Chapter 5 :

1 0 0
                                    

"Hatid na kita"

Hindi ko alam kung epekto lang ba ito ng alak o sadyang bumilis lang ang tibok ng puso ko. Parang may mali eh.

"Bakit mo ako ihahatid?" Nagtatakang tanong ko.

Kita ko naman ang pag-iwas ng tingin niya na parang naghahanap ng  sagot sa paligid.

"It's already late and it's not safe for you to commute."

Ako naman ay naka-upo pa rin at tinitingala siya. Para tuloy akong tuta na pinapagalitan ng amo.

" Kaya ko naman umuwi, tsaka hindi pa kita ganoon kakilala para ihatid mo ako." Sabi ko at tumayo na, ngunit may naapakan akong bato kaya na out of balance ako at  bigla naman niya ako hinawakan sa beywang ko at napahawak ako sa dibdib niya, at sobrang lapit ng aming mga mukha.

"Hindi mo na kaya. You're drunk, Don't worry I know your Ate Rhian. You're safe with me." Sabi niya.

Tinulak ko naman siya dahil naiilang ako.

"Hin-hindi naman ako lasing.  Tatlong beer lang naman nainom ko, five percent of alcohol nga lang iyon eh. Edi 15 percent lang alcohol ang nasa katawan ko. " Depensa ko.

I heard him chuckled.

"Let's go" sabi niya at binalewala ang mga  sinabi ko.

Kaloka. Ano naman nakakatawa sa sinabi ko? Eh totoo naman na 15 percent of alcohol lang nasa katawan ko. Wala na rin akong nagawa kundi sumakay sa kotse niya, pinagbuksan niya pa ako ng pintuan. Takot na rin akong maglakad mag-isa kaya pumayag na ako.

Inayos ko ang upo ko at nakikiramdam.Ang awkward naman kasi, hindi ko rin alam kung paano ko siya kakausapin. Mabuti na lang at kakilala niya si Ate Rhian dahil kung hindi ay hindi rin ako sasama. 

So, singer pala siya. Na curious lang tuloy ako kung bakit pa siya sumasakay ng bus kung may sarili naman pala siyang sasakyan.

"Seatbelt." Sabi niya.

Inayos ko naman ito, at tinulungan niya rin ako dahil medyo nahihirapan ako. Hindi pa ako huminga ng ilang segundo sa sobrang lapit ng aming mga mukha.

Nang maayos na ay tsaka siya nagmaneho.

Napapalingon naman ako sa kanya at seryuso siyang nagmamaneho. Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa kanya.

"Is there something wrong?" Sabi niya habang diretsong nakatingin sa daan.

"Huh? Ahh... Ahmm.. wala naman. Tinatandaan ko lang ang mukha mo. Para kapag nawala ako, ikaw ang suspek." Matapang na sabi ko. Ano ba yan. Wala na ba akong ibang maisip na dahilan.

"Tsskk.. Cute." Sabi niya.

"Huh?"

"Nothing. Bakit di ka na nag-reply kanina?" Tanong niya at lumilingon paminsan-minsan sa akin.

"Reply? Nagtext ka ba?" Tanong ko at kinuha ko ang phone ko.

[Unknown number] :

It's me. Klyde.

Binalik ko ang phone ko sa bag ko at lumingon sa kanya.

"Sorry, hindi kasi ako nagse-save ng number sa phone ko, dine-delete ko kasi pagkabasa." Sabi ko at tumingin sa kalsada, hindi ko kasi matagalan na tingnan siya. Baka kung ano pa ang isipin niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 23 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bus Stop Romance (Ongoing)Where stories live. Discover now