Chapter 3:

2 0 0
                                    

Today is Monday, and my first day on my job. Kaya naman maaga akong gumising at first subject ko si Ma'am Caporno, kaya bawal ma-late.

6:30 pa lamang ay naghihintay na ako ng bus sa waiting shed. Marami kasing pasahero tuwing lunes at siksikan, kaya mas inagahan ko na ngayon.

Habang wala pang  bus ay kumain muna ako ng polvoron. Nakakatatlo na ako at wala pa rin. Haiysstt... Ayukong malate ngayon.

Napa-ubo ako dahil sa polvoron, pinunasan ko ang aking labi baka may dumi at nakakahiya naman.

Kinuha ko ang Tumblr ko para uminom, ngunit hindi ko ito mabuksan. Nauubo pa rin ako.

" Let me help you." Napatalon ako sa gulat ng may nagsalita.

Napatingin ako  sa kanya at hindi ko alam kung ibibigay ko yung tumblr ko o hindi. Parang hindi ko na yata kayang uminom sa hiyang nararamdaman ko. Hinayaan ko na lang na kunin niya ang tumblr ko.Binuksan niya ito at muling inabot sa akin.

Uminom muna ako.

Nagtataka ako at hindi ko man lang napansin na may kasama na pala ako sa waiting shed.

"Sa-salamat." Mahinang sabi ko.

Hindi ko alam kung narinig ba niya o hindi, dahil wala naman siyang reaksyon at hindi na muling tumingin sa akin.

Sakto naman at may dumating na rin na bus.

As expected punuan nga nagyon. So no choice at standing ako.

Grabe naman, ang ganda naman ng umpisa ng lunes ko.  He let me ride first, and he followed me.

Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa balikat niya. He has broad shoulders at bawat galaw niya ay nagpe- flex ang muscles niya.

-Wait lang!! Parang hindi ko na yata kilala ang Reese na ito ahh. Hindi ka pwedeng ma-attract. Pero... Pero hindi ko maiwasan. Crush lang naman siguro. At tsaka wala naman akong balak na alamin ang pangalan niya eh.-

Napahinto lamang ako  sa pag-iisip ng mag-umpisa ng mag-ticket ang konduktor.

"Mga madam at sir!! Side view muna at ng ako'y makadaan"

Kaya naman tumagilid kaming nakatayo. Nagkatinginan kami ni Unknown Boy. Wow may pangalan na siya agad. Well, I think it suits him, since ilang beses ko na rin siyang nakikita at napapansin kaya Unknown boy ay pasado na. I don't know if I'm overthinking, but the way he glance at me is giving me falsehopes.

Umiwas naman ako ng tingin sa kanya.

"Saan ka Ineng?" Tanong sa akin ng konduktor.

"BMU po. Estudyante." Sabi ko.

Binutasan na ni manong ang ticket.

"Ikaw?" Tanong ni Manong kay unknown boy.

" Wins U " sagot naman niya.

-Parang ang sarap pakinggan ng boses mo. Paulit nga.charroot..-

"Ineng pamasahe?" Si manong naman nanggulat, nagpapantasya ako eh.

Kinuha ko naman ang pera ko sa bag, kaya naman bumitaw muna ako sa railings at sinandal ang likod ko sa upuan para hindi ako matumba. Hindi na kasi uso ang gentleman sa panahon ngayon eh, kahit matanda hindi man lang magawang magpa-upo, at magkukunwaring tulog.

Pero...

Pero...

Pero sa hindi inaasahan ay biglang pumreno ang bus at muntikan akong matumba, mabuti na lamang at nahawakan ni Unknown boy ang braso ko. 

Bus Stop Romance (Ongoing)Where stories live. Discover now