Chapter 1

52 6 5
                                    

Nemi's Pov

6 months had been passed since we broke up. But i still love him. Walang araw na hindi sya pumasok sa isipan ko. Walang araw na hindi sya ang bukang bibig ko. Walang araw na hindi ko maiwasang balik balikan ang nakaraan. Mahal ko parin sya. But i don't know if he still love me too. But i hope he does. We broke up because of a simple misunderstanding at dahil na rin nawalan kami ng time sa isa't isa. I still love him pero nakipaghiwalay pa din ako sa kanya kasi nung mga oras na yun ang dami kong ginagawa sa school at nawawalan na ako ng oras sa kanya. Ganun din naman sya. Napag-usapan namin ang break up and we both agreed to it. Walang nagloko at walang na fell out of love pero tinapos namin, kailangan naming tapusin.

Hays miss ko na sya, 6 months na rin ang nakalipas, malapit na kaming grumaduate at 6 months na rin kaming walang communication at updates sa isa't isa. He deactivate his facebook account at wala akong lakas ng loob na ichat sya. He even unfollowed me in his instagram account. Nakaprivate kasi account nya kaya di ko ma-stalk. Tsk. Kumusta na kaya sya? May bago na kaya sya? Masaya kaya sya sa buhay nya? Miss nya din ba ako? Iniisip nya rin ba ako katulad ko? Hmm siguro hindi hayss.

Napabuntong hiningang muli ako saka dinampot ang cellphone kong nasa table at kinuha ko naman ang sling bag ko sa kabilang upuan saka tumayo. Nasa labas kasi ako ng 7-Eleven tumatambay baka sakaling makasalubong ko sya.

Nag-umpisa na akong maglakad dahil tutungo pa ako sa sakayan. Uuwi na ako at kailangan ko pang tapusin ang mga sandamakmak na gawain ko sa school. HAHAHA pero nagawang tumambay sa 7-eleven tsk. Whatever.

Pasimple lang akong naglalakad ng biglang....

"Aba'y tarantado! SNATCHER! ! " sigaw ko. Bigla ba naman kasing may humablot sa cellphone ko na nasa kamay ko. Nakalimutan ko kasing ilagay sa sling bag ko eh marami pa namang mga snatcher tsk.

Walang paligoy ligoy na hinubad ko ang suot kong heels at tumakbo ng pagkabilis-bilis.

HUHUHU MAMANG SNATCHER HABLUTIN MO NANG LAHAT WAG LANG ANG CELLPHONE KO! ANDYAN CONVO NAMIN NG EX KO! HUHU

Habang tumatakbo wala akong tigil sa kakasigaw ng 'SNATCHER' baka kasi sakaling may tumulong diba. Pero ang mga depungal na mga taong nakakalat sa paligid tinitignan lang kami ni mamang snatcher na naghahabulan. Ano akala nila samin batang naghahabulan sa tabi-tabi? Pusang gala naman bakit kasi sa lahat lahat ng mahahablutan ako pa.

"MAMANG SNATCHER PWEDE BANG IBALIK MO NA ANG CELLPHONE KO, BIGYAN NA LANG KITANG ISANG DAAN IBALIK MO LANG CELLPHONE KO. PAKIUSAP MAMANG SNATCHER" sigaw ko baka kasi sakaling mapakiusapan eh.  Pero aba ang tarantado parang walang narinig patuloy lang sa pagtakbo at di man lang nagreact. Tigas naman ng puso mo mamang snatcher.

Patuloy lang kami sa paghahabulan sa gilid ng kalsada. Hawi dito, hawi doon. Liko dito, liko doon. Takteng yan ayaw paawat ni mamang snatcher di man lang mapagod sa kakatakbo. Samantalang ako malapit ng bumigay. Wala kasi akong tigil sa kakasigaw kay mamang snatcher malay nyo diba mapakiusapan.

Gusto kong bawiin yung cellphone ko pero pakiramdam ko hindi ko na magagawa dahil bumibigay na ang mga paa ko. Pagod na kakatakbo tapos wala pang saplot. Takte naman yan goodbye na lang ba sa mga school works ko na nakalagay doon? Goodbye na ba mga jeje pics ko? Goodbye na ba sa convo namin ng ex ko? Goodbye na ba sa nakasave na pictures ng ex ko? Huhu hindi ko kaya pero hindi na din kaya ng paa ko. Huhuhu paalam cellphone ko.

Napatigil ako sa pagtakbo at napaupo sa gilid ng kalsada habang hinahabol ang hininga. Habang si mamang snatcher naman ay patuloy lang sa pagtakbo. Tigas naman nun di man lang mapagod huhu. Sa huling pagkakataon isinigaw ko ang salitang 'Mamang Snatcher' bago ito lumiko sa isang kanto pero maya't maya rin lang ay bigla itong bumagsak sa gilid ng kalsada at namimilipit sa sakit. Agad naman akong nabuhayan at bumalik lahat ng lakas ko sa katawan.

Agad akong napatayo at napatakbo papunta sa taong humablot ng cellphone ko. Habang tumatakbo isang lalaking nakasuot ng black cap ang biglang lumitaw at kinuha ang cellphone kong nasa kamay ng snatcher. Ano yan another snatcher? Takte naman. Binilisan ko ang pagtakbo ng dahil sa naiisip kong iyon hanggang sa makarating ako sa kanilang kinaroroonan at agad at walang pagaalinlangang hinablot ko ang cellphone kong hawak hawak ng estranghero. Snatcher na din tsk tsk.

"Hoy hoy hoy ikaw ha wag ka ng magbalak pa, wala na akong lakas para makipaghabulan din sayo" saad ko habang nakatingin ng masama sa lalaking naka black cap.

"Grabe ka naman miss tinulungan ka na nga, ikaw pa galit" saad ng estranghero. Agad naman akong naguilty. Pero kahit na mukha kasi syang snatcher eh. Jk.

"Ganun ba? Pasensya na mukha ka kasing snatcher eh" walang pag-aalinlangan kong saad. Napatawa naman ng malakas ang lalaki at umiling-iling. Tinanggal nito ang suot nyang cap at napanganga na lang ako ng makilala kung sino ito.

"Wala ka paring pinagbago. Btw your welcome" saad nito saka ako kinindatan. Pagkatapos nun ay naiiling-iling itong tumalikod at naglakad palayo. Ako, ito nakatunganga.

O MY F*CKING HOLY SH*T! TOTOO BA ITO? HINDI BA AKO NANAGINIP! THE MAN WHO GET MY PHONE BACK IS NONE OTHER THAN RYKER ASTHRON MY EX-BOYFRIEND!

Stuck On YouWhere stories live. Discover now