Denine
Nagising ako kinaumagahan na wala na ang asawa ko sa tabi ko kaya naman kahit masakit ang aking katawan ay pinilit ko parin tumayo upang hanapin ito
Nilibot ko ang room namin at nahanap ko naman ito sa balkonahe
Ni hindi ko alam na may balkonahe pala ditoLalapit na sana ako sa kanya ng marinig kong may kausap ito sa telepono
Ayoko mang maging chismosa ay wala rin akong nagawa kung hindi ang makinig dahil ayaw ako paalisin ng katawan ko
At halos bumagsak ako ng marinig ko ang mga sinabi nito sa kausap
"Yeahh,just wait babe I'll be back to you ok?let me just fix this problem that my father gave me"
"Alright,i love you too"
So nag uusap pa sila ng girlfriend niya?at hindi totoong hiwalay na sila?
Unti unti akong natauhan ng marinig ko itong tumawa habang kausap parin ang babae sa telepono
Kasabay ng panghihina ng tuhod ko ay ang pagpatak ng luha ko kaya naman unti unti akong umatras palayo sa kanila
Ngunit pagminamalas ka nga naman ay nahulog ko ang remote ng air conditioner para sa loob ng room kaya naman napalingon ang lalaki sa akin
Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para tumakbo palayo sa kanya
Pumasok ako sa kwarto at nilock ito habang isa isa ko ring ibinalot ang mga damit ko at pinasok sa maleta
Bahala na siya kung saan niya ilalagay ang mga gamit niya
Pagkatapos nun ay tinawagan ko ang numero ni papa
Naka tatlong ring pa ito bago sumagot
"Amarah,what do you need?"bungad nito sa akin
"Ahmm pa,dalawang buwan naman na kaming kasal b-baka p-pwede na naming tapusin to"ani ko rito habang pinipigilan kong umiyak
"Akala ko tapos na tayo dito Amarah,hindi ka ba talaga nag iisip?ito nalang ang magagawa mo para sa amin,sa akin hindi mo pa magawa,hindi.hindi kayo maghihiwalay"ani nito sa matigas na boses
Halos gumuho na ang mundo ko sa mga naririnig ko ngayon galing mismo sa ama ko
"Pero pa-"
"Wala ng pero,pero gagawin mo ang gusto ko sa ayaw at sa gusto mo kong hindi ay itatakwil kita"ani nito bago pinatay ang tawag
Wala akong ibang nagawa kundi ang mapaluhod nalang at umiyak
Hindi ko na nainda ang sakit na nararamdaman ko sa gitnang bahaging parte ng katawan ko dahil mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko
Gaano ba ako naging kasamang anak para iparanas niya sa akin to?akala ko magiging maayos na kami,akala ko pwede na kami,paano nila nagagawa sakin to
"You heard it, right?"tanong ni Samuel na hindi ko man lang namalayan na nakasunod na pala sa akin
"Iwan mo muna ako"ani ko rito habang naka yuko parin
"If you're asking if why me and Lia are still talking well we get back together"ani nito
Hindi ako sumagot sa kanya at nanatiling nakayuko lang
"And about the sex, it's not a big deal we're married anyway"dagdag niya pa
"Iwan mo muna ako"ani ko rito
"Pack your things because Lia is coming home"ani niya bago kinuha din ang mga damit niya
Wala akong nagawa kundi sundin ang sinabi niya
Nanatili kaming tahimik dalawa habang nagliligpit at nung natapos na ay naglakas loob akong magtanong sa kanya
"Bakit di nalang tayo maghiwalay?"suhestyon ko rito
"I want to,but do you really that our fathers will gonna let that happen?"tanong niya rin sa akin
Wala akong nagawa kundi manahinik nalang at nung natapos kaming magligpit ay siya na rin ang nagdala nun at lumabas kami ng room palabas ng resort
Habang nasa byahe pauwi ay wala akong ibang nasa isip kung hind humingi ng tulong sa mga kaibigan ko para lang mailayo ako sa lugar na ito.malayo kay papa,malayo sa mga taong kilala ako,at malayo sa kanya
"Baka nakakalimutan mong lawyer si Rain?"tanong ni Alexa sa tawag
Tinawagan ko agad ito ng makauwi kami galing sa pagbabaksyon daw na hindi naman nangyari
"Nahihiya akong lumapit sa kanya"ani ko rito
Totoong Lawyer si Rain dahil mas matanda ito sa amin ng dalawang taon at isa pa isa rin ito sa mga Batang nakapasa sa board exam ng Law
"Hay nako girl hindi ka matutulungan ng hiya hiya mo"ani pa nito
Alam kong iniirapan na ako nito ngayon kung nasan man siya
"Susubukan kong kausapin si Rain"ani ko sa kanya
"Wag mo subukan gawin mo"ani niya pa
Bumuntong hininga nalang ako bago tinapos ang tawag namin
Gusto kong matapos ang pagsasama namin ni Samuel sa lalong madaling panahon
Umasa ako eh,akala ko pwede na,akala ko kaya na,akala ko
Akala ko pareho na kami ng nararamdaman dalawa mali pala ako
Hanggang ngayon mahal niya pa ang girlfriend niyaSimula nung nakauwi kami rito sa condo niya ay hindi ko na rin ito nakita pa
Alas dose ng tanghali palang ay umalis na ito ngayong mag aalas nuwebe na ay hindi parin ito umuuwi kaya naman naisipan ko nalang matulog at hindi na siya hintayin pa
Nasa kalagitnaan ako ng tulog ng may marinig akong nagtatawanan sa kwarto ni Samuel magkatabi lang kasi ang kwarto namin kaya unting ingay lang ay maririnig mo talaga
Kahit kasi kasal na kami ay sa kabilang kwarto parin ako natutulog
Dinalaw naman ako ng aking curyosidad kaya tumayo ako mula sa pagkakahiga at dahan dahang lumabas ng kwarto
Todo ingat akong makagawa ng ingay kaya naman nakarating ako sa kwarto niya ng tahimik
Sakto namang bukas ng kaunti ang pinto kaya naman sumilip ako
At halos manlaki ang mata ko ng makita ko siyang may kasamang babae at ginagawa ang bagay na yun
Tumatawa ang babae dahil kinikiliti niya ito gamit ang hininga niya
Kaya naman bago pa ako mahandusay sa iyak ay tumakbo ako pabalik ng kwarto
Hindi na baling makagawa ako ng ingay makaalis lang ako sa lugar na to
Nag empake ako ng mga ilang damit na kakailanganin ko bago lumabas ng kwarto at tumakbo papuntang pinto
Bubuksan ko na sana ito ng may magsalita sa likod ko
"Where the hell are you going?"
![](https://img.wattpad.com/cover/343590620-288-k308884.jpg)
BINABASA MO ANG
Our Unwanted Marriage (Cain Brother's Series 1)
Storie d'amore(Cain Brother's series) a story of a woman and a man who has everything but can't have one thing FREEDOM.... Started:06/08/2023 Ended:07/06/2023