Chapter 4:

0 0 0
                                    

"Can I text you?"

Halos mabaliw na ako ng makarating sa bahay. How come that he will text me?, Ano pang point di ba?  Hindi na nga ako nakasagot kanina ng tinanong niya ako. Siguro iisipin niya silence means yes. Tinalikuran ko na lang kasi siya.

Para tuloy akong tanga ng umaakyat ng hagdan, nakangiti na parang baliw. Nagulat na lamang ako ng naka-cross arms si Ate Rhian habang nag-aabang sa akin.

"Ohh Ate kumain ka na?" Masayang tanong ko.

"Paano nawala ang i.d. mo at si Klyde pa talaga ang nakapulot?"

Iyong nagtanong ka at tanong rin ang sagot.

"Ahh, nakasakayan ko kasi  siya  kanina sa bus, nagmamadali kasi akong bumaba at sumabit raw iyong i.d. ko sa bag niya." Paliwanag ko sa kanya.

Lumapit sa akin si Ate at taas kilay na tumingin sa mga mata ko.

"Huwag mong lalandiin si Klyde, Akin lang siya." Bulong niya at tsaka ako nilampasan.

Nagtataka naman ako sa sinabi niya.  Binili ba niya iyong tao para sabihing sa kanya?, Well, I don't care, they're not my priority right now. Ang importante ay nakuha ko na ulit ang i.d. ko.

Dumiretso na lamang ako sa kwarto ko at nag-shower, pagkababa ko ay tapos ng kumain si Ate Rhian at Tita Alyana. Hindi na bago sa akin ang treatment ng mag-ina, they always makes me feel that I don't belong in this family.

Kaya naman mag-isa lang akong kumain. Ito ang dahilan kung bakit mas gusto ko pang kumain sa labas kaysa dito sa bahay. Napabuntong hininga na lamang ako at niligpit ang pinagkainan ko. Malapit na rin kasi mag-alas dies ng gabi at ayaw ko ng abalahin si Ate Ana para magligpit.

Pumunta muna ako sa kwarto ni Ate Ana para mangamusta at makipagkwentuhan. Nagdalawang isip pa akong pumasok dahil baka tulog na siya pero naabutan ko siyang nagtutupi ng mga damit niya.

Humiga ako sa kama niya. Sanay na sa akin si Ate Ana kaya parang wala lang sa kanya. Mas kapatid pa nga ang turing niya sa akin kaysa kay Ate Rhian eh. 

"Ohh. Bakit ka nandito? Mukhang masaya ka ahh."

"Wala naman. Maganda lang naging takbo ng araw ko. " masayang sabi ko.

Umupo ako sa kama at tinulungan ko siya magtupi, habang kinukwento sa kanya ang  lahat ng nangyari kanina. Binibiro pa nga niya ako na baka si 'Unknown boy' na raw ang The One ko.

"Ayiieehhhh... Magkaka-lovelife na ulit siya. " Biro niya sa akin.

"Love life agad? Eh inaangkin na nga ni Ate Rhian eh. " sabi ko.

"Huwag ka mag-alala, mas maganda ka roon. Tsaka di ba sabi nga ni Unknown Boy 'Can I text you?"  Nagboses lalaki pa talaga siya. At tinawanan ako.

"Good night na nga." Sabi ko at lumabas na ng kwarto niya na tinatawanan pa rin ako.

Kay Ate Ana ko rin nasabi na nagpa-part time job ako. Dito kasi sa bahay, kapag wala si Dad siya lang ang nasasabihan ko ng lahat. Si Kuya Rich kasi madalang rin umuwi ng bahay, may sarili ng condo at paminsan- minsan lang kung umuwi.

Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon ay byernes na naman. Hindi naman sa nag-aassume ako, pero hinihintay ko rin talaga na itext ako ni Klyde, pero wala. Ilang araw ko rin siyang hindi nakasayan sa bus.

Naging abala rin ako sa acads. At laging pagod sa bookstore. May mga estudyante kasing nagpapahanap ng libro at ako ang umaakyat sa wooden stall, minsan rin ay nage-inventory kami.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 04 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bus Stop Romance (Ongoing)Where stories live. Discover now