Chapter 21

11 2 0
                                    

App : Messenger

June 16 | 10:55 PM

Neminamahalpaangex
Tams, gising ka pa ba?

Tamarangnapakaingay
Nemi!!
Hey, are you okay?
Anong nangyari, may problema ka ba? Tell me everything Nemi, I will listen.

Neminamahalpaangex
I'm sorry

Tamarangnapakaingay
Sorry for what?

Neminamahalpaangex
Sa biglaan kong pag-iwas. Pasensya na din kung pinag-alala kita.

Tamarangnapakaingay
Aww, it's fine, as long as okay ka na

Neminamahalpaangex
Sorry talaga, ang immature ko. I know na you're always here for me and you're willing to listen to every problem I have. I'm really sorry.

Tamarangnapakaingay
Shh, I told you it's fine. Walang kang dapat ihingi ng tawad. I understand you so don't feel guilty at all. As long as you're okay, I'm also okay. But care to share what happened?

Neminamahalpaangex
Thank you so much Tamara, kaya love kita eh.
Hmm alam mo naman na bumaba yung grades ko, and when my parents saw it, they were disappointed. They think someone influenced me para magpabaya sa pag-aaral. They said every hurtful word to me as if I was their biggest enemy. My mother even slapped me when I tried to explain everything. Sabi nila, nagrarason lang daw ako sa pagiging pabaya ko.

Tamarangnapakaingay
Hindi ko inaakalang ganyan pala ka strict ang parents mo. I'm sorry I didn't even notice or kahit mapansin man lang na you're suffering because of the pressure that your parents put on you.

Neminamahalpaangex
It's fine, it's not your fault

Tamarangnapakaingay
Hindi mo rin kasalanan na bumaba yung grade mo. You're just a student, a human. You did everything you can, you put all your effort in everything. They should be proud of you not disappointed. Because you did your best even though you're struggling.

Neminamahalpaangex
Thank you tams, okay na ako, basta alam ko na, nandyan lang kayo para sa akin.

Tamarangnapakaingay
Of course I will always be here for you Nemi.

Neminamahalpaangex
So, let's have a date tomorrow?

Tamarangnapakaingay
Sure, libre mo ba?

Neminamahalpaangex
No, HAHAHAHA it's KKB

Tamarangnapakaingay
Arghhh ang damot mo minsan lang naman eh, saka pambawi mo man lang yan sa akin

Neminamahalpaangex
still no, wala akong pera, hindi ako binigyan ng allowance HAHAHA alam mo na kung bakit

Tamarangnapakaingay
Hays, okay fine pero next time ha, ilibre mo ako naku ka madami ka ng utang sa akin

Neminamahalpaangex
Sure bff, kahit saan mo pa gusto HAHAHA basta mura

Tamarangnapakaingay
Okay, no problem with me.
Nemi, I have a lot of questions na gustong itanong sayo. Okay lang ba?

Neminamahalpaangex
Sure, sasagutin ko yan lahat kahit puro kalokohan pa yan

Tamarangnapakaingay
Huy grabe ka naman sakin, hindi naman puro kalokohan lang ang alam ko ah

Neminamahalpaangex
asus, walang maniniwala sa iyo tams

Tamarangnapakaingay
ikaw lang maman ang hindi naniniwala eh che!

Neminamahalpaangex
sus sorry na bestfriend^^

Tamarangnapakaingay
Ano na ang nararamdaman mo kay Ryker ngayun?

Neminamahalpaangex
Ganun parin, tulad parin ng dati. Mahal ko pa rin siya. Pero sa tingin ko mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya ngayun.

Tamarangnapakaingay
Paano kung niloloko ka lang pala niya?

Neminamahalpaangex
What do you mean? I mean paanong panloloko?

Tamarangnapakaingay
What if, may gusto na siyang iba? What if may girlfriend na siya tapos pinaglalaruan ka lang niya?

Neminamahalpaangex
Malabong naman atang mangyari iyon, saka wala siyang dahilan para lokohin ako.

Tamarangnapakaingay
Hindi mo sigurado, sa tagal niyo nang hiwalay at ni isa wala kang balita sa kanya noong mga buwan na hiwalay na kayo, malay mo nahulog siya sa iba, nagkagusto siya sa iba at minahal niya na ito.

Neminamahalpaangex
Oo nga't wala akong balita sa kanya pero hindi ko maintindihan kung bakit sa tingin mo ay pinaglalaruan niya ako. Kung talagang may mahal na siyang iba ay hindi na siya lalapit pang muli sa akin.

Tamarangnapakaingay
Yun na nga eh, nemi hindi ka ba nagtataka? sa tinagal-tagal niyo ng hiwalay, bakit ngayun lamang siya nagparamdam sayo?

Neminamahalpaangex
Ano bang nais mong iparating tams? parang noong una ay botong boto ka sa kanya. Bakit ngayun ay pinagtutulukan mo na pinaglalaruan niya lang ako?

Tamarangnapakaingay
Concern lang ako sayo nemi, ayaw kong masaktan ka. Lalo na ngayon na lumalalim lalo ang nararamdaman mo para sa kanya. Tandaan mo, unang-una pa lang ikaw na ang talo sa laro niyo. Kaya't huwag mong hayaan pa na mas lalong lumalim ang pagtingin mo sa kanya.

Neminamahalpaangex
Okay lang ako tams, wala kang dapat ipag-alala dahil sa tingin ko ay hindi niya kayang gawin yang mga sinasabi mo

Tamarangnapakaingay
Nemi, what if iwasan mo na lang siya?

Neminamahalpaangex
Alam mong hindi ko kaya

Tamarangnapakaingay
Nemi, pigilan mo yang nararamdaman mo, ayaw kong masaktan ka

Neminamahalpaangex
Hindi ako masasaktan tams, kita mo naman kung gaano ako kasaya nang muli siyang bumalik

Tamarangnapakaingay
Pero what if,may bago na talaga siya at bumalik siya dahil may masama siyang balak sayo? What if saktan ka niya dahil sa nangyari sa inyo?

Neminamahalpaangex
Tamara! Okay ka lang ba? anong nangyayari sa iyo? Bakit sinisiraan mo si Ryker sa akin? Anong motibo mo?

Tamarangnapakaingay
Nemi naman, concern lang ako sayo, wala akong nais iparating ni masamang motibo. Ayaw ko lang masaktan ka. Ayaw ko lang na magpakatanga ka ulit kung wala ka na din namang pag-asa. Ayaw ko lang din na ex mo din lang ang dahilan kung bakit ka lalapit sakin ng umiiyak.

Neminamahalpaangex
Hindi yan mangyayari, tams. Don't worry too much, okay lang ako. Salamat sa concern

Tamarangnapakaingay
Hindi mo sigurado

Neminamahalpaangex
Stop it Tamara. I will be okay

Tamarangnapakaingay
Okay, I'll trust you, pero tandaan mo lahat ng sinabi ko sayo, okay?

Neminamahalpaangex
Opo, I will. Tulog na tayo goodnight tamsy^^

Tamarangnapakaingay
Goodnight nemi


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stuck On YouWhere stories live. Discover now