PROLOGUE

3 0 0
                                    

I always believe that love is destiny. If you are meant to love someone, it will come in the right time, in unexpected situation or place.

And there is always a particular place that will keep you  from loving that person.

In short, Rendezvous (tagpuan)

Sa araw-araw na buhay ko bilang estudyante, kailangan ko palaging makipag-bunuan sa bus. Siksikan, ubusan ng upuan, init , usok ng sasakyan at kung sinuswerte ka pa ang napakabangong kili-kili ng katabi mo.

At kapag nakarating ka na sa destinasyon mo. Magmumukha ka pang dumaan sa bagyo.

Mahirap maging  anak sa labas.

Ito ang natutunan ko bilang isang estudyante na mayroong pangarap. Lahat ng galaw ko may nakabantay, limitado lahat. Para akong preso sa sarili kong mundo. Hanggang kailan ako makakaranas ng ganito. 

But as a believer, I always look on the positive side of my life. I never showed anyone that I am hurt, as long as I can endure the pain, my life will go on. 

Sa Bus Stop  ako madalas mag-abang ng masasakyan, isang waiting shed malapit sa  subdivision na tinutuluyan ko.

Iilan-ilan lamang ang nag-aabang sa waiting shed na ito. Parang ako nga lang yata ang nagco-commute na estudyante sa lugar namin. Karamihan kasi ay puro mayayaman na may kanya-kanyang sasakyan na naghahatid sa kanila.

At sa kamalas-malasan nga  namang pagkakataon. Hindi ako agad nakasakay sa bus dahil may isang kotse na nakaharang sa bus stop.

"Nakaka-bwusit naman, hindi ba alam ng sasakyan na ito na  bawal ang mag-park sa harap ng isang bus stop." Bulong ko. Napakamot na lang ako sa ulo at sabay padyak.

-Nakakainis!! Nalampasan tuloy ako.-

May nakalagay na ngang signage na loading and unloading. Ang gara ng sasakyan hindi naman marunong sumunod sa signage.

Sinamaan ko ng tingin ang sasakyan. At kulang na lamang ay butasan ko ang gulong nito. Kaasar.

Umupo ako sa pinakagilid ng shed at yumuko habang tinitingnan ang converse kong sapatos.

Hindi ko na rin pinansin ang pag-alis ng kotse, masyado na akong naging abala sa pagtitig sa sapatos ko. Nakaramdam ako ng bigat sa  puso ko.

May kakampi ba talaga ako?

May nagmamahal ba sa akin?

Habang abala ako sa pag-eemote at nakayuko ay may naramdaman akong  tumabi  sa shed.

-Himala at may nag-aabang rin ng bus na katulad ko.-

Akala ko ako lang ang commuter sa lugar na ito.

Hindi na ako nagabalang balingan ng tingin ang katabi ko. Masyado kasi akong naging okupado ng mga iniisip ko at tsaka baka kung ano pa ang isipin niya kung lilingunin ko pa. Masasayang lang segundo ng buhay ko.

-Flashback-

"Reese, walang driver na maghahatid sayo, kaya magcommute ka na lang." Saad ni Tita.

Ang stepmom ko.

Anak ako sa labas kaya naman napaka-cold ng pakikitungo  niya sa akin. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil araw-araw niyang nakikita ang bunga ng pagkakamali ng kanyang asawa.

Pero ako? Ano naman ang kasalan ko sa kanila? Siguro para kay Tita ako ang pinaka-malaking kasalanan . Ang mabuhay ako sa mundong ito.

"P-po?" -ako

"At huwag ka ng umasang may maghahatid sayo. Aba! Ano ka sinuswerte? Bastarda ka" Taas kilay nitong sabi sa akin.

Ako naman ay hindi ko pinahalatang nasasaktan ako.

Binigyan ko siya ng napaka-tamis na ngiti para maibsan ang sakit na nararamdamam ko.

"Wala pong problema Tita. Masasanay rin naman po ako, tsaka mas masaya rin po ang mag-commute."

"Good for you then." Sabay talikod niya sa  akin.

Kapag wala si Dad sa bahay, wala akong kakampi. Tanging siya lang ang meron ako ngayon. 

Pakiramdam ko nasa impyerno ako kapag wala siya. Pero wala rin naman akong magagawa dahil wala na akong ibang mapupuntahan.  I never heard any news about my mom, at sa totoo lang wala rin akong maalalang memories na kasama siya. Even a picture of her wala ako, sa tuwing mababanggit ko kasi siya kay Dad pilit niyang iniiba ang usapan. Minsan naiisip ko minahal niya kaya ang nanay ko?

-End of Flashback-

Nagising lang ako sa katotohanan ng may humintong bus at bumusina ito.

Agad akong tumayo at sasakay na sa bus.  Aakyat na sana ako ng magkasabay kami  ng pag-akyat ng isa  pang pasahero. Kaya naman napahinto ako.  Sa  sapatos niya ako nakatingin at nagsusumigaw ito ng karangyaan.

Bakit pa siya magba-bus?  Ahh.. baka pa-rich  kid lang ito. Imitation lang siguro ang sapatos niya.

"Lady's first" Ang baritoning boses ng lalaki.

Napatingin ako sa kanya at hindi na ako makagalaw dahil napatulala na ako sa lalaki.

Parang anghel ang kanyang mukha sa sobrang kagwapuhan.

Mabuti na lamang at napigilan ko ang pag-nganga ng labi ko.

Baka mapahiya pa ako.

Mabuti na lamang at magaling akong pagtakpan ang tunay kong nararamdaman. At maikokonsidera ko itong special ability ko.

Oh my Gosh parang nalalaglag yata ang panty ko.

Napakatangos ng kanyang ilong at ang labi nitong maninipis ay mapupula. Pakiramdam ko hindi siya tao. Dahil napaka-perpekto ng features niya.

"Uuyy..  Ineng Sasakay ka ba o hindi? Tanghali na oh.." sabi ni manong driver.

-Panira naman ng moment si Kuya ..Kaasar!-

Nang maka-akyat na ako ay ramdam ko ang pagsunod ng lalaki.

Mabuti na lamang at may isa pang bakanteng upuan.

Ang lalaki naman ay nakatayo sa bandang harapan dahil wala na ring bakante.

Kung ganito naman ang araw-araw na makikita ko. Papangarapin ko ng maging konduktor para kasama siya sa bawat byahe ng buhay ko.

-Umayos ka  nga Reese, Landi agad? -

No to Plagiarism ⚠️

Don't forget to vote comment and follow for new updates

Thank you !

Take Care Friend 🙂

Bus Stop Romance (Ongoing)Where stories live. Discover now