Third Person POV
Kinabukasan;
*Lakad dito* *Lakad doon*
Pabalik-balik, nakakahilo.
"Ano ba!? maupo ka nga Nemi nahihilo na ako sayo tsk" saad ng kaibigan ni Nemi na si Tamara Frowem. Naupo naman si Nemi ng padabog.
"Ano bang problema mo at kailangan mo pang magpalakad-lakad na akala mo naman makakatulong lutasin ang problema mo-.-" iritang saad ni Tamara. Napanguso si Nemi at humarap sa kanyang kaibigan.
"Tamsy, T_T nakasalubong ko si Ryker kahapon"
"Oh! Anong problema doon? Diba dapat masaya ka?"
"Oo nga dapat masaya ako pero kasi, T_T sinabihan ko syang mukha syang snatcher uwahh paano ko sya haharapin ngayun? Nakakahiya"
"Tsk! Ok lang yan magandang simula yan HAHAHAHA"
"Ang ganda ng sinabi mo grabe ang galing, nakatulong Ha. Ha. -.-"
"No problem!"
Napabuntong hininga na lang si Nemi sa pinagsasasabi ng kanyang kaibigan. Kahit kailan talaga napakawalang kwentang kausap. Napabuntong hiningang muli si Nemi at nilabas ang kanyang phone. Pagkabukas ay agad nyang hinanap ang Instagram app at kanya itong binuksan. Pinindot nya ang search bar at tinaype ang pangalan ng kanyang ex-boyfriend na si Ryker Asthron. Nang mahagip ng kanyang mata ang account ni Ryker ay agad nya itong pinindot.
Kahit walang makita maliban sa kanyang profile picture ay pilit nya itong iniiscroll. Muli syang napabuntong hininga at hinaplos-haplos ang mukha ng kanyang ex sa larawan nito sa instagram.
"Ichat mo na kasi, ang bagal bagal!" Saad ng kanyang kaibigan at hinablot ang cellphone ni Nemi na syang ikinagulat nya.
"Ano ba Tamara, kung ano man yang binabalak mo ay wag mo ng ituloy."
"At bakit naman? Saka paano ka nakakasigurong may binabalak ako? " Nakataas kilay na saad ni Tamara.
"Tsk! Halata naman sa mukha mo na palagi kang may binabalak na hindi maganda-.-"
"Grabe ka naman sakin, minsan lang naman kapag trip ko no-.- tsk"
"Anong minsan? Palagi nga akong napapahamak dahil sa mga kalokohan mo"
Napatawa si Tamara sa pag-irap ng kanyang kaibigan.
"Sorry na, ito naman sige na babawi na lang ako sayo" saad ni Tamara habang nakangisi at halatang-halatang may binabalak na masama.
"Tamara wag pls T_T" pakiusap ni Nemi sa kanyang kaibigan pero hindi ito pinansin. Nag-umpisang kalikutin ni Tamara ang phone ni Nemi at maya maya lang nakarinig sila ng isang tunog mula sa cellphone ni Nemi. Senyales na may natanggap itong notification. Napatalon naman si Tamara at halatang tuwang-tuwa dahil gumagana ang mga kalokohan niya. Agad niyang hinarap ang cellphone kay Nemi at bumungad sa kanya ang pangalan ni Ryker. Ang pag-accept ni Ryker ng kanyang follow request sa instagram.
Napasapo na lamang sa noo si Nemi sa kalokohan ng kanyang kaibigan. Hahablutin na sana nya ang kanyang cellphone ngunit mabilis na kumilos ang kanyang kaibigan at agad na nailayo ito sa kanya.
"Opps maya kaunti, kausapin muna natin baka kasi hindi mo rin magawa yun eh. Sayang naman effort ko no" saad ni Tamara saka humalakhak.
Hinayaan nya na lang ito dahil wala naman syang magagawa para pigilan ang kaibigan. Wala na syang choice kundi saluhin ang kalalabasan ng kalokohang ginawa ng kaibigan. Yun lang naman ang role nya eh. Muling tumunog ang cellphone ni Nemi na hawak ni Tamara at muli na namang nagtatatalon sa tuwa ang kaibigan niya. Nanghihina na napaupo na lamang si Nemi habang pinapanood ang kaibigan.