasama?" Tanong ko rito habang nilalagay ko ang wallet at susi ng kotse ko sa bag

Alas singko na rin kasi ng hapon kaya naman naisipan ko ng umuwi

"Si Rain at kai"tukoy niya sa dalawa pang kabanda namin

Si rain ang nagdru drum habang si Kai naman kasama kang kumanta at Alexa ang nag gigitara

Maganda rin naman ang boses niya ewan ko ba at bakit ayaw niyang kumanta sabi niya ok na daw siya sa pagita gitara lang

"Uuwi muna ako para magbihis,kung gusto mo sumama kana" ani ko rito

Narinig ko pa siyang humahagikhik sa tabi pero hindi ko nalang ito pinansin dahil wala ako sa mood

Dumertso kaming dalawa sa sasakyan ko at kahit di ko pa sinasabi ay sumakay na agad siya sa passenger seat

Nagmaneho ako pauwing bahay habang siya naman ay nagmumuni muni lang.

Pagkarating namin sa condo ay nagpark lang at dumertso na sa floor namin

Pagkabukas palang ng pinto ay bumungad na sa akin ang magkakapatid ang tatlo ay nagtatawanan habang ang panganay naman ay may binabasang kung anong papel.

Umangat ng tingin nito sa akin bago napunta sa katabi ko ang tingin nito

"Why are you here?" Tanong ni Erlys sa katabi ko

"Bakit bahay mo ba to?" Sagot ni Alexa

Ito na naman sila

Napahinga nalang ako ng malalim ng magsimula na naman silang dalawang magbangayan

Dumeretso ako sa kwarto para maligo at magbihis nagsuot lang ako ng fitted na pantalon at sinuot ang tshirt na puti na may tatak ng pangalan ng banda namin

Nag suot din ako ng sneakers na puti bago ko tinali ang buhok ko ng messy bun bago naglagay lang ng unting make up at lipstick  at nagpabango narin bago lumabas

Pagkalabas ko ng kwarto ay sumalubong sa akin ang nakataas na kilay ni Samuel

"Where are you going?" Tanong nito sakin

"Pupunta kaming Time Fun may gig kami" sagot ko rito sa malamig na boses

Ewan ko ba kung bakit wala ako sa mood pero kaninang umaga pa to nagsimula nung marinig kong nag uusap na naman si Samuel at ang girlfriend niya

Hindi ako nagseselos noh, feeling ko lang niloloko niya ako

"Tara na Lex" yaya ko sa kaibigan ko bago tumalikod sa kanila

"Pangit mo" pahabol na sigaw ni Alexa kay Erlys

At sabay kami lumabas ng condo dalawa.........



Our Unwanted Marriage (Cain Brother's Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon