Nemi's Pov
Inabot ata ako ng mahigit isang oras sa paghahanda. Lakas kasi ng amats ng lalaking to-.- Hindi agad nagsabi ed sana kanina pa kami nakaalis.
Nakasimangot ako habang naglalakad palapit kay Ryker. Samantalang ang siraulo abot tenga ang ngiti na parang nang-aasar. Teka hindi parang, nang-aasar talaga ang siraulo. Masaya naman ako na makakadate ko sya pero kasi..argh basta nakakagigil lang talaga sya ngayun.
"Ang ganda mo na sana kaso nakasimangot ka. Bakit hindi ka ba masaya na makakasama mo ako ngayun?" Saad nya
"Oo na hindi"
"Anong klaseng sagot yan?"
"Kapag hindi sigurado?"
"Alam ko-.-"
"Alam mo naman pala eh bat ka pa nagtanong"
"Masama ba? Bakit ang sungit mo ngayun, hindi ka ba naaawa sakin? Pinaghintay mo ako ng matagal sa initan tapos ngayun sinusungitan mo"
"Eh bakit naman kasi hindi ka agad nagsabi, may pa surprise-surprise ka pa tapos ngayun magrereklamo ka. Aba kasalanan mo na yan"
"Oo na kasalanan ko na sorry na"
"Oo kasalanan mo talaga, tama yan tara na at baka sumapit na ang hapon tapos nandito lang tayo nag-aaway"
"Aye aye ma'am" saad nya sabay salute. Napatawa naman ako sa inakto nya. Tumayo sya at inalalayan ako, ang sweet kaso wala naman akong pilay bat ako inaalalayan?-.- Paglabas namin ng bahay agad kong hinanap kung anong dala nyang sasakyan kaso napasimangot ako ng walang makita. Agad ko siyang hinarap at tinanong.
"Saan mo ba ako dadalhin at anong sasakyang dala mo?"
"Wala"
"Anong wala? Anong sasakyan natin?"
"Maglalakad para naman maenjoy natin mga oras na magkasama tayo" nakangiti niyang saad with matching taas taas pa ng kilay-.- okk!?
"Hoy eng heret mo naman" saad ko with matching pabebe pa sabay irap. Naging seryoso ang mukha ko saka ko sya hinampas sa braso.
"Ang init-init tas balak mo maglakad?" Nakabusangot na saad ko. He laughed and suddenly para akong naestatwa. What the heck! Bakit ang gwapo nya sa paningin ko. I can't stop staring at him. Pakiramdam ko, isang gayuma ang kanyang pagtawa. I feel my heart beating so fast and i can also hear ilt. I suddenly snap out when i notice that his staring at me with his serious face. Napatikhim ako sabay irap.
"Saan ba tayo pupunta, malayo ba?"
"Hindi naman, sa park lang" seryoso na ang kanyang boses. Nag-umpisa na syang maglakad kaya't sinabayan ko sya. Tahimik lang kami at walang nagsasalita hanggang makarating kami sa park. Hindi ko alam kung bakit parang bigla syang naging seryoso. Pero hayaan na lang. Naglibot-libot lang kami, walang nagsasalita. Did i ruined our date? Napabuntong hininga akoat pasimpleng sumulyap sa kanya. Diretso lang ang kanyang tingin at seryoso ang kanyang mukha.
Did i make him mad? Should i say sorry? Nagiging awkward na kasi, kapag hindi pa sya magsalita baka mapunta sa wala ang lakad naming to. Bahala na. Napabuntong hininga ako saka ko hinawakan ang kanyang braso upang pigilan sya sa paglakad. Agad naman syang napalingon sakin ng nagtataka.
"What's wrong?"
"Ahh..k-kasi...im sorry" saad ko sabay yuko. Medyo guilty ako kasi feeling ko nawala sya sa mood because of me. Inaway-away ko ba naman-.-
"It's fine don't say sorry" he said then tap my head. Agad na napaangat ang aking ulo at kita ko sa kanyang mukha ang isang ngiti, isang ngiti na naging dahilan para mapangiti din ako.