Chapter 20

12 4 0
                                    

Ryker's POV

Nasa tapat na ako ng school na pinapasukan ni Nemi. I invited her na gumala so that I can make her talk about her problem. Kahit ayaw niyang sabihin, wala siyang magagawa dahil I will make sure na matatapos ang araw na ito na magsasabi siya sa akin ng problema niya. Para naman kahit papaano mabawasan yung bigat na nararamdaman niya. Alam ko naman kasing nagpapanggap lang siya na okay ang lahat kasi gusto niyang maging malakas sa harap ko kahit ang totoo ay mabigat na pala yung dinadala niyang problema. So after this, I will make sure that I'll see her genuine smile again.

"Hey, kanina ka pa ba nandyan?" saad ng isang boses. Agad naman akong napalingon sa nagsalita at bumungad sa akin ang isang...woah wait!? She's just wearing her uniform but the f*ck, she's so damn pretty. Napangisi naman ako sa naisip ko. HAHA of course she's pretty, she's Nemi after all.

"Ang ganda mo," I suddenly said. Bigla namang namula si Nemi at parang naestatwa sa kanyang kinatatayuan. Napatawa naman ako sa naging reaksyon niya.

"As if you don't hear this all the time," I added with a smirk.

"Hindi naman talaga."

"I don't believe you. With your beauty, you must get compliments all the time."

"Asus, tigil-tigilan mo nga ako bolero!" saad nito sabay hampas. Mapanakit. -_-

"Let's go para maabutan pa natin bukas ang pupuntahan natin," I said, taking her hand. I saw from the corner of my eye how she reacted when I held her hand. She looked shocked and confused.

I laughed at how cute her reaction was.

"Don't act like you never held my hand," saad ko na may ibang nais iparating. Inirapan naman ako nito.

"Holding hands while walking kung yan ang gusto mo, aba hindi ako papatalo," saad nito saka ako tinitigan ng matalim. Nag-umpisa na kaming maglakad. Hindi ko alam kung saan ko siya dadalhin this time. I tried my best to search for a place na magandang puntahan so that she can relax her mind but I failed. We walked and walked until a coffee shop caught my eye. Agad ko naman siyang dinala dito.

The cafe is an outdoor theme which is really good lalo na sa gabi since bagay na bagay ang vibes ng coffee, lights, and the dark surroundings. I think it was the best choice na dinala ko siya dito kahit hindi planado. Nang makalapit sa coffee shop ay nagtungo kami sa counter para mag-order and after that nagtungo kami sa pinakalikod na parte ng cafe. It was the best spot para makapag-usap kami. Malayo sa mga tao, though wala pang gaanong customer, and maganda ang view sa labas sa parteng ito. Tahimik lang kaming naghintay sa aming order at maya-maya rin ay dumating na nga ito. We ordered 2 lattes, a cheesecake, and mini cakes.

"What do you think? Maganda ba dito?" I asked her. Nilibot niya naman ang tingin niya at masusing sinuri ang buong cafe.

"Yes, I like it here. Nakakakalma ang view at ang vibes," she genuinely said.

"I'm happy to know that you like it here," I said with a smile on my lips. Nagsimula na naming galawin ang aming pagkain pero syempre hindi mawawala ang aking pakay sa lakad na ito.

"Are you okay?" I suddenly asked that made her confused.

"Oo naman, bat mo naman natanong?" She answered.

"Alam mo na alam kong hindi. I want you to tell me the reason kung bakit hindi mo ako pinansin kahapon and you seem bothered na para bang may malaki kang problemang kinakaharap." She looked at me with a serious face then suddenly she put on a small and fake smile saka siya yumuko.

"I also asked Tamara about this and she said that hindi ka niya raw makausap ng maayos tapos iniiwasan mo daw siya," dugtong ko pa ngunit nanatili lamang siya sa kanyang posisyon. Walang imik at walang reaksiyon sa mga sinabi ko. Napabuntong-hininga ako ng mahina. Mukhang mahihirapan akong kausapin siya.

Stuck On YouWhere stories live. Discover now