Chapter 1:

0 0 0
                                    




"Reese Amelie Torres"

Habang tumatakbo ako papasok ng room ay dinig ko ang pagsigaw ng Instructor mula sa classroom.

-Malapit ka na Reese. Hindi ka pwedeng absent. First day of class pa naman.-

"Ree--"

"Ma'aaaammmm! Ma' am .. pre-present po!" Sigaw ko habang naka-hawak sa hamba ng pintuan at hinihingal.

"First day of class late na late Ms. Torres?, Ano 'to walang pagbabago? Alalahanin mo third year ka na."

Si ma'am Caporno, ang kilalang pinaka-striktong instructor sa BMU (Briliant Mind University). Ang lahat ay natatakot sa kanya kapag nasa harap na ng klase. At kapag sinuot na niya ang kanyang salamin, kakabahan talaga ang lahat dahil sign ito na magpapa-quiz na siya.

Napaka-magical pa ng salamin niya, masahol pa sa CCTV sa talas ng mata , walang nakakatakas na magcheat o kaya lumingon sa katabi.

"P-pasensya na po ma'am, nagtatae po kasi yung driver namin kaya nagcommute po ako.." Pagdadahilan ko.

Napayuko naman ang ibang classmates ko at natatawa.

"Ahhh.. Last sem. ang dahilan mo nilipat ang bus stop kaya late ka. Ehh sa susunod na semester ano naman ang idadahilan mo? Huh?"

Napakamot naman ako.

"P-pasensya na po ma'am hindi na po mauulit." Napayukong sagot ko.

"Hindi na talaga. Dahil kung mauulit pa, late rin pag-graduate mo. You may take your seat."

"Thank you po ma'am."

Napabuga naman ako ng hangin. Sa sobrang  kaba na naramdaman ko.

"Gagi ka! Lakas ng loob mong malate sa klase ni Ma'am Caporno ahh." Bulong sa akin ni Audrey ang bestfriend ko.

"Mamaya ko na sasabihin, baka magisa ako ni Caporno." Ngising sabi ko.

Wala pang official na klase dahil first day pa lang naman. Pero habang nasa room ako ay lumilipad ang isipan ko sa nakasabayn ko sa bus kanina.

"Lady's first"

"Lady's first"

"Lady's first"

Nagpaulit-ulit ang boses ng lalaki sa tenga ko. Masyado na akong nilalamon ng kagwapuhan niya, Ano ba Reese hindi pwede ang ganito.

Baka hindi na ako pauwiin ng madrasta ko.

Sinisiko naman ako  ni Audrey.

"Tss.. Ano ba?"  Singhal ko.

Nginuso niya naman si ma'am sa harap.

"Abaaa!!. Ms. Torres, Present ka nga pero ang utak mo lumilipad." Si ma'am.

Mukhang nagiging paborito na yata ako ni ma'am ahh. Kanina pa niya ako pinupunterya.

"Stand up!" Sigaw nito.

Mabuti na lamang at sanay na ang mga ka-blockmate ko  sa akin, kaya kumakapal na ang mukha kong mapahiya.

Dali-dali naman akong tumayo.

"Who is known as the greatest playwright?" Biglang tanong ni ma'am sa akin.

Bus Stop Romance (Ongoing)Where stories live. Discover now